Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 5)

Chapter Five

"GUMISING ka na diyan. Nasa baba si Jhe," anang Nanay niya. Kung hindi niya narinig ang pangalang Jhe ay wala siyang balak na tumayo. Regularly, kapag ginigising siya ng nanay niya ay 30 minutes pa muna ang lilipas bago siya tuluyang bumangon. Not now. Para nga siyang robot na pinundot ang isang button kaya bumangon. Awtomatiko.
"Bakit naman ho? Ano'ng ginagawa niya? Bakit naman niya ako pupuntahan dito?" tanong niya rito. Ewan niya. Feeling niya ay para siyang engot. Gan'on yata kapag bagong gising. Wala sa ulirat.
"'Di ba siya nga ang gusto kong kuning architect ng ating apartment?"
"Ah..." Bumagsak ulit siya sa kama. Akala niya aakyat ito ng ligaw tulad ng nasa panaginip niya. Hindi naman pala. Trabaho ang ipinunta nito sa kanila.
"May dalang bulaklak at tsokolate ang best friend mo!"
Para siyang tangang bumangon na naman. Nagkukumahog siyang bumaba ng kama. Isinuot ang tsinelas na panloob.
Natatawa ito makatayo niya. "Si Jhe lang pala ang mabisang pampabangon sa 'yo eh... Yaman din lang na nakatayo ka na, maligo ka na." Itinulak siya nito sa bathroom na nasa kuwartong iyon. Nasa magarang kuwarto siya ng pinsan niyang si Janice na isa nang doktor sa America. "Walang dalang bulaklak pero may dalang chokolate."
"Nay, para kang eng-eng."
"Eng-eng na kung eng-eng. Basta maligo ka na."
Wala namang mangyayari kahit makipag-away pa siya sa nanay niya. Kinuha niya ang kaniyang bathrobe na nasa aparador.
Kahit pa ano ang dahilan o kung anu pa man ay nagmamadali  na siyang naligo. Kung may kailangan sa kaniya ang dati niyang kaibigan, ayaw naman niyang hintayin siya nito nang matagal. Makalipas ang limang minuto ay nakatapos na siya. Nagsuot siya ng simpleng buting blouse. May malaking smile lang sa gitna niyon. Mini shorts.
Para naman makita nito ang makinis niyang legs na pinagkagastusan niya ng papaya soap and lotion. Nag-polbo siya para naman refreshing pagmasdan ang mukha niya. Nang sigurado siyang kaya na niyang harapin si Jeric physically and emotionally, bumaba na siya.
Nasaan ang isang 'yon? anang isip niya makababa. Nakarinig siya ng tawanan. Ang mga tawanang iyon ang naghatid sa kaniya sa kusina. Bakit ba sa kusina in-entertain ng mga kasama niya sa bahay ang bisita? Well, tradition na yata iyon sa bahay ng tiya niya. Hindi kagaya sa pangkaraniwang Pilipino na sa living room hinahandaan ng pagkain ang bisita. O kung nasaan ang bisita.
Pagpasok niya ay si Jeric ang una niyang napansin.
Ano pa ba ang deskripsyong masasabi ng isip niya? Napakaguwapo.
Naka-casual lang ito. Naka-Lacoste itong de-kuwelyo. Color green. Jeans. Sneakers. Napansin din niya ang malagkit na tingin nito sa kaniya.
"Good morning," anito. Galante talaga ito sa ngiti.
"Good morning din." Nag-martsa siya mesa at tiningnan kung ano ang inihain ng kaniyang mga kasamahan sa bahay para sa espesiyal na bisita niya.
"Ano 'to?" Hindi na siya naghintay ng sagot. Kinagat niya ang pandesal. Coco jam ang palaman "Ang tigas." Isinawsaw niya iyon sa kape ng tiyuhin niyang nakaupo pinakamalapit sa kinatatayuan niya. Tiningnan niya si Jeric. "Pagpasensiyahan mo na. Meron pa yatang cake dito." Nagpunta siya sa ref. Binuksan niya iyon. "Nasaan 'yung cake dito?" Pinipilit lang niyang ipakita sa
mga tito, tita, nanay niya na hindi siya apektado ng presensiya nito. Baka kasi may masabi ang mga ito tungkol sa nararamdaman niya para sa binata. Kagabi, bago matulog ay narinig niyang naging paksa siya ng usapan ng mga ito. Na kesyo hindi pa raw sila ang nagkatuluyan. Dahil ayaw niya sa naririnig ay isinara lang niya ang  pinto.
Kinabahan siya nang pagbalik sa mesa ay iniwan silang dalawa doon ng mga kasamahan niya sa bahay. "Kumusta na nga pala sina Tita?" tanong niya rito. She tried to relax herself. Ayaw niyang maramdaman nitong hindi siya komportable. Na hindi siya at ease.
"Mom is in America. She has beauty clinic there. Dad's here in the country. In Quezon City."
"Ah, yeah. I've heard about that. Eh, si Chrinessa. Si Jane?" Ang dalawang kapatid nito ang tinutukoy  niya.
"Ness is now working in CBS. News Researcher siya."
"Oh, really?"
"Jane is a philanthropist."
"Nakakatuwa naman." Naupo siya sa upuan sa tapat nito. "Dati, kala-kalaro ko lang sila sa chinese garter at lutu-lutuang krayola."
Napangiti ito. "Parang ikaw. Who would have thought that you'll be this popular. Nakita ko 'yung mga books mo sa SM. I felt so proud of you."
"Well, nabasa ko rin sa blog mo 'yung mga projects mo sa America, sa England, sa Taiwan--"
"Which blog?"
"To be honest, I read most of your blogs. 'Di ba 'yung isa mong blogs ay may mga pinipindot na url tapos, makikita ko na 'yung iba't ibang blog site mo?"
Napangiti ito.
Ayaw na lang niyang magalit. Gusto na niyang kalimutan ang nakalipas kaya hindi na niya itinanong dito kung bakit hindi nito sinagot ang mga messages niya sa Friendster gayong active account nito iyon. Nakikita din niyang regular nitong nilalagyan ng mga photos and blogs ang account na iyon nito.
"Maganda bang trabaho ang romance writing?"
"Maganda rin. Lalo na kapag nasa mood ka. At inspired--okay lang ba 'yang pandesal?" Napansin kasi niyang hindi nito iyon binabawasan.
"Ah, sorry. Nakapag-breakfast na kasi ako bago ako nagpunta dito. So, I'm full."
"Naku. Kumain ka. Saluhan mo 'ko." Feeling close na naman ang drama niya rito. Ewan niya. Kahit naman hindi sila nito nagkakita, nagkausap nang halos sampung taon, feeling niya ay hindi sila nagkalayo. Dahil hindi naman ito nawala sa puso't isipan niya.
"Okay, okay, okay." Kumuha ito ng isang pandesal. Hiniwa nito iyon sa gitna gamit ang mga hinlalaki.
"Wait. I have something." Nagpunta siya sa may ref. Kumuha siya mula doon ng evap milk. "Remember this?" Kumuha siya ng platito at nagbuhos doon ng evap. Naglagay siya sa gitna ng gatas ng gatumpok na asukal.
"Do you still remember? That's my favorite," anito.
Naalala niya na ang tunay na pakay nito ay ang apartment. Pero napakasagwa namang nasa rurok sila ng kuwentuhan ay ipapasok niya ang tungkol doon. Aalalahanin na lang niya iyon kapag ito ang nagbukas ng tungkol sa bagay na iyon.
Ikinuwit niya ang pandesal sa gatas na may asukal. Ito din ay ganoon ang ginawa.
Saglit na katahimikan. Ito ay nangingiti habang kinakain ang pandesal.Siguro, na-amuse lang ito na naalala pa niya ang tungkol sa trip na iyon sa pagkain ng pandesal.
"Saan kayo sa Quezon nakatira?"
"Sa Lucban."
Muli ay katahimikan. Natural lang na magkailanganan sila sa pagkukuwentuhan nila. Pagkatapos ang sampung taon ay marami na ang nagbago.
"Ahm... tungkol nga pala sa apartment... Paano 'yon? I mean, gusto n'yo ba ay idea n'yo o idea ko?"
"It's up to you. Marami ka nang experiences. Nakita ko sa blog mo 'yung challenge sa 'yo ng isang community sa America. Na i-transform 'yung isang abandonadong bahay na gawing magandang bahay. I think, you've got artistic ideas that I won't ever see unless you execute it."
"Well, thanks. Marami ka palang alam sa mga ginagawa ko." Aba! Hindi ka kaya nawala sa isipan ko.
"So, kung gusto mo, bisitahin natin 'yung lote n'yo...?"
"Oh, I'm sorry. I think, I can't. May kailangan akong tapusing novel ngayon."
"Gan'on ba?" Tila nabawasan ang saya sa aura na nakapalibot sa pagkatao nito. Bakit gan'on ang mga guwapo? Nasusukat sa aura ang kaguwapuhan?
Katahimikan.
Bakit gan'on? Hindi niya ito matanong ng mga personal na bagay? Well, wala naman siyang dapat itanong  dahil nasusubaybayan naman niya ang buhay nito. Base sa Friendster nito ay 'In a Relationship' ito. Nakita din niyang may nakahalik sa pisngi nitong isang magandang babae habang nakaakbay ito nang mahigpit sa naturang babae.
Nasa swimming pool ang mga ito sa larawang iyon. I love you dear, ever since. You're my one and only, 4ever' naman ang bumubulaga sa Facebook nito. Naggawa pa siya ng Friendster account na hindi niya tunay na pangalan ang inilagay niya. Picture na nakuha niya lang din sa internet ang ginamit niya para masubaybayan niya ang aktibidades nito. Ginawa niya iyon dahil
hindi nito pinapansin ang messages niya rito. Pero kahit ibang account naman ang ginamit niya, ay hindi rin nito sinasagot ang mga iyon. Minsan kasi, gamit ang ibang account sa Friendster ay tinanong niya kung puwede ba sila nitong magkita. Ang sinabi niya lang na dahilan ay dahil naguwapuhan siya dito sa mga picture nito.
He has girlfriend, bitch. Iyon ang natanggapniyang mensaheng ipinagpalagay niyang mula sa girlfriend nito.
Aaminin niyang para siyang stalker nito. Wala siyang magagawa kung curious ang kaniyang utak sa mga nangyayari sa buhay nito.
"May boyfriend ka na ba?"
"Ako? Meron. Pero kabe-break lang namin." Nakakahiya namang sabihin ditong wala siyang boyfriend o hindi siya nagka-boyfriend. Ano na lang ang iisipin nito? Na pangit siya at hindi na siya napansin ng mga kalahi ni Adan?
"Haynaku Jhe... Huwag kang maniwala diyan. Hindi 'yan nagkaroon ng boyfriend, ni isa. Ay, meron pala. Si, Michael." Nanlaki ang mga mata niya sa nanay niya. Pumasok ito doon para kumuha ng basahan.
"Haynaku Nanay! Siyempre, magpapakita ba ang mga manliligaw ko kung nakakatakot ang hitsura n'yo? B-in-reak ko 'yung iba dahil hindi nila kayo kayang harapin," depensa niya. Base sa hitsura ng nanay niya ay hindi niya ito na-convince.
"Okay," sabi ng nanay niya. Ang okay pa nito ay tila ba insulto siya.Lumabas na ito.
"Si Nanay talaga... Walang magawa!"
Dead air. Dati, wala silang gan'ong moment. Madalas kasi noon ay kung anu-anong kabanuan ang naiisip nila. Minsan nga ay naisipan nilang awayin ang tandang na alaga ng kapitbahay nila. Natuwa lang sila sa tapang ng manok. Para isagad ang pang-aasar sa manok ay ninakaw nila ang itlog niyon.
"May gagawin ka ba bukas?"
"Pupunta akong publication. Magsa-submit ng gawa ko."
"Talaga? Puwedeng sumama?"
Kunwari ay tiningnan niya itong nangingiti. "Bakit?"
"Wala. Gusto ko lang makita ang building n'yo."
"Pag-aaralan mo ang architectural design?"
"Parang gan'on." umigil ito. "Ano'ng oras ka ba magsisimulang magsulat?"
"Kapag free na ako."
Natawa ito. "So, ako pala ang sagabal kaya hindi ka pa makapagsimula?"
Tinapik niya ito sa braso. Payat lang ang mesa kaya abot niya ito. "No. Mamayang hapon, free na ako."
"You mean puwede kang sumama?"
"Saan?"
"Date. Okay lang ba?"
"Sure."
"Walang magagalit?"
"Wala."
"Swear?"
"Swear." Ayon sa Friendster nito ay 'In a relationship' ito.Pro siguro nga. Break na ang mga ito.

BAKIT gan'on? Parang hindi siya satisfied sa nai-print niyang libro. Well, kailangan niyang magpasa dahil deadline na ng gawa niya bukas. Marami beses na akala niya ay napakaganda na ng gawa niya pero napabalik pa rin sa kaniya. Pero kung mapabalik man iyon sa kaniya, hindi naman malaking issue sa kaniya. Maiintindihan niya. Parang wala
rin kasi sa tamang sirkulasyon ang isip niya. O bunsod iyon ng kagustuhan niyang mag-asawa na.
Ayon kasi sa plano niya sa buhay niya,25 years old niya gustong mag-asawa. 25 years old na siya. Kaya nagigimbal na ang sistema niya at nangangambang baka mawala na siya sa kalendaryo ay single pa rin siya. Bagay na ayaw niyang mangyari.
Kung hindi man maganda ang kalabasan ng nobelang niyangiyon, ang mas mahalaga ay nasa tabi-tabi lang si Jeric. Sa totoo lang ay masaya siyang malaman na hindi pala ito galit. At least, naging gan'ong kadali ang sagot ng Nasa Itaas sa kahilingan niyang maging civil na sila ni Jeric.
Nang mai-print ang manuscript niya ay sakto namang dumating ang Nanay niya, kasama si Jeric.  Sakay ang mga ito ng magarang sasakyan ni Jeric. Binisita ng mga ito ang lote. Pinag-usapan ang tungkol sa apartment. Mag-a-alas singko na noon.
"Jhel, tapos ka na?" tanong sa kaniya ni Jeric makapasok ng bahay.
"Yup. Why?"
"Labas daw kayo. Isinasama ako, eh, sumakit ang ulo ko," anang nanay niya.
"We'll eat out? Aba Jhe, hindi ako aatras diyan!" Napag-usapan na nila ang tungkol doon kaninang umaga.
"Ano, tara na?" tanong nito.
Tiningnan niya ang Nanay niya. Ang tingin nito ay tila itinutulak na siyang sumama dito. Lumaki sila nitong sila lang palagi ang magkasama kaya kahit tingin lang ay nagkakaintindihan na sila. Minsan nga, iniisip niya kung special skill niya iyon o natural lang iyon sa bawat tao.
"Sige na nga. Jhe, ikaw ang taya ha! Wala akong pera ngayon." Meron siyang mga ipon pero ngayong sunud-sunod ang balik ng mga nobela niya, hindi niya alam kung kailan pa ulit niya madaragdagan iyon.
Malakas yata siya sa Nasa Itaas dahil halos lahat ng hiniling niya ay ipinagkaloob Nito. Kaya ngayong gan'ong kabilis ang pagdinig sa panalangin niyang maging civil ulit sila nito, hindi na siya gaanong nabigla. Dahil dati, araw-araw niyang pinapanalanging muli sila nitong magkita.
"Heka lang. I-puncher ko lang 'to." May computer at printer doon kaya hindi na niya dinala ang kaniya. I-s-in-end na lang niya sa internet ang hindi pa tapos na nobelang iyon. May internet naman kasi.
At magkausap.
Kinuha niya ang puncher sa drawer na nasa computer table.
"Ganiyan ba ang manuscript n'yo?"
Kumuha siya nang ilang piraso ng manuscript. Hindi kasi kasiya ang lahat ng mga papel sa puncher. Binutasan niya iyon. Nag-abot ito ng bubutasan pa niya. Hindi sinasadyang napahawak siya sa kamay nito. Nagulat siya sa sarili niyang reaksiyon dahil napapitlag siya.
Nagkunwari siyang wala lang iyon. Nagpatuloy siya.
Hindi din nagtagal ay natapos na siya sa pagpa-puncher ng manuscript. Inilagay niya sa drawer ng compuer table ang manuscript. Tiningnan niya si Jeric para ipaalam ditong na handa na siyang sumama dito. Anywhere.
"Shall we go?"
"Shall we go," pabirong sagot niya. Masaya siya nang mapatawa ito dahil sa sinabi niya.
Lumabas na ito. Sumunod siya rito. Pumasok ito sa kotse. Siya naman ay naupo sa tabi ng driver's seat.
Ini-start nito ang sasakyan.
"Iba na ang asensado. Dati eh,pa-bike-bike, pa-roller blade-roller blades lang tayo."
Pinaandar nito ang sasakyan. "Dati nga, ako lang ang kinukuwentuhan mo.Ngayon, buong bayan na," anito.
"Parang ikaw. Dati, bahay-bahayan lang natin ang ginagawa mo. Ngayon, kung kani-kaninong bahay na ang ginagawa mo."
"Nakakatawa'no?"
Na-miss niya ang ganitong buhay. Buhay na mayroong kakuwentuhan.Iyon siguro ang dahilan kaya siya naging writer. Na-miss niya ang buhay kasama ito. Para lang manatiling nasa tabi niya ito, dinaan niya sa pagkukuwento. Sa pamamagitan ng mga kuwento niya, parang nasa tabi pa rin niya ito.
"Puwede bang magtanong?" tanong nito kapagkuwan.
"Bakit naman hindi?"
"Na-miss mo ba ako?"
"Siyempre naman." Hindi na siya nag-isip. Ano naman ang dahilan para hindi niya ito ma-miss? "Eh, ako, na-miss mo?"
"Oo naman. Na-miss ko ang mga jokes mo."
"Jokes? Komedyante ba ako dati?"
"Hindi. Pero mas nakakatawa ka pa sa Bubble Gang sa mga padali mo. Ewan ko kung ano ang mayroon sa 'yo na nagpapasaya sa 'kin. Alam mo 'yon? 'Yung kahit na hindi ka magpatawa, parang masaya pa rin ako..."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "So, you mean, mukha akong payaso? Na ka-level ko sina Moymoy Palaboy? Na mag-upload lang ako ng video sa Youtube ay patok?"
Natawa ito. "No. You didn't get my point," anito.
"Sus... 'Yun na din 'yon. Na mukha akong katawa-tawa." Batid niyang dahil sa haba ng pagkakalayo nila kaya magkaiba na ang pinaghuhugutan nila ng emotion. Ang nakakatawa dito ay maaaring hindi na nakakatawa sa kaniya. Malaki na ang pinagbago ng mga personality nila. Hindi tulad dati na halos lahat ng mga naiisip nila ay may koneksiyon.
Magkaganoon man, pilit naman nilang iniintindi ang isa't isa. Sa palagay niya. Kaya corny mang lumabas ang joke o batuhan nila ng lines sa isa't isa, para sa kaniya ay may nararamdaman siyang malalim na kasiyahan.
Magkalapit lang ang mundo nila nito noon. Noon, gusto nitong maging bank manager, siya naman ang teller. Ginusto din nito minsang maging doktor, siya ang nurse. Ginusto din nitong maging businessman, siya ang secretary. Magkaagapay ang pangarap nila. Minsan nga ay nabanggit niya ditong gusto niyang maging teacher.
Ito daw ang magpapatayo ng school para sa kaniya. Ngayon, hindi na niya alam.
Nakangiti ito habang nagmamaneho.
"Parang nabalitaan ko noon na nag-aaral ka ng Education?"
"Oo. I took up Education. Nag-teacher ako sa high school. Hindi ko kinaya ang tigas ng ulo ng una kong pinagturuan. Na-trauma yata ako. So, I decided to quit. Pero alam mo naman ang tawag ng kapalaran..."
"What happened?"
"Nangailangan 'yung professor ko n'ung college ng assistant teacher sa school nila. SPED school. Nagkataong naaliw ako sa pagiging assistant teacher ng mga autistic. I love those kids. So, I decided to study again. I took up SPED. Maka-graduate, namatay 'yung isa sa mga estudyante kong napamahal sa 'kin..." Naramdaman
niyang bahagyang namasa ang kaniyang mga mata. "I felt so sad that time that I quit..."
"I admire you..."
"Why?"
"Na napagsabay mo ang pagsusulat at pagtuturo..."
"Writing became therapeutic to me. Nahihirapan akong matulog sa gabi So, I would always end up writing. Hindi kasi trabaho ang tingin ko sa pagsusulat. I love writing." Dahil sa pagsusulat ay nakasama niya pa rin ito noong mga panahong hindi niya alam kung saan ito mahahagilap.
"I think, it's amazing. You know what...? One time I tried writing a novel. Hindi ko kaya. I gave up. Laging nauubos ang idea ko kapag nasa kalagitnaan na ako ng book."
Parang gusto niyang mapatawa dito.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo?"
"Eh saan ka naman kasi nakakuha ng idea na mag-try magsulat ng nobela?"
"Sa mga gawa mo. Nakakainggit din kayang ang best friend mo ay sikat nang manunulat," anito.
Katahimikan. Gusto niya ritong sabihin ang matagal nang nasa puso niya. Hindi na siya nagdalawang-isip. "You know what...?"
"What?"
"Alam mo, huwag sanang lalaki ang ulo mo. Pero sa lahat ng mga naging kaibigan ko, ikaw lang ang maituturing kong best friend."
Sa sinabi niya, wala itong nasabi. Nanatili lang itong nagda-drive. Parang in-internalize ang sinabi niya.
Sa Lola Etang's Kubuhan siya nito dinala. Sikat iyong restaurant sa Silang.
First time niyang nakapasok sa naturang restaurant. Refreshing. Hindi iyon mukhang mamahaling restaurant--katunayan ay parang mga kubo lang ang mga kainan doon-- pero mukhang masasarap ang pagkain. Filipino cuisine ang mga nakita niyang nakahain sa mga nakain doon. Turu-turo style ang style ng pagse-serve ng pagkain.
Nang makaupo ay pareho silang hindi nagkibuan sa halip ay ang menu ang kanilang pinag-aralan.
Naalala niya noong unang tumuntong siya ng high school. Dahil na-focus siya sa pag-aaral ay nawalan siya ng panahon para rito. New Year na nang maalala niyang mayroon nga pala siyang best friend. Nakita kasi niya itong nagpapaputok noong New Year's eve. Noong araw na iyon ay bumuhos ang matinding pagka-miss niya rito.
Lalong tumindi ang pagseselos niya rito nang makita niya itong may ibang kaibigan na. Lalaki iyon na kalaro nito sa basketball. Naisip niyang siya lang dapat ang best friend nito. So, gumawa siya ng paraan para muling maibalik ang pagkakaibigan nila.
Naglalaro ang mga ito noon ng basketball. Nang una siyang lumapit sa mga ito ay hindi siya nito pinansin. May pagkasuplado din kasi ito. Nang pangalawang araw, tinamaan siya nito ng bola dahilan para mag-sorry ito. Pangatlo, nagkasakit ang kalaro nito kaya siya ang humamon ditong mag-basketball. Tutal, palagi naman sila nitong naglalaro niyon kaya naging madali para sa kaniyang makipaglaro ng basketball dito.
Pagkatapos nilang mag-basketball ay kumain sila sa isang turu-turo. Kung matatandaan niya ay saging con yelo pa nga ang in-order nito para sa kanilang dalawa. Kinabukasan ay binigyan niya ito ng sulat.

February 14, 1998

JERIC, natatandaan pa niyang mamahaling highlighter ang ipinangsulat niya doon. Ang ballpen namang ipinangkulong
niya sa bawat guhit ng mga letrang iyon ay mamahalin din. Pinag-ipunan niya iyon. Maging ang ipinambili niya
ng papel na sinulatan niyon.
Marami na tayong tayong pinagdaanan. Marami na tayong pinagsamahan. Marami na ring mga masasayang
alaala, malulungkot din. Pero sana, kahit na anong mangyari ay hindi masira ang pagkakaibigan natin. Ikaw lang
ang best friend ko.
"Jhel..." Tinapik-tapik pa ni Jeric ang kaniyang pisngi.
She shook her head. Namalayan na lang kasi niyang kanina pa pala nito tinatawag ang kaniyang atensiyon.
"Jhel..."
"What?" aniya.
"Sabi ko, ano ang order mo?"
"Ah, yes..." Sinabi niya ang order niya sa waiter na lumapit. Umalis na ang waiter. Ibig sabihin, naka-order na pala si Jeric na hindi niya namamalayan.
"Ano ba ang iniisip mo't parang anlalim yata?"
"Hindi. May naalala lang ako," aniya.
"Ano nga 'yon?"
"Naalala ko lang nu'ng February 13, 1998."
Nakunot ang noo nito.
"Bakit? Ano ang nangyari n'on? Sauladung-saulado mo pa ang date ah."
"Kapapasok ko pa n'on sa high school. Tapos, dahil na-focus ako sa pag-aaral, hindi tayo nagkita. So, from June nineteen ninty-seven up to January nineteen ninty-eight, hindi tayo nagkasama. Tapos, naging mag-kaibigan ulit tayo." Parang blangko ang mukha nito. Parang hindi nito mahagilap sa memorya nito ang sinasabi niya. "Remember the day I gave you letter?" Sa haba ng kanilang pagiging mag-best friend ay iyon ang una't huling
nagbigay siya dito ng sulat. Hindi naman kasi sila vocal sa nararamdaman nila para sa isa't isa. Basta palagi lang silang magkasama kaya best friend ang turing nila sa isa't isa. Napagtibay pa niya iyon nang makita niya sa 'autograph' na pinasagutan ng kapatid nitong si Chrinessa sa tanong na Who's your best friend? Natuwa siyang Angela Pasangaw ang nakasulat doon.
"Ah, I remember. N'ung kumain tayo ng saging con yelo sa kanto."
"Naaalala mo pa pala 'yon."
Buwan ng May naman nang taong ding iyon nang magsimula ang liga ng basketball. Buwan ng Abril nang makilala niya sina Michael.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang tumikhim ito.
"Jhel..."
"Uh...?"
"Puwede ba nating ibalik ulit ang pagkakaibigan natin? Tulad ng dati?"
Hindi ba puwedeng hindi best friend lang ang maging turing mo sa 'kin? Puwede rin namang maging girlfriend mo na ako. "Bakit? Pinutol mo na ba ang pagkakaibigan natin?"
"No. I mean, 'yung closeness natin. Gusto kong maging close pa sa 'yo kagaya ng closeness natn dati. Na hindi tayo nahihiya sa isa't isa."
Wala tayong sekreto.Na kahit na patis lang ang ulam natin, basta magkasalo lang tayo sa isang plato, masaya na tayo."
Ano bang closeness ang gusto nito? Hindi na sila mga bata para ibalik nila ang mga ginagawa nila dati. Parang naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin. Pero gusto niyang gamitin sana nito 'yung tamang term. May parang gusto itong tumbukin na hindi nito matumbok. Ano ba? Na gusto siya nitong maging
girlfriend...? Kung dadaretsuhin naman siya nito ng tanong na iyon ay dadaretsuhin din niya ito ng sagot na, "oo".
O talagang torpe ito? Kaya siguro dati ay gusto nitong magpatulong na manligaw kay Carla.
Well, sabi nga ni Jolina. "Kinikilig naman ako sa shy na lalake. Tipong ligaw-tingin, huwag mong kausapin, napipipi. Pero over ka hindi makuha sa lambing... Kahit pa-tweetums na tulad ko'y mababato rin..."
"Daddy!"
Iyon ang narinig niya. At ano naman ito't napangiti? Ito ba ang tinawag ng batang papasok sa resaurant. Mga six years old na ang bata. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang dito nga yumapos ang bata. Hinalikan pa nito ang pisngi ni Jeric.
"Daddy sino siya?" Tiningnan siya ng bata. Nginitian. Bumulong ito sa ama habang nakatingin sa kaniya. Nakangiti ang mga mata ng bata. Cute. Kamukha nito ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi.
Daddy? Anak nito ang bata? Kung may anak na ito, ibig sabihin, may asawa na ito.
Muntik na siyang mabulunan sa naisip ng kaniyang kukote.
"Jhel... This is Sam. Sam, my best friend Jhel."
"Ah... She's the one..."
Sa sinabi nito ay nagkaroon siya ng idea na siguro ay naikukuwento na siya nito sa bata.
Isang lalaki ang pumasok sa eksena. Pang-gym ang suot nito.Tumayo ito para makipagkamay sa lalaki.
"Pauwi na kami, nakita namin 'yung sasakyan mo. Sabi niya," turo nito sa bata. "Dumaan daw kami dahil siguradong naandito ka."
"Jhel, he is Marvin, Taek Won Do master ni Sam. Marvin, my best friend Angela."
"Ah... I see..." Ang naging ngiti nito sa kaniya ay tipong marami na itong alam tungkol sa kaniya. Marahil ay naikukuwento din siya ni Jeric dito. Hindi niya alam.
"Daddy, I went here to give you this." Isinuksok ng bata ang kamay sa bulsa. Medyo natagalan dahil hindi alam ng bata kung saan nito naisuksok ang kukunin. Mayamaya ay isang Grade 1 pad ang ibinigay ng bata kay Jeric. "Happy Father's Day!"
"Oh... Ang sweet ng anak ko," anito, hinalikan ang bata sa noo.
Parang punyal na itinarak sa puso na marinig na may anak na ito.
"Where's Mommy?" tanong nito sa bata.
"Sa bahay. She's angry at me. I don't know why."
"Baka nagseselos lang dahil hindi mo nilalambing."
"I made lambing to her but she keeps on ignoring me."
"Bigyan mo mamaya ng flowers at cake."
Parang gusto na niyang malusaw sa naririnig niya. Akala pa man din niya ay magkakaroon na ng magandang resulta ang kaniyang paglalaan ng oras dito. Pero tulad pa rin pala ng dati. Na nasasaktan lang siya.
Oo. Nasasaktan siya kapag kasama niya ito. Deep inside her, mahal niya ito pero best friend lang ang pala talaga ang tingin nito sa kaniya. Ngayon naman, umaasa siyang mapapangasawa niya ito 'yun pala ay may pamilya na ito.
Napakasakit... Kuya Eddie...

No comments:

Post a Comment