Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 7)

Chapter Seven

LAGO De Oro. Iyon ang pangalan ng lugar.
Iyon ang napiling lugar ng mag-ama dahil minsang nanonood ng TV ay nai-feature anglugar sa Travel TV Program.
"Mukhang malalim ang iniisip mo," ani Jeric sa kaniya nang lapitan siya nito. Yapus-yapos ang kaniyang mga binti habang nakaupo sa buhanginan, pinapanood sina 'Mommy' at si Sam. Malapit sa personality ni Patani ang personality ni 'Mommy'. Hindi siya masyadong komportableng naka-two piece lang. Pero gusto niyang makita nito ang itinatago niya.
Gan'on ang posisyon niya dahil hindi pa siya nakakabuwelo para maipakita dito ang kaniyang alindog.
"Natutuwa lang akong panoorin sila. Para lang silang mag-ate," aniya.
Actually, pinipilit niyang huwag tingnan ang katawan nito. Wala kasi itong t-shirt o sando man lang. At nakita niya, mula sa gilid ng kaniyang mga mata na sexy ito. Hindi mukhang inukit sa gym ang katawan nito. Ayaw din naman niya ng gan'ong katawan. Parang natural lang ang ka-sexy-han ng katawan nito. Wala itong tiyan pero hindi wala ito ng six-pack abs. Hindi niya alam
kung ano ang ginawa nito. Kahit na walang nag-uumbukang muscles sa katawan nito, fit at sexy pa rin ito sa paningin niya.
Naupo ito sa tabi niya. After a minute or two, tumikhim ito. "Naaalala mo pa ba n'ung maligo tayo sa ilog?"
"Alin d'on?"
"N'ng naglalakad tayo sa ilog, gatuhod lang naman natin 'yung tubig. Nadulas ka tapos, nagsisigaw ka nang 'nalulunod ako! Nalulunod ako!'"
"Eight or nine years old pa lang naman ako n'on," aniya.
"Pero nakakatawa talaga. Nalulunod ako!" Umarte itong nalulunod.  Napatawa na rin siya. Naisip niyang napaka-engot pala niya dati. Dahil paano siya maulunod sa ganoong kababaw na tubig? Kasi, nang madulas siya ay akala niya ay dumulas ang paa niya. Akala niya ay malalim na ang napuntahan niya.
'Yun pala ay gabaywang lang niya ang tubig nang tayuin niya.
"He he. Nakakatawa. Pagtawanan mo pa ako. Kala mong hindi nakakatawa n'ung hinabol ka ni Tandang Milensyo."
Nahuli kasi ng matandang inaasar nito ang tandang nito.
"Linek na manang 'no! Ingaw bala ag dagdadagaw dag baga idlog go!" paggaya niya sa matanda. Ngongo kasi iyon. 'Lintek na batang 'to! Ikaw pala ang nagnanakaw ng mga itlog ko!' ang ibig sabihin niyon.
"Gayang-gaya mo pa rin ha! Isa pa nga, ang cute mo eh..."
Nanlaki ang mga mata niya rito nang pisain nito ang pisngi niya. Naupo pa ito na halos isang libro na lang ang pagitan nila. Sa bawat paglapit nito, unti-unting sumisikip ang dibdib niya.
"Isa ka pa diyan!" Itinulak niya ito para lumayo ito sa kaniya. Hindi siya komportableng malapit ito sa kaniya. Feeling niya ay katumbas na iyon na yapus-yapos siya nito.
Mabilis naman itong nabawi, nakaupo agad ulit ito. This time, inakbayan siya nito.
Dumagundong ang puso niya. Pero hindi niya dapat iparamdam ditong naasiwa siya. Para na rin maramdaman nitong komportable siya rito bilang isang kaibigan ay isinandal pa niya ang katawan dito dahilan para mas lumalim ang-- yapos nito.
"Kailan ba huling naging ganito tayong kalapit?"
"Eleven, twelve years ago?"
"Bilang na bilang eh. Siguro, hindi ako nawala sa isip mo!"
"Ang yabang mo!"
Naalala niya ang problema sa kaniyang mga nobela. Kulang sa romance. So, sasamantalahin niya ang friendship nila para na rin makaramdam ng kilig. Kung aakitin niya ito nang husto ay malalaman din niya kung ito ba ay na-appreciate ang kaniyang presensiya sa buhay nito.
Nahiga siya. Ipinatong niya ang ulo sa lap nito. Siguro naman ay maa-appreciate din nito ang kaniyang katawan. Ang kaniyang katawan ang isang bagay na ipinagmamalaki niya. May natatago siyang kaseksihan. Para namang balewala lang ditong makita ang katawan niya. O hindi lang ito nagpapahalata? Naramdaman lang niya sinusuklay nito ang mahaba niyang buhok gamit ang mga daliri nito.
"Sa totoo lang, ilan na ang naging girlfriends mo?" She emphasized the sss.
"Ahm..." Nag-isip ito. "Flirt, marami. Girlfriend, tatlo. Serious, isa."
"Sino naman 'yung serious na 'yon?"
"Best, past is past. Hindi na binabalikan ang nakalipas. We liked each other but it ended up. Meaning, tapos na."
"O sige, ano na lang ang pinagtapusan n'yo? Why did you break up?"
"Siya'ng nakipag-break. But anyway, I loved her."
"Bakit nga? Siya ba 'yung nasa..." Hindi niya naituloy dahil parang ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.
"Nasa...?"
"Siya ba 'yung nasa Friendster mo?"
Tumango ito.
"Break na kayo?"
Tumango ito.
"You know what,she's very beautiful."
"She's a model in ELLE."
"Really? Sikat siya sa Italy."
"Really!" Kaya pala pang-modelo ang katawan.Kaya nga nang makita niyang nakayapos ito, or nagyayapusan ang mga ito sa mga pictures sa Friendster ay hindi niya naiwasang magselos. Parang napakapangit niya nang makita niya ang mga litrato ng mga ito.
Kumpara sa babaeng iyon ay wala siyang panama. May mga baby fats pa siya. Ngayon nga lang siya gumaganda-ganda dahil ang ganda niya dati ay isang mapanuring tao lang ang makakapansin.
"She wanted to have me back. But I said, we're over."
"Tita!" pagtawag sa kaniya ni Sam. "Let's swim!"
Umupo siya.
"Tinatawag ka ng bata."
"You know hindi ako marunong maglangoy."
"Mababaw lang naman ang tubig. Wala tayo sa pool."
Nagmartsa si Sam papunta sa kanila. Hinila siya nito matapos ng ilang pangungumbinsi.
"I don't swim," aniya sa bata.
"No, Tita. It's my birthday today," anito. Hinila siya. Dahil doon ay hindi na siya nakatanggi. Actually, balak niya sanang gumamit ng timba. At tabo. Magbubuhos lang siya sa pampang.
"Pagbigyan mo na." Tinulungan ni Jeric ang  bata na itulak siya sa katubigan.
"Okay, okay, okay. I will sim. Huwag mo na akong hilahin," wia niya kay Sam. Binitawan naman siya nito.
  Siguro naman kahit na palubug-lubog lang ang ulo ay puwede doon. Sila lang naman ang nasa naandoon. Ang iba ay nasa swimming pool sa itaas.
Nagtungo siya sa tubig. Maginaw ang tubig kaya kinailangan pa ulit siyang hilahin mabasa lang ang kalahati ng katawan niya.
"Tita, let's swim. Ganito." Lumubog si Sam sa tubig. Matapos ang ilang saglit ay nakalayo na ito. Kumakaway-kaway ito sa kaniya makatayo. "Mababaw lang dito Tita!" Maryosep! may twang ang Tagalog ng bata.
Tiningnan niya si Jeric na nasa may tabi lang niya. Nginitian siya nito na tila sinasabi nitong kaya niya rin ang ginawa ni Sam. Pero sarkastiko ang dating sa kaniya ng sinabi nito.
So, kunwa'y nag-dive siya. Ewan niya kung masasabi niyang dive iyon dahil simpleng pagsalubong lang naman sa tubig ang ginawa niya. Nagkakampay siya. Nang mapagod sa pagkampay ay tumayo siya. Napahiya siya sa sarili dahi pagtayo ay naandoon pa rin siya sa kung saan naroroon siya kanina.

"ANO'NG tinatawa-tawa mo?" maarteng tanong niya kay Jeric. Nasa tapat silang dalawa ng bonfire. Sina Sam at 'Mommy' ay nasa kuwartong nirentahan nila sa resort na iyon.
"Wala. Natawa lang ako dahil kanina, kumampay ka nang kumampay. Pag-ahon mo, naandoon ka pa rin."
"Ano'ng nakakatawa d'on?" Pinamaywangan niya ito.
"Wala naman." Pinilit nitong pahupain ang pagtawa.
Katahimikan.
Siya, buo na ang pasya niya. Itotodo na niya ang pang-aakit dito. Doon naabala ang isip niya.
"Kumusta na nga pala si Michael? May komunikasyon pa ba kayo?"
Kanina, nakaupo siya malayo dito. Kunwari ay ginamit niyang dahilan ang pag-aayos ng apoy. Pero para lang iyon makaupo siya sa tabi nito matapos niyang kalikutin ang apoy.
"Si Michael? Matagal na kaming walang communication."
"Sino ngayon nagpapatibok sa puso mo?"
"Ano ka ba! Wala nga!"
"Naalala ko pala n'ung nagpunta tayo sa Looban dati dahil may kukunin ka sa bahay ng pinsan mo."
"Ano'yon?"
"N'ung hinabol tayo ng aso. Nakakatawa dahil nakataas ka sa kalagitnaan ng punong-niyog." Tumawa itong animo nang-aasar. Ang tawa nito ay parang tawa ng miyembro ng Boys Over Flower. Bagaman nang-iinis ang tawa,
nakakailig pa rin. Parang naiba agad ang usapan nila dahil siguro sa ginawa niyang pagtabi dito. Nailang ba ito sa ginawa niya?
"OA ka naman! One-fourth lang ng puno! Kalahati? Napakataas n'on!" aniya. Natatandaan niya iyon. Dahil siguro sa takot na makagat ang aso ay nataas niya ang punong iyon. Hindi rin gaanong nakakapagtaka dahil medyo
slanted ang naturang puno.
"Bakit? 'Yun ngang tito mo, sabi mo, nabuhat 'yung kalahating drum na tubig nung masunog 'yung bahay nila." Sigurado siyang alam nito ang tungkol sa emergency gland.
Nahiga ito. Inunan nito ang mga palad nito. Kahit hindi niya ito tingnan ay alam niyang nakatingin ito sa kalangitan.
"Ang sarap balikan ng nakaraan. Parang mga bituin. Kahit ilang taon na eh, makinang pa rin."
Dahil na rin sa plano niyang akitin ito ay nahiga siya sa braso nito. Idiniit pa niya ang katawan niya sa katawan nito. Parang napapaso siya sa pagdidiit ng katawan nila pero kailangan niya iyong
gawain dahil sa kagustuhan niyang humigit pa sa pagkakaibigan lang ang kanilang relasyon. Dahil dati pa naman ay higit pa sa kaibigan ang tingin niya rito.
"Jhel..."
"B-Bakit?" Nagaralgal ang boses niya dahil marahil sa malamig na simoy ng hangin. O dahil sa kakaibang naramdaman niya nang tawagin nito ang pangalan niya. Parang may isang bagay itong gustong sabihin sa kaniya.
Isang bagay na parang mahirap sabihin.
"Puwede bang humingi ng favor?"
"What?"
"Puwede ba kitang..."
"What?" Parang gusto niyang kiligin. Gusto niya ang mga gan'ong sandali na parang may gusto itong sabihin sa kaniya. Na parang hindi nito masabi. Nagkakaroon tuloy ng ideya ang isip niya na tulad niya ay
may espesyal din itong nararamdaman para sa kaniya.
"Puwede bang payapos?"
"Huh?"
"Why? Hindi puwede?"
"No. I mean, bakit?"
"Nothing. I must let you know I missed you those years we're not together. So, puwede ba?"
Hindi siya nakasagot. She hoped he understood her silence meant yes.
Niyapos siya nito. Naramdaman niya ang mainit na labi nito sa kaniyang noo.
She closed her eyes. Parang gusto niyang maiyak. Kahit pa nga sabihing romance writer siya pero hindi niya alam na gan'on palang kasarap mayapos ng lalaking mahal ng isang tao.
She felt so secured. His embrace was tight and yet, it was so cool to feel, deep inside her heart. Kung maaari lang na tumagal pa ang yapos nito.
Pero binitawan din siya nito.
Puwede bang yapusin mo ulit ako?
Kailangan niyang akitin ulit ito. At iyon ang lagi niyang dapat iukilkil sa isip niya. Seducing him meant hitting two birds with one stone. Mabubuhay ang romantic side siya, isa pa, magkakaroon ng posibilidad na tuluyan na siya
nitong mapansin.
"Tinatanong ako ng editor ko. Bakit daw nagkakagan'on ang mga nobela ko. Masyado daw nagiging bland ang descriptions ko sa mga romantic scenes. Kissing scene, love scene. 'Yun nga, kulang daw sa buhay."
"Wala ka pa bang experience?"
Tinampal niya ito. "Oo naman!" Virgin pa siya!
"N'ung nabasa ko kasi 'yung isa mong book, parang na-experience mo nang makipag-kiss dahil buhay na buhay ang description mo d'on."
"He! Imagination ko lang 'yon 'no!"
"I believe. Writers have great imaginative powers and enduring patience. Nakaka-bored din kayang maupo at magsulat lang nang magsulat."
"Jhe..."
"Ano?"
"Puwede bang humingi ng favor?"
"What favor?"
"K-Kasi nga, sabi ng editor ko, hindi ko raw mai-describe nang mas malalim ang mga kissing scenes ko..."
"And..."
Actually, kung magpo-focus naman siya ay makakaya niyang i-describe nang mas maayos ang kaniyang kissing scenes. Hindi lang siya makapag-focus. Pero kaya iyon ng imagination niya. But as a writer, it would be a breakthrough having
experienced it in the most pleasing and in a wholesome way. In real life.
"P-Puwede bang m-magpaturong humalik?"
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
"K-Kung ayaw mo, okay lang."
"No, come." Iniayos nito ang posisyon ng ulo niya habang unan-unan ang braso niya.
Matindig kabog sa dibdib ang naramdaman niya habang nakatingin sa mukha nito. His face was the most handsome face she'd ever seen in her entire life. No wonder he's the only one who were able to capture her heart.
"How do you want to start?"
"Kahit papa'no. Bahala ka."
Napatawa ito.
"I really can't believe you haven't experienced kissing and being kissed. How old are you?"
"Andami mo namang sinasabi eh. Kaya nga nagpapaturo sa 'yo--"
Napapitlag siya nang tuklawin nito ang mga labi niya.Saglit lang siyang napapikit dahil doon. Halik iyon na tipong ipinatong lang nito sa labi niya ang labi nito.
"Did you like it?"
"Ano ba? Ganito ba kayong mga lalaki? Nambibitin or nang-e-excite ka lang?"
"Come..."
Hindi niya magawang gawain ang iniutos nito. Nagpaikut-ikot ang mata niya sa napakaguwapong mukha nito.
Dahan-dahan nitong hinila ang baba niya. Napapikit siya nang dahan-dahan nitong ilapit ang labi sa labi niya. He sucked her lower lips. His lips were too soft. Dahil 'malaman' ang mga labi nito, it made his lips great kisser. Napakapit pa siya sa batok nito nang laliman pa nito ang halik nito. Her upper lip, lower lip, pinagpalitan nito ang paghalik. It was deep a kiss, indeed. And yet it became even deeper.
"Okay, okay, okay," aniya. "May maisusulat na ako," aniya.
"Are you sure?"
"Yes."

KINAILANGAN nilang umuwi kinabukasan dahil inapoy ng lagnat si Sam. Siya naman ay for revision na naman ang huling ipinasa niya. May mahalagang bagay naman daw na sasabihin ang Daddy ni Jeric dito. Inusisa niya kung ano ang tungkol doon pero wala
pa naman daw malinaw na sinabi dito ang daddy nito.
There were so many priceless and romantic lessons she learned from Sam's birthday celebration. Parang in love na ulit siya. Lalo na tuwing babalikan niya ang mga halik ni Jeric.
Makatapos ng dalawang araw ay na-revise na niya ang kaniyang gawa. Natulog siya dahil pinagpuyatan niya iyon huwag lang mawala ang kilig na namamahay pa sa kaniyang mga ugat. Sa tatlong araw na hindi niya nakita si Jeric ay na-miss niya
talaga ito. Kaya dumaretso na siya sa bahay ng mga ito. Naiwang bukas ang gate kaya nagdiretso na siya. Makarating sa may pintuan ay nag-doorbell siya.
Si 'Mommy' ang nagbukas ng pinto. Buti at hindi ito naka-shorts at tube tulad ng mga isinuot nito sa Batangas. Nakauniporme itong tulad ng kay Yaya ni Angelina. Ang make up naman nito sa mukha ay daig pa ang donya.
"Sino 'yung umiiyak?" tanong niya rito.
"Si Sam po."
"Bakit?" Pumasok na siya dahil sa bagal nitong magpaliwanag, buo na ang kuwento sa isip niya ay hindi pa ito nakakapagsimula. Palagay niya, umalis si Jeric dahil maka-control sa pag-iyak ng bata.
"I hate you! You go home!"
Nang makita siya ni Sam ay itinigil nito ang paghampas ng throw pillow sa isang babae. Sa get up ng babae, masasabi niyang teacher ito. Alam niyang bata pa ito. Pero base sa get-up nito, masasabi niyang obsolete na
ang fashion-sense nito. Nagpaalala ito sa kaniya kay Betty La Fea. Ang mga makabagong teacher ngayon ay nag-i-invest din sa kagandahan--or kaguwapuhan. Dahil ang mga estudyanteng nagagandahan or naguguwapuhan sa kani-kanilang mga guro ay mas ganadong mag-aral, ayon sa isang pag-aaral.
"Ma'm,ayaw po kasing mag-aral eh," paliwanag ng babae.
"But why did you hit me with broom? You go out! I don't need you! I will tell my Dad to fire you!"
Tinanguan niya ang teacher na lumapit sa kaniya para makausap niya.
Ngitian niya ito.
"Ate... antigas po kasi ng ulo niya."
"Ma'm... Puwede po bang doon muna kayo sa kitchen?" Tiningnan niya si 'Mommy'. "Mommy, pakisamahan naman siya. Kakausapin ko lang 'tong si Sam."
Tumalima naman ang mga ito.
"what did you do?" Yumapos ang bata sa legs niya. Lumuhod siya para maka-level ang mukha nito.
"Tita, I don't like her. Tell my Dad I don't like. She pinched me here, look." Itinaas nito ang kaliwang manggas ng damit. At oo nga. May kurot nga doon. Sinubukan pa niya iyong burahin dahil baka ballpen o kung anuman pangpapula lang iyon
pero hindi.Totoong kurot nga iyon.
"Wait. I will talk to her."
Kinausap niya ang tutor ng bata na ite-text na lang nila ito kinabukasan. Isa din siyang guro at ang guro ngayon ay dapat maraming alam sa kung paano kukunin ang atensiyon ng isang bata. Hindi masamang magalit sa isang batang ayaw mag-aral
pero ang manakit ng bata ay hindi pinapayagan ng batas. Mabait pa nga siya dahil pinauwi lang niya ang gurong ito. Hindi niya alam ang gagawain ni Jeric kapag nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Pero ang sigurado, ayaw na rin niyang maging tutor ni Sam ang naturang babae.
Hindi nga nagtagal ay umalis na ang guro.
Ang sumunod naman na nagpaalam ay si 'Mommy'. Kailangan daw nitong makauwi dahil may emergency daw sa bahay ng mga ito. Sinubukan niyang tawagan si Jeric pero naka-off ang cellphone nito. Kaya siya na ang nagpasya. Pinayagan niya si 'Mommy'.
"Where's your Dad?" tanong niya rito habang nagmemerienda sila ni Sam sa kusina.
"He said, he'll just go out to have the car aircon fixed. But he's not coming back yet." Nakakatuwa naman ito. Bata pa lang pero fluent na sa English.
"Baka may pinuntahan lang. Baka may surprise siya mamaya sa 'yo."
"Tita, puwede bang ikaw na lang ang teacher ko, ang tutor ko?"
Nginitian niya ito. "Yes, tita is a teacher. But I'm writing novels. I don't have time to teach you. Hindi ako makakapag-prepare dahil marami din inaayos si Tita."
"You're writing books? What kind of books?"
"Love story."
"Love story? Hindi ka nagsusulat ng mga Hucklebery Finn? Tom Sawyer? About adventures! I like them! Then, I would tell my classmates, oh, look! My... wrote this!" Tininingnan siya nito nang mabitin itong magsalita. Alam niya ang ibig nitong sabihin.
Na tulad niya, hindi pa din malinaw sa kaniya kung ano ba ang papel niya sa buhay ni Jeric. At dito. Sa pakiramdam niya, parang gusto ng batang magkaroon sila ng relasyon. Parang relasyong mag-ina. Pero pakiramdam niya lang iyon. Posibleng iba ang talagang
tumatakbo sa isip nito.
"Do you want me to tell you a story?"
"Okay." Sige. Habang naghihintay kay Jeric ay mas mainam nang kuwentuhan niya ito.
"Ikukuwento ko sa 'yo ang tungkol kay Pinay!"
"Pinay?" Tama ang hinala niya. Wala itong idea sa mga alamat sa Pilipinas.
"Are you ready?"
"Yes," he excitedly said.
"Okay. The story goes like this. Our main character is Pinay. Si Pinay, kapag may pinapahanap sa kaniya ang nanay niya, lagi na lang niyang sinasabing, hindi niya daw makita 'yung pinapahanap sa kaniya. So, sabi ng nanay niya. Ay, naku Pinay. I wish you'd be a pineapple!"

"NAG-AWAy ang dalawang higante. So, nagbatuhan sila ng mga bundok. Ang isa, naging Luzon. The other one, naging Visayas..." Nakita niyang namumungay na ang mga mata ni Sam. Kahihintay kay Jeric ay nakatulog na ang bata. Nakapunta na sila sa kanila para kumuha ng damit niya, dahil naisip niyang kung
sakaling hindi dumating si Jeric ay sa bahay na iyon na siya tutulog. Nakailang kuwento na nga siya
dito ng tungkol sa mga kuwentong bayan. Tungkol sa mga alamat. Pero hindi pa rin ito dumating."'Yung isa naman... Minda--" Narinig niya ang mahihinang hilik ni Sam, tanda na nakatulog na ito. Siguro ay pagud na pagod ito sa paglalaro, sa mga ginawa nila.
Ayon sa bata ay hindi naman daw gan'on ang Daddy nito. Hindi daw nagpapagabi ang lalake.
Mag-aalas-onse na nang may marinig siyang kotseng tumigil sa tapat ng bahay. Agad siyang nagtatakbo sa may bintana para alamin kung sino iyon.
Nakita niyang bumaba sa kotse si Jeric. Base sa galaw nito, lasing ito. Medyo may katagalan din ang pag-uusap nito at ng driver. Nanlaki ang mga mata niya nang makipaghalikan ito sa babaeng driver ng kotse. Matagal niyang kinilala ang babae.
Hanggang sa makilala ng isip niyang si Carla ang babaeng kahalikan nito.
Nang maghiwalay ang labi ng mga ito ay parang tinarakan ng punyal ang kaniyang puso. Akala niya, bilang writer ay kapag naisulat na niyang masakit makita ang minamahal na may mahal itong iba ay sapat na para maramdaman ng reader iyon. Hindi pala makatotohanan.
Dahil parang biglang parang gusto niyang itakwil si Jeric. Parang bukas na bukas dinay gusto na niya itong kalimutan. Pero naisip niyang wala pa naman silang relasyon ni Jeric, bukod sa pagiging mag-best friend lang.
Parang gusto niyang mag-iiyak. Bakit gan'on? Wala ba talaga itong nararamdaman kahit katiting sa kaniya? Best friend lang ba talaga ang tingin nito sa kaniya?
Hindi siya nagtaka kung bakit hindi siya nakarinig ng doorbell. May susi ito ng pinto ng bahay.
Bumaba siya para harapin ito.
"Ano'ng ginagawa mo dito--I mean, nandito ka pala? Shi-shiguro, ikaw nagbantay kay Sam. Nag-tegsh si Mommy na pupunta muna sha sa kanila. Chank you. You're really my very best friend."
Nagdiretso ito sa sofa. Ibinagsak nito ang katawan sa sofa.
"Ano'ng problema mo? Ano't bigla-bigla na lang na uuwi ka'ng nakainom?"
Tumawa ito. "Don't sound like your my wife. Liligawan muna kita. Then give you engagement ring." Kung hindi ito lasing ay nakakakilig ang mga sinabi nito. Pero lasing na lasing ito.
"Huwag mong ibahin ang usapan. Alam mong may anak kang naghihintay dito. Tapos, uuwi kang lasing?"
"No. I'm not drunk. Come here," anito. Sinenyasan siya nitong lumapit siya dito. "You sit here. Mag-ushap tayo nang massinshinan."
"No. Sleep now. Lasing ka. Bukas na lang tayo mag-usap."
"I can't sleep yet. Pagod pa me. Best friend, can you make coffee for me? Na-miss ko rin ang kape mo eh."
Lasing ito. At baka kung ano pa ang masabi nito kaya mabuti pa ay ipaggawa na nga niya ito ng kape. Para naman mahimasmasan ito. Minutes passed and her coffee for him was done.
Ipinatong niya ang kape sa coffee table.
"Jhel..." anito. Dahil lumagok muna ito ng kape ay naputol iyon.
"What?"
"Can you be honest in answering this question?"
HIndi niya alam ang itatanong nito. Parang napakapersonal naman niyon. Lasing ito pero hindi naman nangangahulugang hindi na nito alam ang sinasabi. Minsan pa nga, kapag lasing ay
doon lumalabas ang mga naitatagong mga bagay.
"What?"
"Jhel... Wala ka bang nararamdaman para sa 'kin?"
Parang gusto niyang mapaiyak sa tanong nito. Kung itinanong nito iyon n'ong halikan siya nito ay sasagutin niya ito ng, "oo". Pero kakikita niya lang ditong kahalikan si Carla. Ayaw niyang masaktan.
Kapag sinabi niyang oo, at kinabukasan pala ay hindi naman pala nito alam ang pinagsasasabi nito noong mga sandaling iyon, tiyak na masasaktan din siya sa bandang huli.
Sa tipo nang halikan ng mga ito kanina ay masasabi niyang maganda ang nangyari sa dalawa sa maghapong wala ito sa bahay.
Siya lang ang talunan kapag nasabi niyang meron. Kapag sinabi niyang meron, paano kung gusto lang pala siya nitong gantihan? Kapag alam nitong may nararamdaman ito sa kaniya, ay
papagselosin lang siya nito. And worst, baka pakasalan pa nito si Carla para lang saktan siya. Tulad ng ginawa niya dito dati noong pinagselos niya ito gamit si Michael.
Ano ba ang panama niya sa isang socialite, social worker, model, sexy, makinis at maganda?
"Ano ka ba? Lasing ka lang. Kung malinaw 'yang isip mo ngayon, hindi mo 'yan itatanong sa 'kin dahil alam mong mag-best friend lang tayo."
Isinandal nito ang ulo sa headrest ng sofa.
"You know what? Kinukumusta ka ni Carla. Remember her?"
"Siya ba ang kasama mo maghapon?"
"Yes. Do you remember her?"
Interesado siya sa plano nito kay Carla. Pero walang saysay para bulatlatin pa niya ang balak nito sa babae gayong lasing ito.
"Jhel... Sorry dahil pinuyat kita. Sige, matulog ka na." Nahimasmasan na siguro ito dahil sa kapeng nilagok nito dahil tila ba nawala na ang masyado nitong pagkalasing. Gan'on bang kagaling ang kaniyang timpla ng kape?
"Ikaw din, tumaas na. Matulog ka na."
"No. It's much comfortable to sleep here."
"Huh?"
"Don't worry. I'm alone in my room. At least, paggising ko, may nakikita akong tao. Naandito na si Mommy tomorrow. At least hindi ako magigising nang mag-isa."
Ipinikit nito ang mga mata. Siguro, para ma-relax ang katawan. Kahit pa sabihing parang naandito na ang lahat, parang hindi pa rin ito buo. May kahinaan din pala ang mga tulad nitong parang wala nang mahihiling pa sa buhay.
Siguro, nalulungkot na ito sa buhay-single nito. Parang ibig nitong sabihin sa huling sinabi na gusto na nitong paggising ay makakita na sana ito ng makakasama. Wife.

MAAGANG nagising si Jeric kinabukasan. Matapos magdasal, ang kuwarto ni Sam ang una niyang tinungo.
Hindi na niya kailangang buksan ang pinto dahil bahagya na iyong nakabukas. Itinulak na lang niya ang iyon. He entered.
Kahit alam niyang doon natulog ang kaibigan niya ay bahagya pa rin siyang nagulat. O na-touched?
Nakayapos si Sam dito.
Biglang pumasok sa isip niya ang nanay niya. Tulad nito ang nanay niya. Mapagmahal. Iyon ang nararamdaman niya sa kung paano nito yapusin ng bata. At kung paano ito yapusin ng bata.
Kung hindi ba ito mapagmahal ay magiging romance writer ito?
Napangiti siya sa isip na ang dugong nananalaytay dito ay puspos ng pagmamahal.
Alam niyang may namamagitan sa anak niya at kay Angela na nararamdaman niyang kakaiba. Gusto ng mga ito ang isa't isa.
He must admit. Ganoon ang katangian ng babaeng gusto niya. Na mamahalin ang magiging anak niya. At si Sam.
"Good morning," bati niya kay Angela nang makitang kukurap-kurap ito. Tanda na gising na ito.
"Good morning din."
"Mukhang napasarap ang tulog  mo. Sige, tulog ka lang. Ipaghahanada ko kayo ng agahan."
"No. HIndi rin ako sanay na nagising na tapos tutulog ulit," anito. Pero sa pagkakaalam niya dito, sabi ng nanay nito dati ay makunat daw itong gisingin. Hindi niya alam kung nagbago na ito.
Nang tumayo si Angela ay nagising na din si Sam.
"Good morning..." nakangiting bati sa kanila ni Sam. "I saw you in my dream," wika ng bata kay Angela.
"What?" ani Jhel.
"In my dream, you're my Dad's wife."
"It's just a dream. Have a shower. Go!" Ginulo ni Angela ang buhok ng bata. Hinilamusan pa nito ang mukha ng bata dahil pangiti-ngiti ang bata na animo tinutudyo silang dalawa.
"Really," dagdag pa ni Sam.
"Okay. Basta maligo ka na. Or just wash your face."
"Yuhuyy... Bagay silang dalawa..." dagdag pang tudyo ng bata.
"Sam, go! Maligo ka muna!" pagsingit niya. Aaminin niya. Masarap sa pakiramdam ang tudyong iyon ni Sam.
Nagkangitian sila ni Angela.

SI ANGELA ang nagprisintang magluto ng agahan. Dahil alas-otso na ay easy to cook foods lang ang niluto niya. Noodles, hotdog at pancake.
"Sarap nito 'Ta,"Sam complemented. Salu-salo silang tatlong nag-agahan.
Tahimik si Jeric. Nang mahuli nitong tinitingnan niya ito ay agad siyang nagbuka ng bibig para makita nitong may sasabihin siya dito.
"I think Jhe, you don't have to ask your tutor to come back today. Saan mo ba 'yon nakuha?"
"My friend referred her to me. Actually, nagulat din ako sa kaniyang hitsura. But to try her, I let her teach Sam...How was she?"
"I don't like her Dad! He sucks!" Ang hitsura ni Sam ay animo never na itong magpapaturo sa naturang tutor.
"Nakita kong may hawak-hawak siyang tambo. Tapos, kinurot pa niya 'tong si Sam."
"Really?"
"Here Dad." Lumapit ang bata. Ipinakita ang kurot sa 'ama'.
Katahimikan. Nag-isip ito. Siya naman ay naghintay lang sa desisyon nito.
"Jhel... May kakilala ka bang teacher na puwedeng magtutor?"
"Ako," prisinta niya.
"Huh?" Mukhang maganda ang pumasok na mga idea sa isip nito kaya ang tono nito ay tono ng na-excite. "But you've got your books to finish."
"Why? Ilang oras lang bang nagpapa-tutor si Sam?"
"Two hours."
"'Yun naman pala eh. Hindi naman istorbo 'yung two hours. Gan'on din naman kahabaang break ko kapag nagpapahinga ako."
"You mean, ang pahinga mo, trabaho pa rin?"
Naisip niya kagabi na gusto niyang tumira kasama ng mga ito. Inalok na siya ni Sam na mag-tutor pero hindi siya pumayag. Naisip lang niyang
oportunidad na niya iyon para magkaroon pa ng mas malalim na relasyon sa bata. Maging kay Jeric na din.
Bakit kasi gan'on? Kahit nakita niyang malalim ang halikan nito at Carla ay parang gusto pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito.
Dahil ba alam niyang hindi pa naman settled ito kay Carla? O dahil gusto niya lang na bumalik ang relasyon nila ni Jeric tulad n'ong mga bata pa sila?
"Minsan, may pahingang hindi pa rin ako nakakapag-relax. Sam is cute and I think, I will have good times with him." Tiningnan
niya si Sam. "Do you like that idea?"
"Yes! I like it very much!"

ILANG oras lang ang tutor nila ni Sam. 2 hours lang. Dinalhan siya ni Jeric ng merienda habang tsine-check-an ang mga test papers ni
Sam. Pinaglaro niya muna ang matalinong bata.
"Very devoted ah," anito nang lapitan siya.Two slices of pizza, juice. Iyon ang dala-dala nito. Nasa kubo siya sa likod-bahay.
Feel na feel niya sana ang pagtututor. Feeling niya isa siyang ganap na pre-school teacher.
"Merienda ka muna."
Para maipatong ang pagkain sa mesa ay tinanggal niya ang mga nakapatong na mga papel, notebook at books.
"Galing pa yata 'tong Greenwhich," anito.
"For somebody's special."
"Special...?" Kumuha siya ng isang pizza at kinagat iyon. Hawaiian flavor iyon. Itinuon niya ang kaniyang isip sa pagkain. Special...Nakakatawang isipin.Sa totoo
lang ay parang nakaramdam siya ng pagkaasiwa habang kumakain. Nakangiti pa kasi ito habang nakatingin sa kaniya.
"How's Sam?"
"He's very brilliant."
"Oo nga pala. Free ka ba mamaya? Gusto na niya kasing mamili ng mga gamit."
"Free. Pero bukas, wala ako dito dahil pupunta akong publication. May meeting kami."
"Ba't malungkot ka?"
"Dahil magmi-meeting kami. Nakakahiya kasi. Dati, marami ako laging naipapasa at naa-approve. Tapos, sa meeting namin
ia-announce na isa, dalawa lang ang approved kong novel."
"Alam mo, palagay ko, seryoso na 'yang problema mo."
"Kasi, ang problema sa 'ming mga writer, nakadepende sa emotion, sa lagay ng isip namin ang resulta ng gawa namin. Kapag hindi inspired, hindi focused, nagre-reflect din sa gawa
namin. Before, what I would do if I don't feel inspired was I would always just try to believe and focus on my work. Ngayon, ginagawa ko 'yon pero hindi naman effective. Ewan ko ba."
"Ano ba talaga ang ugat niyan?" ANg problema niya ang tinutukoy nito.
"Ewan."
"Ah... Alam ko na. 'Di ba nasabi mo, wala kang boyfriend? Siguro, dahil doon."
"Hindi naman talaga kailangan ng boyfriend para makagawa ng nobela. Minsan, nakakatulong. Kasi, paano kung walang kuwenta ang boyfriend mo?"
"I have a good idea."
"What?"
Mula sa katapat niyang upuan ay lumipat ito sa tabi niya. "Bakit hindi mo ako kuning boyfriend?"
"'Di ba nasabi ko na sa 'yong best friend lang talaga ang tingin ko sa 'yo?" Nasabi niya lang iyon dito dahil alam niyang may Carla ito sa buhay nito.
Ayaw naman niyang maging pangalawang girlfriend lang.
"Okay. Jhel... What if I tell you I want to court you?"
"What? You want to court me?"
"Yes. You said it right."
"Nasisiraan ka ba? Ano kami ni Carla, pagsasabayin mo?" Pinamaywangan niya ito. "I didn't know you're like this. Baka hindi mo alam na
kitang-kita ko kayong dalawa ni Carla na naghahalikan noon nu'ng gabing nakainom ka."
Natawa ito. "'Yun ba?"
"What?"
"You know the whole story? What happened was dinala ko ang kotse ko sa casa. To have the aircon fixed. Magji-jeep na lang sana ako pabalik nang makita
ako ni Carla. Yes, she invited me to go to her house. She tried to seduce me. Pinapapanood pa nga niya sa 'kin 'yung videos nina Haydhen Kho. You know? Just to
stimulate my fantasy. Nilasing pa niya ako at ipakita niyang lahat ng videos ng doktor na 'yon. She pretended she's studying the videos. Pero yumayapos siya. I admit, may naramdaman ako.
Pero hindi siya nagtagumpay. To end that day, pinagbigyan ko siya. Sabi niya kasi, halikan ko lang daw siya, lulubayan na niya ako. Sabi ko kasi sa kaniyang may
girlfriend na ako at ayaw kong masira ang aming relasyon."
"Tinanong ba niya kung sino ang girlfriend mo?"
"Oo."
"Sino'ng sinabi mo?"
"Ikaw."
Tiningnan niya itong tila naghihintay ng sagot sa suhestiyon nito. Anyway, mukhang maganda ang naisip nito. "Siguraduhin mo lang na hindi ako susugurin n'ung Carla na 'yon."
"She clarified she's not that kind of woman. She just thought we could be lovers. But she's letting me love the girl I love..."
"Ow... maganda pala ang values niya..."
"Yes."
Katahimikan. Muli niyang pinagdiskitahan ang pizza.
"So, puwede na ba akong manligaw?"
Nilunok muna niya ang nasa bibig.
"You try."

No comments:

Post a Comment