Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(ENDING)

Chapter Ten

"ALAM mo, sana, hindi na lang ako naniwala sa 'yo!" aniya sa orasang bulok habang nakatingin dito.
        "Hindi na sana ako naniwala sa pag-ibig!" Nagbagsakan ang luha mula sa mga mata niya. Naalala niya ang mga lalaking inalok siya ng pre-marital sex. Mas tumindi ang galit niya nang maalala kung paano niya ipinagkaloob dito ang kaniyang katawan nang buung-buo.
"Walanghiya ka!" aniya sa orasan habang ang nakikita sa mukha niyon ay ang mukha ni Ramon.
Sa inis ay inihagis niya sa kung saan ang orasan. Naramdaman niyang sa kama lang naman  iyon bumagsak. Naisip niyang wala naman iyong kinalaman sa buhay-pag-ibig niya.
Ang katangahan lang niya ay hindi pa siya natuto.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya.
Si Maribel ang nasa kabilang linya.
"Hello..."
"Oh, mukhang naiyak ka? Naiyak ka ba?"
"Maribel..." Napahagulgol siya.
"Ano?"
"Napakawalanghiya ng Ramon na 'yon!" Napapiyok pa siya.
"Bakit ba?"
"Puwede ka bang pumunta dito?"
"Haynaku! Mag-i-scuba diving kami ni Scott." Ang Amerikanong boyfriend nito ang tinutukoy nito. "Sama ka na lang. Tapos, kuwentuhan mo ako.'Pagkatapos, sumama ka sa 'min mag-scuba diving."
Napasinghot lang siya.
"HUwag kang mag-alala. Sakay tayo ng kotse ni Scott. Makakatulong din sa 'yon maka-recover. Kasi, four days kami d'on. So, makakatulong talaga sa 'yo para makalimutan siya. Naku! Girl! Hindi  iniiyakan 'yang ganiyang lalaki. Walang kuwenta."
Kapag may problema siya, hindi niya iniiyakan. Lahat ng lalaki sa buhay niya ay hindi niya iniyakan. Napaiyak lang siya dahil minahal niya ito. Katunayan, binigay pa niya ang buo niyang pagkababae rito.
"Ano? Sasama ka?"
"Sige. Sasama ako. Hindi na ako magtatakot mag-scuba diving. Ni hindi nga ako natakot magmahal muli, mag-scuba diving pa kaya!" Nilakasan niya lang ang loob niya para isiping makakaya niya ring kalimutan si Ramon.
"Good for you girl."
"Anu-ano ang mga kailangan ko?"

"DAIG mo pa ang maglalayas ah..." ani Maribel sa kaniya makalabas ng bahay. Nasa harapan ng bahay nila ang kotse ng boyfriend nitong Amerikano.
"Sabi mo. Magdala ng kumot. Nagdala na rin ako ng kulambo. HIndi ako makatulog ng walang kulambo." Four days daw iyon kaya nagdala siya ng mga damit na kakasya sa apat na araw. Hindi na niya kailangang magdala ng pagkain.
"O siya, sige na. Let's go."
Kinuha nito ang isa sa mga dalahan niya. Matapos ilagay sa compartment ang mga dala niya ay sumakay na sila. Sa backseat siya naupo samantalang ang dalawa ay nasa unahan.
Pinaandar ni Scott ang sasakyan. Guwapong Amerikano ito. Kahawig ni David Cook. Sa palagay nga lang niya ay nasa mid-thirties na ito.
"Hon, this is my best friend, Lilah. Lilah, Scott, my lovie dovie," pakilala ni Maribel.
"Nice to meet you," Inilahad ni Scott ang kanang kamay, ang isa ay hindi nito tinanggal sa manibela.
"Nice to meet you, too."
"Naku, mag-e-enjoy ka doon. I'm telling you."
"Hindi ako marunong mag-Scuba diving."
"Don't worry. Tuturuan ka nito ni Scott. He's an expert. Right, hon?"
Halik ang nagsilbing, "oo" para kay Scott.
Kahit pa parang OA para sa kaniya ay nakaramdam siya ng inggit sa mga ito dahil

SA ANILAO, Batangas sila nagpunta. Unang araw ay nagpaturo muna siya kay Scott mag-scuba diving. Hindi pa siya sumama sa mga ito nang pumalaot dahil hindi pa siya handa.
Bandang alas-singko umalis ang mga ito. Siya naman ay naisipang ipagpatuloy ang binabasang libro.
Inilatag niya sa buhanginan ang kaniyang towel at nahiga.
Nahiga siya at ini-expose ang kaniyang balingkinitang katawan. Nakakahiya kasi kung hindi siya maggaganoon dahil halos lahat ng babaeng nakita niya ay two-piece ang suot.
Pinihit niya sa page 64 ang librong I KIssed Dating  Goodbye ni.
Mayamaya ay may naramdaman siyang naupo sa tabi niya. Siguro, isang foreigner itong na-attact sa hugis ng katawan niya.
"Dapat pala akong magpasalamat sa orasang ito."
May ipinatong sa tabi niya ang kamay ng lalaki.
Nang mag-sink in sa isip niya ang sinabi nito ay tiningnan niya ang orasan. Hindi ba't ang orasan na iyon ay ang orasang nasa kuwarto niya?
"Sabi mo, nag-wish ka diyan? Nag-wish din ako na sana ay makita kita. Nilibot ko ang buong  Anilao. At masaya akong makita kang nakahiga dito nang mag-isa."
Dumilim ang paningin niya nang makita niyang ang nasa tabi niya ay walang iba kundi si Ramon.
"Ano'ng ginagawa mo dito." Kinuha niya ang orasan. "Kung talagang may kapangyarihan ka, ihagis mo  'to papunta sa Iraq o sa Somalia. O sa Basilan, ngayon na."
Natawa ito.
"Walang nakakatawa," aniya dito. Dahil alam naman niyang walang magagawa ang orasan ay inihagis niya iyon sa buhanginan. Dinampot niya ang libro at tuwalya. Naglakad na siya pabalik sa kuwarto niya sa resort na iyon.
"Kung iniisip mong niloko kita, nagkakamali ka."
Nagdire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang makarating sa kuwarto. Isinara niya ang pintuan. Ano pa ang silbing pakinggan niya ito?
Naupo siya sa likod ng pinto dahil alam niyang magkakakatok lang ito.
Mayamaya ay nakaramdam siya ng pagkainip dahil ini-expect niyang kakatok ito nang kakatok. But he didn't.
Idinikit niya ang isang tainga sa pinto para marinig kung may tao sa labas.Mukhang wala naman.
She opened the door. Nagpalinga-linga siya sa labas pero walang tao doon.
Natanaw niyang nakaupo si Ramon sa may buhanginan. Hawak-hawak nito ang orasan, pinapaikut-ikot iyon na animo bola.
Kakausapin ko ba siya? tanong niya sa sarili. Ano naman ang ipupunta nito doon? Para mag-sorry?
Nang makita kasi niya ito ay parang siyang binuhusan ng yelo. Pagkatapos ay ng apoy kaya  sumilab ang galit niya.
Lumingon ito sa kinaroroonan niya. Sa pagtataka niya, hindi siya muling pumasok nang makitang papalapit ito sa kaniya.
"Puwede bang bigyan mo ako ng panahong magpaliwanag?"
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin lampasan sa katawan nito.
"Janice is my best friend. Sorry 'coz forgot to tell you about her and her problem."
"Problema niya ay wala siyang boyfriend? Sa kaniyang sa kaniya ka na. Hindi kita aagawin."
"Listen first! May stalker siya. Kaya hiningi niya ang tulong ko.Sabi niya, magpanggap akong boyfriend niya dahil naisip niyang baka kung makita ng stalker niyang may boyfriend na siya, baka lubayan na siya. Pero ginugulo pa rin siya ng stalker niya. So, napag-usapan naming magputna sa isang restaurant and show the stalker that we're kissing. Pero hindi naglapat ang mga labi  namin dahil mag-best friend lang ang tingin namin sa isa't isa. 'Di ba? Tinakpan niya ang mga labi namin? I just smiled because I have to show the stalker that I love her."
Napahiya siya sa sarili. Naalala niya nang buhusan niya ito ng softdrink sa restaurant. Napahiya rin ito nang mga panahong iyon. At heto ito sa harapan niya? Nagso-sorry para sa isang kasalanang siya lang ang naggawa?
"Mission accomplished dahil nagpakilala na ang stalker niya. A former friend of her."
Nginitian niya ito. Napakagat-labi siya.
"What? Galit ka pa ba?"
"Sorry," aniya rito.
"I love you. So I won't hurt you," anito.
"bakit kasi hindi mo sinabi sa 'kin?"
"Okay. Next time, lahat-lahat, sasabihin ko sa 'yo. Parang wala tayong pag-aawayan."
"Dapat lang."
"Pati pangangaliwa ko,ipagpapaalam ko."
"What?" Pinamaywangan niya ito.
"Kidding," anito.
Nagkangitian sila nito, tila hindi alam ang sasabihin sa isa't isa.
"Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?"
Hinarap nito ang dalang orasan.
"Heto po bang babaeng ito ang para sa akin?" tanong nito sa orasan. "Oo," sagot nito sa sariling tanong. "Ako po ba ang para sa kaniya?" isa pang tanong nito. "Yes, of course."
Natawa siya rito. "Tama na nga. Para kang timang."
"So, will you marry me?"
"Tanong mo sa orasan."
"Yes," sagot nito sa mala-Mojacko na boses.
Niyapos niya ito. Kung may powers man o wala ang mga lumang orasan, ang mahalaga ay natupad ang wish niya.
"Meron nga pala akong nakakalimutan pang sabihin sa 'yo."
May kinuha ito sa knapsack nito. Maliit iyong orasan.
"Pamana pa 'to sa 'kin ni Lolo."
"Oh, ano ngayon? Eh, hindi na naman 'to nagana?" aniya rito habang pinaglalaro sa kamay ang munting relo.
"Hindi mo na-gets eh."
"You mean...?"
Tumango ito. "I made a wish. Dati pa kita nakikita. Sexy ka kasi. Aaminin kong kapag nakikita kita, may tumatayo sa ibaba. At aaminin ko din. N'ung nagpunta tayo sa Picnic Grove. N'ung kinuwentuhan mo'ko. That time, nanggigigil na ako sa 'yo."
"So, sex symbol ang tingin mo sa 'kin dati?"
"Not sex symbol. Sex goddess."
"Pukpukin kita nitong orasan eh."
"I've got one more surprise for you..."
"What?"
Mula sa knapsack nito ay may kinuha itong libro.
"Mga Kuwento ng Mahiwagang Orasan."
"Huh? May sinulat akog ganitong title sa isang notebook ah?"
"Oo nga. Tingnan mo kasi kung sino ang nakasulat na author?"
"Delilah Dimaculangan."
Naipukpok niya dito ang libro.
"Bakit?" angal nito habang sapu-sapo ang ulo.
"Wala! Nakakainis ka dahil hindi ka man lang nagpasabi."
"Gusto kong ipang-suprise 'to sa 'yo. Ipinakita kasi sa 'kin ng kapatid mo minsan 'yung original manuscript mo. 'Yung notebook mo."
Naisip niyang siguro nga ay mahal na mahal siya nito. Siguro ay malaki ang ginastos nito para magawang libro ang short stories niya.
"Ipinagawa mo pa talaga 'tong libro? Thank you." Niyapos niya ito. Nanginig ang luha mula sa mga mata niya. Para sa isang manunulat, wala nang tatamis pa sa sinulat niyang nai-publish.
"You just don't know how you made me happy..." Gustong bumagsak ng luha mula sa mga mata niya pero nanatili lang iyong nakasabit.
"That's not all. Makikita mo na sa National Bookstore ang mga kopya ng libro mo."
Napabitaw siya rito para harapin ito. "Bakit? Marami kang pinagawa?"
Tumango ito.
Nang makita niya ang ngiti nito. Bumagsak ang luha sa mga mata niya nang tuluyan.
This simple man brought her tears. Tears of joy.

                                                                              WAKAS

No comments:

Post a Comment