Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 2)

Chapter Two

"ALAM mo,maganda na rin ang desisyon ni Sister Pupe," wika sa kaniya ni Maribel habang nagme-merienda sa Jollibee na katapat lang ng school nila. Biology teacher ito. Naka-close niya ito dahil madalas itong mag-research sa library.
    "Ang ikalulungkot ko lang sa pagki-kick out sa kaniya, 'yung Kuya niya," animo nagde-day dreaming pa siya habang pinapapak ang french fries.
    "Huh?"
    "Kako, mami-miss ko 'yung Kuya niya."
    "Ano? Naloloka ka na ba?"
    "Bakit? Nabanggit naman sa 'kin minsan ni Anthony na kabe-break lang din daw ng Kuya niya at nung girlfriend niya. Kaya daw bagay kami dahil pareho daw kaming nabe-break." Biglang umasam ang mukha niya sa ipinaalala sa sarili."Sus! Lalaki lang sila! Bakit ba ako malulungkol sa mga gunggong na 'yon!"
    "Bitter," anito.
    "Hindi ako bitter. defensive lang. Siyempre. Kailangan kong depensahan ang aking pagkatao laban sa mga manlolokong lalaking 'yan."
    "Ano bang hitsura niya? Sayang. Hindi ko siya nakita."
    "Naguguwapuhan ka ba kay Ton-Ton Guttierez?"
    Nag-isip ito. "Ahm... Oo." Nagkibit-balikat ito.
    "'Yon. Aakalain mo bang may mas guguwapo pa sa hitsurang 'yon? Magkahawig sila but you know what? Lamang pa ang kaguwapuhan niya kay Ton-Ton. Muntik na ngang mahulog ang panty ko kanina pagpasok ko sa opisina."
    Napatawa ito."Mahulog ang panty..." ulit pa nito dahil siguro na-weird-uhan sa naisip niya.
    "Yes. Basta. Gan'on. Drop-dead gorgeous talaga siya. Grabe. As in."
    "You mean, na-in love ka na agad. Na naman?"
    "Ahm... Slight. Crush."
    "Ikaw kasi, maghinay-hinay. Para hindi iniisip ng mga lalaki na easy to get ka, konting pakipot naman. Huwag 'yung kapag tinanong ka kung gusto mo ba siyang maging boyfriend, humindi ka muna."
    "Oo na po. Dati kasi, eng-eng pa me sa love. Okay? Pero ngayon, hindi na nila ako maloloko. Humiling kaya ako sa bulok na orasan ni lola ng boyfriend."
    "Bulok na orasan?"
    Muntik na siyang masamid sa ice cream. Ice cream na lang nasasamid pa siya. Hindi kaya napag-usapan siya nina Anthony at kuya nito kaya siya nasamid?
    "Bulok na orasan. Right. Pamana 'yon sa 'kin ni LOla. sabi niya, mag-wish lang daw ako, matutupad."
    Pinaikot nito ang tinidot sa palabok. Kumain ito. "Bakit hindi jackpot sa lotto ang hilingin mo?"
    "Aynaku. To be honest, hiniling ko na 'yon. Pati nga magkaroon ng magandang bahay. Maging artista. Makapunta sa Japan. Lahat na nahiling ko na."
    Napatawa ito.
    "Desperada ka na pala eh."   
    "Hindi naman. Desperada lang akong magka-boyfriend."
    "Magka-boyfriend?" Natawa ito.
    "Why? Twenty-five na ako. Last year pa ako huling nagka-boyfriend. Siyempre. Nagti-tiktak- tiktak na ang body clock ko. You know?" pabulong niya lang sinabi ang huling tinuran.
    "Gusto motalaga ng boyfriend?"
    "Yup."
    "Kung gusto mo, sumama ka sa 'kin."
    "Saan?"
    "Kasi, nag-i-scuba diving ako every Saturday. Ano?"
    "Aynaku, ayoko. Mahal 'yang scuba-scuba diving na 'yan. Wala akong pera. At saka ano naman ang mapapala ko kung makakita ako ng mga underwater creatures? Wala. Mas gugustuhin ko pang maghanap ng boyfriend sa bar."
    Natawa ito.
    "Alam mo, ang mga nasa bar, playboy. Ang mga nag-i-scuba diving, environmentalist, responsible  at saka may pagka-romantic. Idagdag pa ang pagiging smarty nila," tila kinikilig na sabi nito.   
    "Ang problema nga, mahal. At saka hindi ako mahilig sa tubig. Hanggang timba't tabo lang ang beauty ko."
    "Puwede naman kitang isama. Tapos, malilibre ka na."
    "Ayoko."
    "Hindi mo lang kasi natatanong ay boyfriend ko ang head ng association namin. We'll go to Anilao this Saturday."
    "Ayoko. Takot ako sa Butanding."
    "Ha! Andaming mong ayaw. Butanding eh, hindi naman nang-aano 'yon."
    "saka ba lang. Puwede ba?"
    "Bahala ka. Andami rin kayang Papa doon. Doon ko kaya nakilala ang Papa ko."
    "Talaga? Ang papa ko kasi, hindi ko nakilala."
    "Ang corny mo." Nahuli nito marahil ang gusto niyang palabasin. Na ang papa na tinutukoy niya ay ang tatay niya samantalang ang boyfriend nito ang tinutukoy nito.
    "Titingnan ko muna kung tatalab ang hiwaga ng orasan. Bago ako maghanap ng boyfriend."
    "Bahala ka."

IKAKASAL na daw si Maribel next month. Samantalang siya, isang buwan na siyang naghihintay sa kapangyarihan ng bulok na orasan pero wala pa ring tugon ang kapangyarihang bumabalot sa kalangitan at kalupaan.
    Kamalasan. Iyon nga yata ang hatid ng orasan.
    Kung hindi ba malas ang orasan iyon. Paano nangyaring bukod sa kawalan ng boyfriend ay nadulas siya corridor sa labas ng library. Nagtawanan ang mga estudyante. Ang masakit pa na-sprain siya kaya tatlong linggo siyang hindi nakapasok dahil hindi siya makalakad noong mga panahong iyon. Ngayong magaling na siya ay walang mas mainam na gawain kundi itapon iyon.
    Naglakad siya papunta sa tulay. Naisip niyang maglakad-lakad dahil baka may puwersang pumigil sa kaniya sa gagawin niya. Baka mabangga siya ng lalaking nakatadhana sa kaniya. At bago siya bawian ng buhay ay pakasalan siya ng lalaking iyon.
    Haynaku! Bumuntung-hininga siya habang nakatayo sa gilid ng tulay para ihagis ang orasan
    I gave you chance to prove yourself you're lucky. Na may kapangyarihan ka.
    "Wala naman..."
    Ihahagis na sana niya ang orasan nang may maalala siya.   
    "Tatanda kang dalaga kapag itinapon mo 'yan. Kaya alagaan mo 'yang mabuti. Ito ang magsisilbing gabay mo sa 'yong buhay-may-asawa."
    "Eh, Lola uso pa ba 'yang mga pinagsasasabi n'yo?"
    "Huwag kang maingay dahil baka marinig ka niyang orasan. Ang buhay ay mahiwaga."
    May lumagabog kaya nagulat siya. Nabitawan niya ang orasan. Nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng truck na pagewang-gewang. Sa takot niyang sa kaniya dumaretso iyon ay napakapit siya sa railing ng tulay. Napikit siya. Nagdasal.
    Naramdaman niya ang hangin na lumampas dahil sa truck na muntik nang bumangga sa kaniya.
    Nang makalampas ang truck ay isang bagay lang nakita niya. Ang durug-durog na orasan.
    "Ang mahiwagang orasan!" aniyang animo nahulugan ng lotto ticket na tumama ng jackpot sa lotto. "Ay... Siyete!"
    Napatingin siya sa lalaking bumaba ng kotse.
    "Miss... Nasaktan ka ba?"
    Kung kanina ay asar na asar, inis na inis, biglang napalitan ng mga bulaklak, paru-paro ang nakikita niya. Sa paningin niya nagniningning ang suot ng lalaking ito na armour.
    "Miss... Sabi ko, kung nasaktan ka ba?"
    N'ung una ay animo siya na-engkanto. Pero dahil sa pagkaway-kaway nito sa harap ng mukha niya ay bumalik sa makatotohanang mundo ang ulirat niya.
    Tumayo siya nang ayos. Inilagay niya sa pisngi ang mga kamay. "Ang orasan ko..."
    Sa gilid ng mata niya ay kita niyang napatingin din ito sa kaaba-abang relo na nadurog.
    "Ang antique kong relo. Pamana pa man din sa 'kin 'to ni Lola. Patay ako. Mamahalin pa  man din 'to."
    "Miss... Ano nga?"
    "Look!" pasinghal na sabi niya rito. Sabi niya nga kay Maribel na hindi niya dapat ipinapakita sa mga lalaki na masyado siyang attracted sa mga ito. Epecially on their first meeting. Nagmumukha kasi siyang cheapipay sa paningin g mga ito. "Nadurog ang orasan ko! Antique 'yan eh."
    "Ha?" anito. Naisip siguro nito ang babayaran sa kaniya. "Pa'no ka naman kasi napadpad dito dala 'yan? 'Di ba...?" Kinilala siya nito. "Ikaw 'yung librarian sa St. Matthew's?"
    "Oo. Ikaw 'di ba 'yung Kuya ni Anthony?"
    "Yes."
    Ano ba ang idadahilan niya dito?
    "Wala akong masakyan. Papunta akong subastahan para i-subasta 'to. And all of a sudden, your truck came along. Nagulat kaya ako kaya nabitawan ko 'yan. So bayaran mo 'yan!"
    "What? Eh, mukhang buluk na bulok na 'yan ah..."
    Tinawanan niya ito. "Bulok? That's not bulok. You call that antique."
    "Antique 'yan? Kung antique 'yan, bakit may kala-kalawang?"
    "That's not kalawang. Putik."
    "Oh...?" Dumampot ito ng isang piraso mula sa nadurog na orasan. "This is putik?" Sinubukan nitong kudkurin ang sinasabi niyang putik gamit ang kuko.
    "Ah, basta. Siyempre! Sa tinatagal-tagal ng panahon, natural lang na magkakalawang 'yan. Pero gumagana pa 'yan. Isusubasta ko nga sana 'yan But look at what you did!"
    "Sorry. Ano ba ang puwede kong ipalit diyan?"
    Pinangatawanan na niya. She laughed. "Ano 'yan sa tingin mo? Perang hiniram? Na kahit magkano ang hiramin, basta pareho lang ay halaga ay puwedeng palitan ng kahit anong pera?"
    "So, ano ang gusto mong mangyari?"
    Nag-isip siya. "Kung sabihin kong palitan mo, hindi mo naman mapapalitan. Hindi ba?"
    "Tama."
    "Ang gusto ko lang naman sa 'yong ipaalam na katuparan ng mga pangarap ko ang dinurog mo."
    "Ha?" anitong tila na-weirduhan sa sinabi niya. Maski siya ay hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Kaya nga lang, nasabi na niya kaya wala na siyang ibang magagawa kundi pangatawanan iyon. "You mean, dinurog ko pangarap mo?"
    "Parang gan'on."
    "But how come?"
    "How come? Basta. Dahil sa mapepera ko sa subasta, maipangbabayad ko sa tuition fee ng kapatid ko."
    "Wait. Let's go there in the truck.Nakakahiyang dito tayo magtalo." Naglakad ito papunta sa truck nito. Sinundan niya ito.
    "Sa loob tayo mag-usap."
    "No need. Puwede na dito. Wala nang makakakita sa atin."
    Nakatago sila sa truck kaya hindi na sila makikita ng mga naglalampasang sasakyan at tao.
    Sales to The Nth Power, Inc. Iyon ang nakalagay sa truck. Siguro ay iyon ang pangalan ng kumpaniyang--hindi niya alam kung pag-aari nto o trabahante lang ito.
    "So, paano ako makakatulong sa 'yo?"
    "Ahm..." Nag-isip siya. Wala siyang maisip. Nanghina siya nang maalalang hindi na lang siya dapat nagsinungaling. Pero naandoon na rin naman siya. "Bayaran mo ang tuition fee ng kapatid ko." Masakit din kaya ang mga babayarin ng kapatid niya. Kahit pa sabihing nasa HongKong ang nanay niya, hindi na naman ito nagpapadala. Nagbabayad-utang daw kasi ito.
    "Okay. Go to my office tomorrow. Pag-usapan natin. Here's my calling card," anito makabunot ng kapirasong card mula sa pitaka nito.
    Inabot niya ang card nito.
    Ramon San Gabriel. sales and Marketing Specialist.
    "Yes. I'm Ramon San Gabriel. And You're Miss Pulgencia?"
    Hindi niya ipagtataka kung bakit alam nito ang pangalan niya. Nang mag-usap sila sa harapan ng principal ay ilang beses nabanggit ng madre ang pangalan niya.
    "Delilah Pulgencia," aniya. Mismo siya ay nabahuan sa pangalan. "Oo nga pala. Pengeng pambili kahit mumurahing orasan."
    Humugot ito ng isanlibo. Wala din naman kasing ibang denomination ng pera sa pitaka nito kundi iyon lang.
    Inabot niya iyon.Nakakahiya palang manghuthot. Hindi niya iyon binalak. Ayaw lang mapahiya dito.

No comments:

Post a Comment