Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 6)

Chapter Six

WALANG ibang mas mabuti pang gawain kundi umiwas kay Jeric. Wala naman nang mabuting maidudulot kung makisama pa siya dito. Kung lagi lang siyang sasama dito, iisipin lang ng ibang makitid ang isip na inaakit niya ito. May pamilya na ito kaya wala nang mas mabuti pang gawain kundi mag-concentrate na
lang siya sa nobela. Maybe this time, she'd be able to concentrate more on her work knowing that the man she's fantasizing was all settled. What's the point of making friends with him? Kung gayong may nararamdaman siya para rito, hindi malayong matukso lang siya kapag kasama niya ito. Ayaw naman niyang
makiapid.
Noong araw na 'yon ay pagala ang mga paa niya. She submitted her novel through e-mail. Tinatamad din kasi siyang pumuntang Maynila. Napakainit kasi. Wala din naman silang meeting.
sumusuporta siya laban sa global warming kaya kung kaya naman niyang lakarin ang pupuntahan ay naglalakad na lang siya. Hanggang kanto lang naman ang lakad niya. It's just ten minute walk.
Naglalakad siya nang makitang lumabas ng gate ang kotse ni Jeric. Huli na para magtago. Nakita na siya nito. Katunayan, kumaway pa ito sa kaniya. So, ipinagpatuloy na lang niya ang paglakad.
"Saan punta natin?" tanong nito.
"Gagala," aniya.
"Talaga? Pagala din kasi ako. Baka gusto mong sumabay na?"
Magandang ideya ang naisip nito. Kung wala itong pamilya, hindi siya magdadalawang-isip na sumama dito. Aba, malaking advantage iyon. Naka-save na siya sa pamasahe, may posibilidad pang ma-develop ang kanilang romance. Pero gaya nga ng napagpasyahan na niya, lalayo na siya rito.
"Pa-saan ka ba?" tanong niya rito. Kung ano ang sasabihin nitong lugar ay iibahin niya ang kaniyang ruta.
"Actually, wala akong destinasyon. I was about to go to your house, actually. Gusto ko kasing gumala tayo. I tried to call you but your cp's off."
"Ah... In-off ko. Gusto ko kasing makapag-relax. Kapag may cellphone kasi, andaming istorbo. Maraming nagte-text."
"Ano, tara na? Kahit saan. Maidaragdag mo rin sa novel mo. Sabi mo,gusto mo ng mga ideas? Ahm... Just imagine na boyfriend mo ako."
"Naku, wala ako sa mood ngayon kaya 'wag mo 'kong binibiro." Kung puwede lang na sabihin niya ditong layuan na siya nito ay nagawa na niya. Pero hindi pa rin naman nawawala sa isip niyang mag-best friend pa rin sila nito. Siya lang ang may problema dahil espesyal ang nararamdaman niya para rito.
"Huh?" tanong nitong tila nawi-wirduhan sa sinasabi niya. "Is there problem?"
"Ah, never mind. May monthly period lang."
"So, ano...? Ayaw mo ba akong makasama?"
"No, no, no. Sorry sa mga nasabi ko. May dalaw nga lang ako. Sige. Sama na ako." Iyon ang naging pasiya niya tutal, wala naman siyang balak gumawa ng masama habang kasama ito. Hindi rin naman siguro sila pag-iisipan ng masama ng asawa nito. Mukhang alam naman ng mga kakilala nito ang tungkol sa pagiging mag-best friend nila.
Napansin niya iyon nang ma-meet niya ang anak nito at ang taek won do master ng bata.
Sumakay na siya. Komportable ito sa pananalita nito. Siguro, panatag itong hindi magseselos sa kaniya ang asawa nito dahil siguro, maganda ang samahan ng mga ito. Baka ang napangasawa nito ay ang babaeng nakita niya sa Friendster pictures nito.Maganda ang babaeng iyon. Kaya siguro naiisip nitong wala iyong dapat ika-
insecure sa kaniya. Hindi rin naman pang-artista ang ganda niya. Gandang-masa lang ang ganda niya. Walang class. Mas maganda siguro kung ilarawan niya ang ganda niya na: may hitsura.
Tungkol sa asawa nito, hindi na muna niya bubusisiin iyon. Siguro, kapag talagang tanggap na tanggap na niya ang tungkol sa buhay-asawa nito, saka na lang niya ito uusisain. Masakit din kasing malaman na ang lalaking minahal niya nang  mahabang panahon ay may mahal nang iba.
"I have something to clarify to you," anito makaupo niya.
"What?"
"Mamaya na lang," anito. Binuhay nito ang CD player. Mad ang pamagat niyon, si Neo ang kumanta niyon.
Nagkibit-balikat lang siya. siguro, hindi nga sila nito para sa isa't isa kaya sisimulan na niyang patayin ang nararamdaman para rito.
"Bakit kakaiba ka yata ngayon? Parang may gumugulo sa isip mo?"
"Huh? Wala naman akong problema bukod sa mga nobela ko."
"Gan'on ba?" tanong nito. "Ano ba ang problema mo sa mga nobela mo?"
"Apat na libro ko na kasi ang napapabalik, for revision. Kulang daw sa romance, sabi ng editor."
"Baka kailangan mo ng tulong. Baka may maitutulong ako."
"What?" Bahagyang napataas ang tono ng pananalita niya. Ibig ba nitong sabihin ay gamitin niya ito para mabuhay ang pagtingin niya sa kalalakihan? Para makaramdam siya ng kilig? Nasisiraan na ba ito ng ulo? Hindi ba nito naiisip ang pamilya nito?
Para namang nakakainis isipin na ang isang pamilyadong tao ay ganito ang sinasabi. Isinama ba siya nito para akitin siya?
"Bakit? Masama ba ang nasabi ko?"
"Ah, hindi naman. Sige, tulungan mo na lang akong mag-isip ng kuwento."
"May kuwento ka na ba tungkol sa mag-best friend? Siguro, kahit pa marami nang kuwento tungkol sa mag-best friend, nakakakilig pa rin iyon."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Palagay ko lang."
Nagkibit-balikat siya. Ang dating ngayon sa kaniya ng sinasabi at kinikilos nito ay nanghihinayang ito dahil huli na siyang dumating sa buhay nito. Na kung napaaga lang siya ay siya ang ina ng anak nito.
"Dalawa na ang naisulat kong gan'on eh."
"Kahit naman dalawa na ang naisulat mong tungkol sa mag-best friend, palagay ko ay hindi naman 'yon mapapabalik sa 'yo kung maganda ang kuwento mo."
Wala siyang nasabi.
"Why don't you try writing our story? I mean, imagine, tayo ang nagkatuluyan."
Ngumiti siya. "Sige. Ita-try ko. Magandang idea 'yan."
"Ano nga kaya kung tayo ang magkatuluyan?" Nahintakutan siya sa sinabi nito. Bahagyang nagtaasan ang balahibo niya. Alam ba nito ang sinasabi nito? Gusto ba nito siyang gawing second wife? Well, interpretation lang 'yon ng utak
niya pero ang sinabi naman nito ay 'what if' lang.
"Alam mo,imposible 'yan. Una, mag-best friend lang tayo. At saka isipin mo 'yung pamilya mo!"
"What?" Nagulat ito sa sinabi niya.
"Wala. Never mind." Baka isipin nitong mapangarapin siya. That she jumped over the conclusion that he wanted her.
"No. I heard something. What about family?" Natawa ito.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Yes."
"What?"
"Na may isang bagay na hindi malinaw sa 'yo."
"What?"
"About Sam."
Bakit? Bingi ba siya para hindi niya marinig ang tawag niya sa bata? Anak. Anak ang tawag nito kay Sam at Daddy ang tawag ni Sam dito. At may mommy pang nabanggit ang bata. Hindi naman siguro putok sa buho ang naturang bata para hindi iyon magkaroon ng ina. Meaning, he got engaged into sex. It didn't necessarily matter if they got married
separated, annulled or devorced. She did't care. Ang malinaw sa isip niya, may pamilya na ito.
Ang gusto niya ay maging first wife. Na ang mapangasawa niya ay siya lang ang naanakan.
"What about Sam?"
"Anyway, best friend naman kita kaya okay lang na sabihin ko 'to sa'yo. Pero huwag mo na lang sabihin sa kung kani-kanino dahil gusto kong isipin ng iba na talagang anak ko siya."
"Bakit? Kanino ba siyang anak?"
Iniliko nito ang sasakyan sa kaliwa.
"When I was in America, I had friends. They're couple who dearly loved each other. Anak nila si Sam. Sam was one year old then. Their love story was magnificent. They both grew up in an orphanage. At ang orphanage na
'yon din ang naging dahilan para makapag-aral sila. At makapagtrabaho sa America. Unfortunately, nabangga ang sinasakyan nila. In short, ulilang lubos na si Sam. Minsan ay nabanggit na din sa 'kin ni Greg, ang tatay ni Sam, ang tungkol sa bata. Na kung saka-sakali daw na may mangyari sa kanila ay kupkupin ko daw ang bata. So, wala
akong naging ibang option. At saka nalulungkot din ako that time, being so alone. Inayos ko ang mga papeles ng bata. I sought advices from attorneys, lawyers. Hanggang sa mapunta ang custody niya sa 'kin."
"Ah..."
Katahimikan.
Ano kaya ang iniisip nito nang mga sandaling iyon. Bilang romance writer, may konting idea siya sa posibleng tumatakbo sa isip nito. Siguro, nai-imagine nito ang mga panahong kasama ng mga magulang ni Sam. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay alam niya ang nasa isip nito.
Tulad ng dati, lagi lang siyang nag-ispeculate sa posibleng iniisip nito.
"Idaretso ko na ang tanong ko. Puwede ko bang malaman kung sino ang Mommy niya?"
"Ang mommy niya?" Napangiti ito. "Nakakatawa man pero wala talaga siyang mommy. It just so happened that he got closed with his yaya. Para din magkaroon ng mother figure 'yung bata, tinuruan ko si Sam na Mommy ang itawag sa kaniya. Nagustuhan naman nila ang isa't isa.
Nagkasundo sila."
"Alam naman ba ni Sam 'to?"
"Oo. I don't want to have problem with him in the future kaya ipinagtapat ko sa kaniya two months ago."
"Naintindihan niya?"
"No. He was crying for a month. He was very stubborn. Sabi ko lang na bibigyan ko siya ng magandang birthday party. Sabi ko, pupunta kaming Batangas."
"Ang cheap naman. Hindi ba Boracay o Palawan?" hirit niya.
"Gusto ko. Kaso,busy pa tayo ngayon. Kapag nakaluwag-luwag."
"Isasama mo 'ko?" Nakaramdam siya ng excitement. Muntik na niyang mabatukan ang sarili. Mukha yatang obvious na gusto niyang sumama.
"Yes, you join us. My son would surely love to see you around there."
"Don't tell me ako ang balak mong kuning clown dahil nagtitipid ka?"
Natawa ito sa sinabi niya. Siguro ay naisip nito kung saan niya nahagilap ang ideya na iyon.
"So, you're joining?"
"Ahm... Pag-iisipan ko."

No comments:

Post a Comment