Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 4)

Chapter Four

"SORRY kanina. Naiihi lang talaga ako," anito habang nakaupo sila sa mat. Nakalatag ang mga binili nilang pagkain sa labas. May stamp naman sila kaya puwedeng maglabas-masok doon.
    Doughnut, pizza, chicken, at rice. Mula sa McDo ang kanilang rice at chicken. Fruits.  Softdrinks. Iyon ang kasama nila sa mat.
    "Naiintindihan ko. Part 'yan ng katawan mo. Bakit kasi hindi mo in-interrupt ang pagkukuwento ko. 'Di sana, pinaihi muna kita."
    "Nakakaaliw kasi ang kuwento mo," anito. Kumuha ito ng isang donut. "Ba't ayaw mong magsulat ng children's book?" Kumagat ito sa doughnut.
    "Wala naman akong publisher."
    "ISulat mo, ipa-publish ko."
    "Talaga?"
    "Oo." Kumaha din siya ng dougnut.
    "Saan mo nakuha ang mga ideas mo?"
    "Mahilig akong magbasa. At ngayong librarian na ko, mas marami pa akong books na nababasa."
    "Huwag mo 'kong kakalimutan kapag sikat ka na."
    "Oo naman. Baka nga ikaw ang makalimot na i-publish ang libro ko." Nagkatawanan sila.
    Naisip niyang never pa siyang sumaya na tulad noong mga sandaling 'yon. Bakit ganoon?
    Paano nangyaring ni hindi pa naman sila nito ganoong magkakilala pero parang matagal na sila nitong magkakilala?
    Kung siya ang tatanungin, matagal na niya itong crush. Kahit pa malaking bayan ang kanilang bayan ay mabilis namang maka-acknowldge ang isip niya ng mga guwapo. Na aaminin niyang pinapantasya niya.
    Siguro nga, nasa dugo niya ang pagiging mapagtiwala.
    Look. Sumama siya dito kahit kakikilala niya lang dito. Siguro nga. Personality na niyang maging easy to get. Linawin niya kaya ang tungkol sa bagay na 'yon?
    "Puwede bang magtanong?"
    "Ano?"
    "Nagtataka lang ako. Paano tayo napadpad agad dito?"
    "What do you mean?"
    "Wala. Gusto ko lang kasing linawin. Kasi ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam mo 'yon? Mabilis akong magtiwala. Kaya n'ung sabihin mong isasama mo ako dito, sumama ako."
    "Naisip ko lang na kabayaran 'to sa danos ko sa 'yo."
    "Nasabi ko na sa 'yong hindi naman totoong antigo 'yon."
    Sa pagkain natuon ang pagkain niya. Iniisip niya kung bakit hindi ito makasagot sa kaniya.
    Naalala niyang hindi na siya magpapaka-easy-to-get. Iyon ang dahilan kaya nasasaktan siya. May nakapagyaya lang sa kaniyang lalaki, walang masyadong tanong, basta guwapo ay sumasama siya. Masuwerte pa rin siya dahil hindi siya nabibiktima ng masasama ang loob. Naalala niya ang isang kaso na napanood niya sa TV. Sumama sa mga hindi pa masyadong kilala kaya nabiktima ng gang rape.
    "Bakit hindi ka makasagot?"
    "Nag-iisip din ako."
    "May itatanong ako. Puwede bang sumagot ka nang totoo lang?"
    Naalala niyang kanina pa siya masaya sa piling nito. At nakalimutan na naman niyang mag-isip. Baka dahilan sa bigla niyang pagtitiwala dito ay sa heartbreak lang iyon mauwi.
    "Ano?"
    "Ano ba ang tingin mo sa 'kin?"
    "Tingin ko sa 'yo?"
    "Oo. Ano ang tingin ko sa 'yo? You're a friend. Kaya nga tinanong kita noon kung puwede bang makipagkaibigan sa 'yo."
    Naramdaman niya ang paglungkot ng mukha niya. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito.
    Sa isip niya, baka ang tingin din nito sa kaniya ay easy-to-get. Bakit inakbayan siya  nito kanina noong nagkukuwento pa lang siya? At ano ang ibig sabihin ng pagtayo ng alaga nito habang nakaakbay ito?
    Nag-iisip ito ng malaswa sa kaniya?
    "Naiiyak ka? May nasabi ba akong masama?"
    Umiling siya. "Wala."
    "Eh, bakit ka umiiyak." Inabutan siya nito ng tissue.
    Pinahid niya ang luha sa mga mata niya.
    Ayaw na niya ditong magtanong. Kapag nakita na lang niya ang mga sensyales na gusto lang siya nitong lokohin ay bubugbugin niya ito. Kung paano, hindi niya alam.
    Or mas mabuti pa siguro na lumayo na siya dito?
    Oo nga.
    Mukhang nagpapakita ito ng interes sa kaniya. Ayaw naman niyang tulad dati ay mapunta lang sa wala ang pusong ibibigay niya rito.
    Aaminin niya. Madaling mabilog ng mga lalaki ang ulo niya. Madali siyang maniwala sa mga pangako.
    Ngayon, dapat ay matuto na siya ngayong aware na siya na gan'on pala talaga ang personality
niya.
    "Natahimik ka? Akala ko pa naman kukuwentuhan mo pa ako."
    "Sorry. Wala ako sa mood."

"KUMUSTA na nga pala si Anthony?" tanong niya rito nang papauwi na sila. Nasa kotse sila nito. Alam niyang bigla-bigla na lang ay nagbago ang kaniyang pakikitungo dito.
    Nanliiit kasi siya sa sarili dahil sa naisip niya. Na baka lumalapit lang ito sa buha niya dahil tuad ng mga ex niya ay katawan ang niya ang habol nito sa kaniya.
    "Nasa America na siya. Doon na siya pinag-aral nina Mommy."
    "Ang sarap maging mayaman 'no? Kahit saan, puwedeng mag-aral."
    Naramdaman din niyang lumamlam ito.
    "I want to tell you about your brother's tuition fee. Problema mo ba 'yon? Kasi, kung oo, kaya kitang tulungan."
    "No. Never mind. Ang totoo, nabayaran ko na 'yon in full. Nag-loan ako sa school. Sorry sa mga kasinungalingan ko."
    "I understand."
    "Wala ka na ba talagang kailangan sa 'kin? Kasi, bukas, aalis ako. May a-attend-an akong conference sa Germany. Two days ako d'on."
    "Ha?" Nabanggit niya sa pagkabigla.
    "Bakit?"
    Wala siyang maidahilan. Sana naman ay makuha nitong kahit papaano ay may naitanim na ito sa puso niya. At dahil doon ay mami-miss niya ito kung umalis ito.
    "Two days lang naman 'yon. Napakabilis n'on."
    Naisip niyang kapag umalis ito, sana ay magtuluy-tuloy na itong mawala sa buhay niya. Ang kabilang bahagi ng isip niya ay nangangambang isa rin ito sa mga lalaking pantasya lang ang tingin sa kaniya.
    Kung sakaling mawala ito sa paningin niya nang dalawang araw. Tapos ay magtuluy-tuloy na, matatanggap niya. Kaysa maglaho itong parang bula. Or matuklasan niyang tulad ng iba ay gusto lang nitong kunin ang pagkababae niya.

"MARIBEL. Mukha ba akong easy to get?" tanong niya sa kaibigan. Sinadya niya ito sa bahay ng mga
ito. Linggo noon.
    Nasa ilalim sila ng punong mangga. Nakaupo sa upuang yari sa kahoy.
    Hilaw na mangga at baraksila ang nlalantakan nila.
    "Palagay ko, ikaw ang makakasagot niyan. Bakit mo ba naitanong?"
    "Sa past relationships ko kasi, napansin kong mabilis akong maniwala sa mga lalaki. Nakikipagrelasyon agad ako. Tapos, kapag tinanong nila ako kung gusto ko ba daw makipag-pre-marital sex at ayaw ko, bigla na lang nila akong iniiwan."
    Imbis na mangasim dahil sa pagkain ng mangga ay napatawa ito. Nang maglaon ay naghalo ang asim at tawa sa mukha nito.
    "Dapat mo sigurong sisihin ay ang nanay at tatay mo."
    "Paano naman sila napasama sa usapan."
    "Aba. Binigyan ka nila ng maalindog na katawan. Lapitin ka ng lalaki. Pero..." Hindi na nito ipinagpatuloy ang sasabihin. Parang gusto nitong sabihin sa kaniya na hindi niya kasalanan kung mukhang mapang-akit sa lalaki ang katawan niya.
    "Ano ba ang panglabas kong hitsura?"
    "Alam mo kasi, ewan ko ba kung dapat mo'ng ikatuwa. Alam mo kasi, blessed ka. I mean,  'yung ibang babae, pangarap na magkaroon ng katawan na tulad ng sa 'yo. Alam mo 'yon? 'Yung kahit na nakadamit ka eh, anlakas ng appeal mo. Sabi ng mga bata at ng mga co-teachers kong lalaki. Kasi minsan, napag-usapan ka namin."
    "Kaya ba ako sinipulan ni Anthony ng makita niya akong nakatuwad?"
    "Malay ko. Pero baka."
    "Ano ang ibig mong sabihin? Kung may lalaking lumapit sa 'kin, posibleng katawan ko lang ang habol niya."
    "Hindi ko alam. Malamang. Depende sa lalaki."
    "Paano ko malalalaman?"
    "I-test mo."
    "Ano'ng test? Paano?"
    "Sabi sa libro kong nabasa, malalaman mo daw kung bastos ang iniisip sa 'yo ng isang lalaki kapag nag-drawing siya ng ahas."
    "Ahas?"
    "Kapag nag-drawing siya ng ahas tapos ay nakadila ang ahas, ibig daw sabihin, bastos ang nasa isip nia. O bastos siyang tao."
    "O sige. Iyan ang test one ko sa mga manliligaw sa 'kin. Kapag nakadila ang ahas na ido-drawing niya, ayoko na sa kaniya."
    "Bakit?"
    "Kasi, posibleng katawan ko lang ang habol niya."
    "Bakit? May nanliligaw na ba sa 'yo?
    "Hindi. Pero..." Naalala niya kung paano sila ni Ramon nakarating sa Tagaytay. Gan'on ba siyang ka-easy to get? Na basta-basta na lang siya sumasama?
    "Ano?"
    "Ahm... Remember Anthony?"
    "Oh?"
    "Remember his brother?"
    "Oh, 'yung guwapo?"
    "I met him."
    "Oh, ano'ng nangyari?"
    "Ang naramdaman ko habang kasama ko siya, tulad ng naramdaman ko with my previous boyfriends. Na parang mahal niya ako."
    Tiningnan siya nitong animo isang malaking weird! "'Di mabuti."
    "Ano'ng mabuti d'on? Alam mo ba. Tulad din ng dati kong mga boyfriends, pagkatapos ng ilang buwang pangliligaw, itatanong nila ako, 'puwede na ba'? Itatanong nila ako kung napatunayan na ba nilang karapat-dapat sila sa katawan ko. Yuck! Alam ko na ang strategy ng mga lalaking 'yan! Alam mo 'yon?"
    "Alam mo, kung ako ang nasa kalagayan mo, go lang ako nang go. Sige lang!"
    "Yuck! Ano'ng tingin mo sa 'kin? Prosti?"
    "Joke lang naman."
    "So, ano ang gagawin ko sa kaniya? Eh, siya pa man din ang man of my dreams?"
    "Alam mo, hindi mo na kailangang mag-isip. Kung hindi kayo, hindi kayo. Kung kayo, kahit pa harangan ng i-abduct siya ng mga alien, kayo pa rin."
    "Alam ko na 'yon. I mean, gusto ko siya. Paano kung saktan lang niya ako."
    "Eh, bakit ka kasi natatakot magmahal?"
    "Masakit kaya. Masakit kayang ibigay ang puso mo sa isang taong dudurugin lang ang puso mo."
    "Alam mo, kahit saang laban, ang hindi sumusubok, talo."
    "Eh, may magagawa ba ako kung na-trauma yata ako sa pag-ibig."
    "Punta ka kayang Psychiatrist?"
    "Luka-luka! Ano'ng tingin mo sa 'kin?"
    "Kasi naman, professional help na yata ang kailangan mo."
    "Hoy! Hindi pa ako naluluka. Para sabihin ko sa 'yo."
    "Sige nga... I-challenge nga kita..."
    Napatawa siya. "I don't have to take your chalenge. Wala akong dapat na patunayan."
    Ang dating sa kaniya ng sinasabi nito ay nababaliw na siya kaya parang abnormal ang reaksiyon niya. Pero parang hindi naman ang general belief nito. Joke lang sa isa't isa ng magkaibigan.
    "I mean, friend! Buksan mo ang puso mo! Baka tumanda kang dalaga!"
    "siguro, isa lang ang solusyon sa problema ko."
    "Ano?"
    "Huwag magmadali."
    "Siguro nga. Dati, sabi mo, makagraduate lang, gusto mo nang pakasalan si Aries."
    Ang boyfriend niya from second year college hanggang third year college ang naturang lalaki. Na-turn off lang siya dito nang alukin siya nito ng pre-marital sex. Kahit naman mukhang malandi siya, may values pa rin siya. Hindi siya kagaya ng iba na mahinhin nga, sila pa naman ang nauunang nabubuntis.
    "'Yun nga ang problema sa 'kin. Madali akong ma-in love, madali akong maniwala sa  pangako. So, sa susunodkong relasyon, maghihinay-hinay lang ako."
    "Good luck sa 'yo."
    "Ano?" Ang dating sa kaniya ng sinabi nito ay hindi ito naniniwala sa kakayahan niyang makpaghintay nang matagal.
    "Joke lang."

No comments:

Post a Comment