Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 1)

Chapter One

"K-KAIBIGAN..." Nang manginig ang luha ni Jolina Magdangal sa pelikula- Labs Kita, Okey Ka Lang?- habang kaeksena si Marvin Agustin ay panay ang pagbagsak ang luha ni Angela Pasangaw. Nakaka-relate siya sa karakter ng aktres sa naturang pelikula dahil tulad nito ay na-in love din siya sa best friend. "Ka-i-bigan mo lang ako!" 
            Dahil sa bigat ng sipon sa ilong niya ay hinila niya ang isa sa mga unan niya. Nasa kuwarto niya siya. Tinanggal niya ang pabalat niyon at doon siya suminga. Lalabhan na lang niya iyon kinabukasan.
            Bawat eksena sa pelikulang iyon ay ini-imagine niyang sila iyon ng dati niyang best friend, si Jeric. Nakailang panood na siya sa naturang pelikula. Kapag nami-miss niya si Jeric, tulad ng araw na iyon ay pinapanood pa rin niya iyon. She must admit,kahit pa gusto na niyang kalimutan ang lalaki ay gusto pa rin niya itong makita, makasama. Magulo man pero iyon ang nararamdaman niya.
            "A-And I'm so stupid of falling in love with m-my b-best f-friend!"
            Walang humpay ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya. Naabala lang siya sa pag-iyak nang maramdamang may nanonood sa kaniya. Tumingin siya sa may pintuan. Nakatayo doon ang nanay niya.
            "Ano'ng iniiyak-iyak mo diyan?"
            "Ah, ito?" Itinirik niya ang mga mata. Maarteng pinahid niya, gamit ang punda, ang nagbabadyang tumulo pang mga luha. "Wala 'to." Isang saglit lang ay parang nagdahilan lang ang mga luha niya.
            Binuksan nito ang ilaw. Akala niya, dahil nakasara ang ilaw ay hindi na nito makikita ang pag-e-emote niya. Nakalimutan niyang dahil tutok sa kaniyang mukha ang ilaw na nagmumula sa TV ay kitang-kita siya nito.
            Naupo ito sa tabi niya. Napatawa ito.
            "Napaiyak ka o nakikiiyak ka diyan kay Jolina?"
            "Nay, kasama kasi 'to sa susulatin ko." Romance writer siya. Base sa ngiti nito ay parang gusto nitong sabihin sa kaniyang alam na nito ang tumatakbo sa isipan niya. Minsan kasi, sa pagmamadali niya papunta sa publication ay naiwan niyang bukas ang drawer ng table niya--na lagi niyang sinisigurong naka-lock. Nabasa tuloy nito ang lihim niya. Lihim na ni ang best friend niya ay hindi alam. Hindi siya makuwento at kung hindi lang dahil sa pobre niyang Diary ay walang malalaman ang nanay niya tungkol sa pag-ibig niya kay Jeric, her ex-best friend.
            Dati niyang kapitbahay sa Cavite ang naturang lalake. Simula nang mabili ang lote nila, 10 years ago, lumipat na sila sa Quezon. Dahil mura ang lupa sa probinsiyang iyon, doon pinili ng nanay niyang manirahan. Her mother was wise ever since. Malakas din ang loob.
Kaya hindi dito umubra ang kalokohan ng tatay niyang lesenggero, sugalero at babaero. Mas pinili nitong itaguyod sila nang ito lang. Sila. Ang nanay niya, siya at ang Kuya niya. Pero sumakabilang buhay na ang Kuya niya. Wala pa daw siyang malay nang mangyari ang pangyayaring maituturing niyang bangungot sa kanilang pamilya.
            Malawak ang lupaing pamana sa nanay niya ng kanilang lolo. Dahil sa ilang kalamidad ay lumaki ang utang ng pamilya ng lolo niya dahilan para hindi makatapos ng pag-aaral ang nanay niya. Nang magkapamilya, ipinabungkal ng nanay niya sa iba ang lupa. Ang tatay naman
niya ay ipinangsusugal at ipinambababae lang ang kinikita. Nalupog na nang tuluyan ang kanilang kabuhayan dahilan kaya nakipaghiwalay ang nanay niya sa tatay niya.
            Minsan, kait pambayad sa mga magsasaka ay wala, ang nanay at ang kuya niya ang nagbungkal ng kapirasong bahagi ng lupa. Gamit ang kalabaw.  
            Saglit lang daw nalingat ang nanay niya at nakita na lang ng nanay niyang nakatali sa lubid ang paa ng Kuya niya, hilahila ng kalabaw.
Kitang-kita daw ng Nanay niya ang pagtama sa bato ng ulo ng Kuya niya at kung paano nilatayan ng mga bagay na mahampasan ng Kuya niya. Maging ang mga galos na gawa ng matutulis na damo, baging at mga dahon. Sampung taong ulang pa lang daw ang Kuya niya noon, mag-aapat na taong gulang naman siya. Ang pinsan niyang nakikitira sa kanila ang bantay niya daw noon nang mangyari iyon.
            Simula noon daw ay si Jeric na ang madalas na nagpapatahan sa kaniya kapag tinatawag niya ang Kuya niya. Walong taon daw ito noong mga panahong iyon. Originally, his kuya was Jeric's friend. Nang maglaon, siya na ang naging best friend nito. Dahil sa lungkot dahil sa alaala ng Kuya niya ay hindi na ninais pa ng nanay niyang taniman o patamnan ang lupain nila. Pero minsan, sa likod-bahay ay tinutulungan siya  ni Jeric na magtanim ng mga gulay-gulay na minsan ay inilalako nila sa barangay.
            Her mother focused on making sweets. Coco jam, yema, pastillas, leche plan at kung anu-ano pang minatamis. Hindi kalakihan ang kinikita nila dahil hindi naman gan'ong kayaman ang mga ka-barangay nila. Pahirapan ngang magbenta. Ang pamilya ng best friend niyang si Jeric ay isa lang sa iilang mayaman sa barangay nila.Kaya nga hindi niya malaman kung bakit ito nagsusumiksik sa kanila gayong magkalayo ang kanilang mundo.
            "'Nay, nakalimutan ko na si Jeric-- I mean, he's just part of my past." Dahil malapit na rin namang matapos ang kaniyang pinapanood ay pinatay na niya ang TV. Pinatay na rin niya ang DVD. Saka na lang niya kukunin mula doon ang CD.
            "Part op my pas? Bakit kahit kailan eh 'di ka naman nagka-boyfriend?"
            Nagtungo siya sa aparador. Inilabas niya ang kaniyang pantulog.
            "'Nay maraming nanligaw sa 'kin pero 'di ko sila type-- maliligo lang ako." Lumabas na siya ng kuwarto bitbit ang damit. Sinundan siya nito. Actually, ayaw na niyang pag-usapan ang kahit na anong patungkol kay Jeric. Sampung taon na--o mahigt pa-- ang nakalilipas.
Siguradong nakalimutan na siya nito lalo pa't dati ay siya ang dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.
            Jeric? Erase! Erase! Erase!
            "Bakit parang ayaw mo nang pag-usapan ang dati mong bespren?"
            "'Nay, talaga! Nabasa mo na ang Diary ko. At hanggang sa araw na nabasa mo ang Diary ko, hindi siya nawala sa isip ko." Binuksan niya ang pinto ng bathroom. Pumasok siya. "Buti na lang 'Nay at binasa mo 'yon-- nagising ako sa kabaliwan ko. Okay? So, ayaw ko na siyang  pag-usapan--liligo na 'ko. Bye!" Isinara niya ang pinto.
            "Mukhang magkikita ulit kayo ng dati mong bespren!"
            "Huh?!" Muli niyang binuksan ang pinto. "Ano 'nay sinabi n'yo?"
            "Mukhang magkikita ulit kayo ni Jeric."
            "Bakit? Pa'no?"
            "'Yung bumili ng lupa natin, hindi nabayaran nang buo 'yung dapat nilang bayaran sa 'tin. Ayon sa kontratang pinirmahan ko sa kanila, pagka-sampung taon at hindi nila nabayaran ang kabuuan ng bayad, atin na ulit 'yung ating lupa."
            "Ah, gan'on ba? Okay." Isinara na ulit niya ang pinto. Kahit kailan talaga ay hindi niya maikakailang interesado pa rin siya kay Jeric. Well, hindi naman kasi nawawala sa isip niya ang dating best friend. Nang magkalayo sila nito dahil lumipat na sila ng Quezon ay hindi na sila
nito nagkaroon pa ng komunikasyon. She tried to send him snail mails but it seemed he's still angry to her. Naiintindihan niya dahil kasalanan talaga niyang mawala ang kredibilidad niya bilang best friend sa buhay nito.
            It's a long story and she didn't want to remember,recall her stupid past that caused the breaking of their supposed-to-be lasting best friendship!
            Minsan, gusto niya ring kumustahin ang puso niya. Bilang manunulat kasi ay masyado siyang naging busy katatahi ng istorya. Ilang taon na ba siyang manunulat? Seven, eight years? Marami siya ngayong conflict sa kaniyang sarili.
            Una,malaki ng problema niya sa publication. Isa siya sa mga haligi ng kanilang publication. Bawat isulat kasi niya ay bestseller. Pero sunud-sunod na bumabalik ang kaniyang mga gawa these pase few days. Lifeless, iyon ang prangkang komento sa kaniya ng kaniyang Editor. Ipinaliwanag naman sa kaniya ng kaniyang Editor kung bakit gan'on ang komento nito dahil masakit iyon para sa tulad niyang manunulat. Kung hindi daw kasi nito aaminin ang totoo ay baka hindi niya malamang talagang may problema ang mga nobela niya. Mukha daw pinapahapyawan niya lang ang pagkukuwento sa mga nobela niya. 'Di tulad noon na may lalim ang bawat kuwento niya. Buhay na buhay ang mga characters, makatotohanan, nakakakilig, nakakaiyak.
            She understood. Twenty five years old na kasi siya pero hindi pa rin siya nagkaka-boyfried. Weird man o nakakatawa pero naiinggit siya sa mga tauhan ng nobela niyang nakakatagpo ng pag-ibig. Siya na tao ay hindi iyon nararanasan. Simula kasi nang magsulat siya ay puros sulat na lang ang inatupag niya. Nawalan siya ng socal life. Social life na niyang matatawag ang pakikiharap sa computer, pagbabasa ng kaniyang manuscript at pagbabasa ng mga pocketbooks. Sa publication, wala siyang problema sa pakikitungo sa kapuwa niya writers. Maging sa mga Editor. Hindi naman siya tuod. Marunong naman siyang makipagkapuwa-tao. Sa mga pangkaraniwang tao ay hindi siya mahilig makihalubilo. Feeling niya ay hindi siya makasakay sa trip ng iba. At palagay niya ay hindi rin naman kayang sakyan ng mga iyon ang takbo ng isip niya. Sa publication, naiintindihan ng mga naandoon na ang taong tulad niya ay may pagka-weird.
            Pero maganda pa rin!
            Hindi totoong marami siyang manliligaw. Ang totoo, wala. Sino ba naman ang manliligaw sa isang babaeng tulad niyang mukhang parang walang facial expression? Hindi siya magagalitin pero hindi rin naman siya palangiti. Malumanay siyang may pangka-Kekay. Kengkay siya lalo pa't malapit na ang deadline ng kaniyang mga libro.
            Ewan nga niya kung saan nanggagaling ang inspirasyon niya sa paghabi ng mga kuwentong-pag-ibig gayong wala naman siyang karanasan doon. Masasabi niya bang romance ang mga nakalipas nila ng ex-best friend-- best friend? Erase! Erase! Erase!
`           Pangalawa, gusto niyang maghanap ng adventure na magpapabuhay sa kaniyang romantic side. Hindi niya maintindihan ngayong mga nakalipas na araw. May kinalaman ba sa heavenly bodies ang reaksiyon ng katawan niya? Itanong kaya niya sa astrologer? Para siyang nawalan ng puso. Walang puso in a sense na parang bigla-biglaan na lang ay parang ayaw na niyang maniwala sa pag-ibig. Hindi iyon pupuwede dahil dati ay naniniwala siyang may pag-ibig. Hindi naman siya tuod. Siguro, may kulang lang sa buhay niya.
            Ang problema, hindi niya matukoy kung ano ang problema.
            O tama ang kaniyang Editor? Na romance ang kulang sa buhay niya. Tulad ng mga ibinabalik sa kaniyang mga nobela niya.
            Pero matindi talaga ang problema niya. Dahil sa lugar nila ay wala namang guwapo. O dahil sa epekto ng kasusulat niya ng romansang nobela, iisa lang ang hinahanap ng isip niya. Guwapo, mabait, responsable, mayaman at kung anu-ano pang magagandang katangian. Alangan namang hayaan na lang niyang ligawan siya ni Estong? Tricycle driver ito sa lugar nila. Malakas ang anghit nito. Anghit sa kilikili, sa bunganga at maging sa paa na din. Amoy-paa kasi ang tricycle nito. Idagdag pa ang oily face nitong puwede na yatang pagprituhan ng fishball. Deep fry.
            Never. Ano ba 'yan!
            Nagbuhos na siya. Habang naliligo ay parang nakikini-kinita niya sa loob ng timbang may tubig ang reflection ng mukha ni Jeric. Ano ba Jhel! Iyon ang palayaw niya.
            Bakit kahit pa sabihing ayaw na niyang maisip ang lalaki ay ito pa rin ang sumasagi sa isip niya? Minsan nga ay parang gusto na niyang itaktak ang utak niya para naman mabawasan ng images at memories na puros patungkol lang kay Jeric.
            Paano niya mapabubulaanan na gusto na niya itong kalimutan?
            Ito nga't gusto na naman niyang balikan ang nakalipas. Iyon din ang dahilan kung bakit inaabot siya minsan ng isang oras sa banyo.

No comments:

Post a Comment