Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 9)

Chapter Nine

"ANO'NG ginagawa mo dito?"
Tulad ng Nanay ni Angela ay nagulat din siya nang nakita ang tatay niyang nasa
bahay nila. Dati, muli nitong niligawan ang nanay niya. Nagmakaawa itong makikipagbalikan
pero nagmatigas ang nanay niya.
Ano naman ang bagong drama ng tatay niya?
Bakit animo ito pulubi sa suot nito? Madumi o madumi lang tingnan ang suot nito?
Naka-jeans itong mukhang panahon pa ng giyera. Di-sipit ang tsinela nito.
Naglakad ito patungo sa Nanay niya. Maging ang tito at tita niya ay nabigla nang
makita ang ginawa ng tatay niya.Galit ang mga ito sa tatay niya kaya mas pinili na lang
ng mga itong pumasok sa kuwarto. Ayaw ng mga itong makialam.
"Patawarin mo na ako." Ang boses ng tatay niya ay animo sa isang de-kalibreng drama
actor.
"Bitawan mo 'ko!" Pinalis ng nanay niya ang kamay ng tatay niya.
"Hayaan mo naman akong patunayan ulit na kaya kong muling magtaguyod ng pamilya..."
Natawa ang Nanay niya. "Ngayon pa? Naitaguyod ko na ang pamilya mo kahit wala ka
 kaya wala ka nang itataguyod pa."
Naglipat-lipat sa kaniya at sa nanay niya ang tingin nito.
"Kung gusto mong lumuhod ako, o humalik ako sa paa mo, gagawin ko. Basta pabalikin
mo lang ako sa buhay mo."
"'Di na kailangan. Makakaalis ka na. Matagal ko nang pinutol ang kung anumang namamagitan
sa 'tin."
Luluhod sana ang tatay niya pero biniyabit ito ng Nanay niya palabas ang nanay niya.
Malaking tao ang nanay niya. Payat naman ang tatay niya kaya nagawa nito iyon.
Isinara, ini-clock ng nanay niya ang pintuan makalabas. Kinatok ng tatay niya ang pintuan makailang beses
pero nagbingi-bingihan lang ang nanay niya. Tumaas ito.
"Halika na. Walang halagang pakinggan mo 'yang tatay mo."
Nakinig siya sa nanay niya dahil wala naman siyang malalim na amor para sa ama niya.
May awa siyang naramdaman pero mas depende pa rin sa desisyon ng nanay niya ang desisyon niya
pagdating sa pakikitungo sa tatay niya.
HIndi niya ito kilala nang lubusan kaya hindi niya kaya impluwensiyahan ang desisyon
ng nanay niya.
"Hindi ko na yata kayang patawarin 'yang Tatay mo," anito makahiga niya sa tabi nito.
Hindi niya masisisi ang nanay niya. Nakita niya ang mga pinagdaanan nitong hirap para mabuhay
lang sila. Kung hindi nga lang may lupain ang mother's side niya, baka hindi gan'ong kaganda ang
kanilang pamumuhay ngayon.
"'Nay, baka naman gusto talaga niyang magkabalikan kayo. Bakit hindi mo siya bigyan
ng isa pang chance?"
"Naku! Kapag ginawa ko 'yon, para na ring kumuha ako ng bato't ipinukpok ko sa ulo ko."
"Nakakaawa naman..." aniya. Kanina pa kasi ito tawag nang tawag sa labas ng pintuan. Hindi
lang nakikialam ang kaniyang tito't tita dahil away-mag-asawa iyon. Isa pa ay isinumpa na sa
mother's side niya ang tatay niya. Para sa mga ito ay isang salot ang tatay niya.
"N-Nawala na ang amor ko sa kaniya." Naging garalgal na ang boses ng nanay niya. Parang
naramdaman niyang kahit papaano ay may nararamdaman pa rin ito sa tatay niya. Naku! Umandar na naman ang
pakiramdam mo! "B-akit ngayong hindi ko na siya kailangan, saka pa siya babalik?"
Ma-pride talaga ang nanay niya. Dati, nang maghirap sila, kayang-kaya itong tulungan ng
mga kamag-anak sa side nito pero hindi ito humingi ng tulong sa mga iyon sa halip ay nagsumikap
ito sa sarili nito.

DAHIL gusto daw siyang makausap ng kaniyang Publisher ay napilitan siyang gumising kinabukasan.
Maaga. Dahil sa pagmamadaling umabot sa usapan nilang oras, alas-diyes, ay hindi na siya nakapag-
agahan. Sa palagay niya ay mga tatlong oras ang biyahe. Alas siyete na nang makalabas siya.
Paglabas niya ay nakita niyang nakabulagta ang Tatay niya sa labas ng bahay. Dahil wala namang dahilan para
gisingin niya ito ay nilampasan na lang niya ito. Hindi sa hindi siya naawa. Hindi niya lang
alam kung ano ang gagawain sa tatay niya.
Walang tricyle dahil may meeting daw ang asosayon ng mga driver at operator. So, napilitan
siyng naglakad. Malapit lang din naman ang lakarin papunta sa kanto.
Parang replay na nang malapit na siya sa bahay nina Jeric ay nakita niya ang sasakyan nito.
Huli na para magtago siya dahil nakita na siya nito.
"Saan punta mo?"
"Magpapasa nito." Ipinakita niya rito ang plastic envelope na kinalalagyan ng manuscript niya.
"Sabay ka na. Papunta din ako ng Maynila."
"Ano ang gagawin mo d'on?"
"May sasabihin daw na mahalaga si Daddy. Hindi ko alam kung ano 'yon."
"Sakay na ako ha?" Umikot siya para makapunta sa pintuan ng upuang katabi nito. Binuksan niya ang pintuan. Pumasok. Naupo.
Katahimikan. Siya ay huminga lang ng malalim.
"Napadaan ako sa tapat n'yo kagabi, may natanaw akong nagkakagulo sa inyo. Ano 'yon?"
"Wala. Dumating kasi ang tatay ko. Gusto niyang makipagbalikan kay nanay."
"Huh? Eh, di ba bata pa lang kayo n'on eh iniwan na kayo n'on? So, ano ang nangyari?"
"Drama, of course. Pero hindi rin umubra ang drama niya kay Nanay. Biniyabit siya ni Nanay palabas.
Pero nakita ko makalabas, he slept outside. Nakakatawang nakakaawa siya para sa 'kin."
Nakakita siya ng kahon ng buko pie. "Mukhang masarap 'to ah..."
"Sige, kain ka lang. Bago 'yan. Uwi 'yan ng bagong tutor ni Sam." Binitawan na niya ang
pagtutor kay Sam dahil hindi niya kayang isabay iyon sa kaniyang pagsusulat. Priority niya ang pagsusulat.

THIRTY minutes na ang nakakalipas simula nang pumasok si Jeric sa building ng Construction Firm ng mga ito. Ayon dito ay saglit
lang daw ito. Pero ni anino nito ay wala pa siyang nasisilayan.
Masakit ang tiyan niya. Grabe. Nakasama yata sa tiyan niya ang buko pie na  kinain niya.
Parang pinipiga ang kaniyang sikmura.
Namimilipit siya sa sakit ng tiyan nang bumukas ang pintuan.
"Sorry, nagtagal ako--huh? Bakit namumutla ka?"
"Jhe... Napakasakit ng tiyan ko," reklamo niya. Namimilipit siya sa sakit ng tiyan.
Nagmamadali nitong in-start ang kotse. "I'll bring you to the hospital.:
Para siyang papanawan ng ulirat sa sakit sa tiyan.
Sa di-kalakihang hospital siya nito dinala dahil iyon na ang pinakamalapit na hospital.
Dahil hindi na rin siya makakilos sa sakit ay ito na ang nagbukas ng pinto para sa kaniya.
"Tara..." anito. Nang makita nito tila hindi niya kayang lumabas man lang ay gumawa na itong paraan para mailabas
siya nito sa kotse.Kinarga siya nito.
Habang karga-karga nito ay nakaramdam siya ng panlalamig ng katawan. Parang namumuti ang mga nakikita
niya. Parang humihina ang naririnig niya.
"Ano ba'ng nangyari?"
Iyon ang narinig niyang huling sinabi sa kaniya ni Jeric bago siya mawalan ng malay.
.
"HELLO..." Sa pangangalawang pagkakataon ay ang ngiti ni Jeric ang nasilayan niya. Tulad ng dati niyang naramdaman,
parang napakasarap na ito ang unang makita. Para siyang si Sleeping Beauty na hinalikan ng prinsipe. Tiningnan niya
ang paligid para malaman kung nasaan siya. Ilang segundo ang lumipas bago niya nakuhang nasa hospital siya.
Naalala niyang bago siya nawalan ng malay ay dinala nga pala siya nito doon.
"Sabi ng doktor, pagkagising mo, pakainin kita nito." Ipinakita nito sa kaniya ang mangkok. Goto
ang naandoon. "Mamaya daw, puwede ka nang lumabas."
"Ano daw ba ang nangyari?"
"Baka daw hindi ka nakakain ng dinner at breakfast. Then, nabanggit ko nga na kumain ka ng buko pie.
I'm sorry. Hindi ko alam."
"It's my fault.Nagda-diet kasi ako. Nagmamadali pa ako kanina kaya hindi ako nakapag-breakfast."
"Tinawagan ko na ang nanay mo. Sabi nila, papunta na daw sila. Pero sabi ko, huwag na. Ihahatid na lang kita
dahil palabas ka na rin naman."
"Dumaan muna tayo sa publication bago umuwi."
Napangiti, napailing ito. "Iba ka talaga. Trabaho pa rin ang nasa isip mo."
Wala naman siyang ibang concern noong mga sandaling iyon. Ligtas na daw siya so wala na siyang
dapat ipag-alala. Isang bagay lang ang napatunayan niya. Na kahit ano'ng mangyari ay handa itong manatili sa tabi niya.
Nang mga sandaling iyon ay nararamdaman niyang mahal nga siya nito. Lalo pa nang maalala niya ang concern na rumehistro sa
mukha nito nang makita siyang namimilipit sa sakit.
Nag-flash sa isip niya noong mga araw na palagi siya nitong tinutulungang magtanim ng gulay at maglako
ng kanilang paninda. Dati, naisip niyang kaibigan niya ito kaya hindi imposibleng gawain nito iyon para
sa kaniya. Pero bakit ito pupunta sa kanila gayong magkalayo naman ang estado ng buhay nila? Bakit ito
magtitiyagang samahan siya gayong magkaiba ang kanilang interes?
Nakakatawa nga dahil natuto siyang mag-basketball. Natuto din itong maglaro ng paper doll.
Naalala pa niyang minsan ay naglaro sila niyon na kunwari ay mag-boyfriend-girlfriend sila nito.
Isa na lang ang hindi pa niya dito nalilinaw. Bakit hindi nito sinasagot ang mga Friendster
messages niya dahilan para magbalak siyang kalimutan na ito?
Hindi nga nagtagal ay nakalabas na sila ng hospital. Tulad ng hiling niya ay sa publication sila
dumaretso. Pagpasok ay nagtinginan sa kanila ang mga kababaihang trabahador doon na siyang nagbu-bookbind.
Kita pa niya ang ilang kababaihang napangiti nang makita ang guwapo niyang kasama.
"Ma'm Angela, ang guwapo ng kasama n'yo. Boyfriend n'yo?" tanong ng isang babae.
Hinila niya ito at inihilig ang katawan dito. "Yes." Pabiro lang iyon pero sana ay maintindihan
ng mga itong hindi pa pero, oo. Malapit na.
Sa totoo lang, balak na niyang sasagutin ito mamayang gabi. Para maging boyfriend niya.
Pagpasok sa opisina ay naandoon ang isa sa mga Editor niya. Imbis na sa kaniya magtinginan ang
mga ito ay sa kasama muna niya.
Ngumiti sa kaniya ang editor niya na ang ibig nitong sabihin ay nakabingwit ata siya ng bangus.
Bago lumabas ang editor ay bahagya niyong kinawit ang tagiliran niya. Dahilan para makiliti siya.
Hinabol niya ito ng tingin pero hindi siya nito tiningnan, nakangiti lang.
"Shane," pagtawag niya sa secretary ng kumpaniya. "Magpapasa ako. At saka kumusta 'yung huli
kong sinulat? Here." Iniabot niya rito ang resibo ng huli niyang ipinasang libro.
"Ah, wait lang po." Ch-in-eck nito sa computer ang resulta ng gawa niya.
"Ma'm, approve po. Pakikuha na lang po 'yung cheka n'yo d'on sa accounting."
Hindi ito ngumingiti pero nahuli niyang sinilayan nito ang kasama niya.
Kinuha nito ang iniabot niyang manuscript. Kinopya nito ang pamagat at pangalan niya at inabutan
siya ng resibo, katunayang nagpasa siya.

"MAHAL kita."
Muntik nang mabitawan ni Angela ang basong iniinuman niya. Makagaling sa publication ay dumaretso
na sila sa isang restaurant.
"Huh? Ano naman ang sumagi sa isip mo at naging ganiyan ang line ng joke mo?"
"Do you think I'm joking?"
Alam niyang hindi ito nagbibiro. Pero parang hindi siya handa sa sinabi nito. She didn't expect him
to be this fast.
Siguro, ayaw din nitong maging maligoy.
"Ahm... Alam mo kasi, kasasabi mo pa lang na liligawan mo 'ko? Naiinip ka na ba?"
Naisip niyang hindi naman kailangang maging super lalim ng isang
relasyon para magtapat ng nararamdaman ang isa sa involve sa isang relasyon. Baka hindi pa siya gan'ong kahanda na magsasabi ito nang gan'ong
kabilis. Nakikita niyang seryoso ito sa sinabi nito.
"Hindi naman sa naiinip ako. Gusto ko lang na sabihin sa 'yo kung ano talaga ang nasa puso ko."
"Ano ba ang nasa puso mo?"
"Na mahal kita."
Hindi niya masyadong maramdaman ang sinabi nito. Naalala kasi niya ang mga panahong binalewala
lang nito ang Friendster messages niya. Paano niya masasabing totoo ito sa sinasabi nito kung hindi ito
naging consistent?
"Bakit parang hindi ka naniniwala? Hindi ko lang masabi sa 'yo noon na dati pa, mahal na kita.
Kaya din mas pinili kong ikaw ang laging makasama. Dahil dati pa, ikaw na ang naisip kong gusto kong makasama
habambuhay."
Parang gusto niyang mapaiyak. "Kasi..." Namasa ang mga mata niya. "Maraming beses kitang pinadalhan ng Friendster messages.
Napakasimpleng bagay lang n'on pero ni isa ay wala kang naging reply." Parang gusto nang tumulo ng luha niya "Sabi ko, gusto kitang
ma-interview. Naandito ka na naman sa Pilipinas n'on sabi d'on sa  shoutout mo sa Friendster. Ilang beses kong sinabi sa 'yong gusto
ko nang maging civil tayo. Ilang beses kong sinabi sa 'yong sorry sa ginawa kong pakikipagkaibigan sa iba. Ilang beses kong ipinadala
ang number ko. Umasa akong kahit papa'no ay ite-text mo 'ko. Naghintay ako. Sinubukan kong magpadala ng e-mail sa 'yo
pero lahat, binalewala mo lang. Paano ako maniniwalang mahal mo talaga ako?"
"'Yun ba?" Umiling-iling ito. "I'm sorry about that. But I think, it's Michelle's fault, not me."
Michelle?
"N'ung girlfriend ko pa siya, hininga niya ang lahat ng password ng aking mga account sa net. Including
Friendster. I knew that he used to erase some of suspicious and I understand-- those that would make her
jealous. ipinagkatiwala ko kasi sa kaniya ang mga iyon dahil para sa 'kin, ang akin ay sa kaniya na din."
Habang nakikinig ay unti-unti na siyang napapahiya sa sarili. Pero sana ay maintindihan nitong
sinabi niya ang mga nasabi niya dahil isa iyon sa mga matagal nang nakabaon sa puso niya. Tinik sa puso niya.
At least, lumuwag ang pakiramdam niya, nalinaw iyon.
"Iyon din ang naging ugat ng paghihiwalay namin. I loved her but I couldn't take how he treated our relationship.
Na kulang ang tiwala niya sa 'kin. Just like Dad, he never trusted me before. Kaya din nag-aral akong mabuti sa America.
Nagpagawa ako ng malaking bahay. Pinalakihan ko ang bahay namin para ipakita sa Daddy ko na hindi ako 'yung Jeric na kilala niya. Na mataas
din ang aking pangarap. Na marami pa akong magagawa.
"Kung pagmamayabang man pero ang paggawa ng blog lang ang naging paraan ko para maiparating kay Daddy
ko ang mga pangarap--at accomplishments ko. Kaya kahit saan ako magpunta,inilalagay ko sa blog. And I felt
so happy when one time he called me telling me that he's happy of what I've been accoimplishing."
Napahiya siya sa sinabi nito. Kung maaalala niya ay isa siya sa mga hindi nagtiwala dito. Hindi siya
nagtiwala sa pakikipagkaibigan nito. Well, hindi niya rin masisisi ang sarili. Malalim ang dahilan noon.
Bilang tao, natural na magkaroon siya ng insecurities sa katawan. At na-insecure siya kay Carla at sa
pagnanais nitong maging kaibigan sina Michael. Nangamba siyang baka dahil sa mga iyon ay makalimutan o iwan
na siya nito.
Inabutan siya nito ng tissue. Nagtaka siya n'ong una pero nang mamalayan niyang umiiyak na pala siya,
kinuha na rin niya iyon.
May kinuha ito mula sa bulsa nito. Iniabot nito iyon sa kaniya. Kinuha niya iyon
Napaiyak ulit siya nang kunin mula dito ang isang stationary.
February 14, 1998
JERIC,
Marami na tayong tayong pinagdaanan. Marami na tayong pinagsamahan. Marami na ring mga masasayang
alaala, malulungkot din. Pero sana, kahit na anong mangyari ay hindi masira ang pagkakaibigan natin. Ikaw lang
ang best frie--.
Para hindi mapaiyak ay inihinto na niya ang pagbasa sa sulat na iyon na isinulat niya higit sampung
taon na ang nakakalipas.
"Itinago mo pa pala 'to. Ibinabalik mo? Bakit?"
"I don't want to be just your best friend, anymore." Mula sa bulsa nito ay kinuha nito ang isang mumunting kahon.
Kulay puti iyon.
Naandoon ba ang engagement ring? Magpopropose na ba ito?
Binuksan nito ang kahon at tumambad sa kaniya ang 2 carat na diamanteng nakalubog sa white gold.
Hinagilap nito ang isa niyang kamay, pinisil-pisil iyon habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Jhel..."
Wala siyang masabi. Masyado siya nitong binigla ng gabing iyon.
"W-Will you marry me?"
Matagal na niyang hinintay ang sandaling iyon kaya hindi na siya nagdalawang-isip na isagot ang, "yes."

"PUWEDE bang humingi ng good night kiss?" tanong nito sa kaniya nang nasa gate na sila ng bahay ng Tito't Tita
niya.
Nginitian niya lang ito, tanda na willing siya.
Lumapit ito at hinila ang baba niya. Napapikit siya.
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo sa anak ko?"
Napapitlag siya dahilan para mapamulat siya. Nilingon niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Ang tatay niya iyon.
"Sorry po dahil ginabi na kami," anito.
"Wala kang dapat ipaliwanag sa kaniya Jeric," aniya. "Sige, umuwi ka na."
"Lalaki," anang tatay niya. "Ayoko nang makikita ang mukha mo dito."
"Ano?" Nanlaki ang mga mata niya sa tatay niya. Sino ito para sabihin 'yon? At mukhang nakaporma ito.
Ang hitsura nito ay tila isang pulubing pinaliguan. Tama ba ang kutob niya? Na tinanggap na ito ng nanay niya?
Tiningnan siya ng tatay niya. "Huwag na huwag ko nang makikitang magkasama kayo."
"Ah... Tito--"
"Huwag mo 'kong tawaging Tito dahil hindi kita kamag-anak!"
"Gusto ko lang naman pong sabihing... m-mahal ko ho ang anak--"
Nagulat siya nang suntukin ng tatay niya sa pisngi si Jeric. Napakalas niyon, dahilan para mapagulong ito.
"Ang tigas ng ulo mo ah! Sinabi kong layuan mo na ang anak ko!"
Sa gulat at inis ay hinarap niya ang tatay niya.
"Ano ba ang problema mo?!" Nanginig ang luha niya dahil napaawa siya sa tatay niya. Ang suntok ng tatay
niya ay tulad ng suntok ni Pacquiao na nagpabagsak kay Hatton. "W-Wala naman sa 'yong ginagawa 'yung isa ah!"
"Pumasok ka dito." Talagang hindi niya maintindihan. Lalo pa nang hilahin siya nito papasok ng bahay.
Dinuro nito si Jeric. "Lumayo ka na!"
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" hiyaw niya sa tatay niya.
"Hindi mo kilala ang isang 'yon?"
"Hindi ko kilala?! Paano ko siya hindi makikilala? Best friend ko siya!" Dati.
"HIndi mo kilala ang pamilya niya! Ang tatay niya! Naiintindihan mo ba?"
"Hindi! Bakit? Ikaw ba? Kilala mo ba ang pamilya mo? Ang hindi ko kilala, ang tatay ko! Itatanong mo
sa 'kin kung sino ang best friend ko?" Nagbagsakan ang luha sa mga mata niya. "Siya lang naman ang sumama sa
'kin n'on na maglako ng mga gulay, ng mga candy! Siya din ang tumulong sa 'ming magtanim!
"Kung tatanong mo kung nanliligaw siya, hindi. Dahil sinagot ko na siya dahil sigurado akong mahal ko
siya! Siya lang ang nagpapasa--ya sa 'kin..." Napapiyok siya. "Kaya huwag n'yo namang ipagkait sa 'kin ang bagay
na 'yon."
"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo. Darating ang panahong pasasalamatan mo pa ako. Sabihin mo nang
napakasama ko pero hindi ako makakapayag na mapunta ka sa lalaking 'yon!"
Dahil sa inis--dahil hindi niya ito maintindihan, pinalis niya ang kamay nito. Pagpasok niya ay nakasalu-
bong niya ang nanay niya. Ang tingin nito sa kaniya ay tipong gusto nitong mag-sorry dahil tinanggap na ulit nito ang lalaki.
O gusto niyang pilitin niyang intindihin niya ang naging desisyon nito? Dahil siguro madalas sila noong magkasama--
kaya nagkakaintindihan na sila sa tingin lang.
"Bakit?" Iyon lang ang itinanong niya sa nanay niya. Tumaas na siya, nagkulong sa kuwarto.

NAGBABASA ng pocketbook si Angela, nanonood siya--or should she say nakikinig-- ng Only You na palabas sa TV
na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby.
Halu-halo na lahat sa isip niya. Ang binabasa niya, ang palabas sa TV at si Jeric.
Dalawang araw na niya itong hindi nakikita.
"Haaahhhh!"
Dahil sa sigaw na iyon ay naihagis niya ang pocketbook na binabasa. Agad siyang nagtatakbo pataas, papunta
sa kuwartong inilaan sa bahay na iyon sa nanay at tatay niya. Mukhang hindi na niya mapipigilan ang nanay niya para
mapaalis pa ang tatay niya. Mukhang masaya naman ang nanay niya kaya hindi na niya mapaghiwalay ang dalawa. Besides,
wala naman siyang dahilan para papaghiwalayin ang dalawa.
"Ano ba 'nay?"
Her mom ignored her. Nakakalat ang mga damit na mula sa aparador. Mayamaya ay may hinugot itong kahon mula
sa kama. Pinaghagisan din nito ang mga damit na naandoon.
"'Nay, ano ba ang nangyayari?"
"'Yung mga papeles--'yung kontrata natin, 'yung titulo ng lote, nawawala!" Lumuhod ito at sinilip ang ilalim
ng kama. Dumating ang tatay niya.
"Ano'ng kaguluhan ang nanguyayari?"
"Nawawala 'yung mga papeles."
"Ha?" tanong ng tatay niya. Pumasok ito.
Kasisilip ng nanay niya sa ilalim ng kama ay may nakita ito doon.
"Ano 'to?" Isang pitaka ang ipinakita ng nanay niya sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya. Paano mapupunta doon
ang pitaka ni Jeric? Kilala niya iyon dahil maraming beses niyang nakitang bumunot ng pera mula doon si Jeric.
"Kaninong pitaka 'to?" Binuksan ng nanay niya ang pitaka. Ang picture nila ni Jeric ang picture na una nilang nakita.
Pina-print nila iyon sa isang photo shop nang kunan sila ni Sam. Ang picture na iyon ay nang halikan siya nito.
"Hayup! Sinasabi ko na!" sabi ng tatay niya. "Tingnan mo!" Tiningnan siya ng tatay niya. "Ang hindi mo kasi alam,
ang kumpaniyang bumili sa lote natin ay ang pamilya nila! Ngayon, nawawala ang titulo! Ano ang ibig sabihin ng pitaka
niya dito?"
Parang alam niya ang gustong tumbukin ng tatay niya. Na si Jeric ang nagnakaw ng mga papeles. Pero hindi naman
yata iyon magagawa ni Jeric. Paano? Pumasok ito sa bahay nila? Nakagawa ito ng paraan na ma-duplicate ang susi ng bahay nila?
Kung anu-ano ang pumasok sa isip niya pero naisip niyang imposible iyon. Hindi yata iyon kayang gawain ng kaniyang boyfriend.
Ng lalaking gusto niyang mapangasawa. Kilala niya ang lalaki.
Umiling siya. "Hindi. Hindi gan'on si Jeric."
"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ng tatay niya nang hablutin mula sa nanay niya ang pitaka. "Kilalanin mo kung
sino ang may-ari niyan." Ibinigay nito sa kaniya ang pitaka. "Sa pagmamadaling manakaw ang mga papeles ay nahulog 'yan.
At 'yan ang kinakatakot kong mangyari kaya nang makita ko pa lang siya ay ayaw ko na siya sa 'yo. Minahal mo siya? Mahal ka niya?
Mahal n'yo ang isa't isa? Hindi mo lang inisip na baka gawain niya ito! Heka, hindi mo nga pala alam ang tungkol sa pamilya niya..."
Nagbagsakan ang luha mula sa mga mata niya. Parang hindi siya makapaniwala.
"Ginamit niya ang relasyon n'yo para manakaw ang papeles natin. At ikaw lang din ang makakakuha n'on sa kaniya."

HINDI naging madali para kay Angela ang araw na iyon kaya kinagabihan ay nagpunta agad siya sa bahay nina Jeric. Walang tao
sa bahay ng mga ito. Sinubukan niyang tawagan ito pero unattended ang cellphone nito.
Kinabukasan,kagigising pa lang niya nang magising siya dahil sa boses ng nanay niya. Nagmamadali siyang bumaba ng kama,
lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan.
"'Nay, relax lang kayo. Ano ba ang nangyayari? Sino ba ang kausap n'yo?" sabay-sabay na tanong niya sa nanay niyang nagpunta sa
kusina. Siguro ay para uminom ng tubig dahil hindi kinakaya ang pakikipagtalo sa mga taong nasa labas ng bahay.
"Ma'm,kausapin n'yo muna kami! Para makapagpaliwanag kami!" boses ng lalaki ang narinig niya.
"Sino ba 'yung mga 'yon?"
"Tarantadong Jeric na lalaking 'yon!"
"Sino ba sila?"
"Sila ang abogado ng kumpaniya nina Jeric. Hawak nila ang mga papeles natin. Paano mapupunta sa kanila ang mga papeles?
Tama ang tatay niya. Ninakaw nga ng Jeric na 'yon ang mga papeles natin! Paanong mapupunta sa kanila ang mga papeles kundi
dahil sa impaktong Jeric na 'yon!"
"Huh?"
"Impaktong Jeric 'yon! Pupuntahan ko talaga siya't ipapakulong ko siya! At gagawa ako ng paraan para ilubog ang kumpaniya
nila. Marami akong naipon at kaya ko silang ihabla sa korte!"
"'Nay, maghinay -hinay muna kayo."
Dahil sa galit ay nakita niya ang nanay niyang kumuha ng kutsilyo. Nagmamadali itong lumabas. Sinundan niya ang nanay niya.
"Magsilayas kayo!" Ipinangtakot ng nanay niya ang kutsilyo sa lalaking nakabihis-abogado. Ang isa ay nakauniporme din, siguro
ay kanang kamay ng abogado. "Ibalik n'yo sa 'kin 'yang mga papeles-- o papatayin ko kayo kapag hindi kayo lumayas!
"Nay..."Saway niya sa nanay niya dahil may ilang tao nang nanonood sa kanila. Dahil marahil sa takot ay sumakay na ang dalawa
sa kotse.
"Luuuhhmayas kayooo! Ihahabla ko kayong pare-parehooo!!!"
Humagibis ang kotseng sinasakyan ng dalawa.
Napaupo ang nanay niya sa upuang nakasandal sa dingding sa labas nila.
Jeric... Ikaw ba talagang gumawa nito? Napaluha siya.

"KAIBIGAN! Ka-i-bi-gan mo lang ako! And I'm so stupid of falling in love with my best friend!"
Napaiyak si Angela habang nanonood. Himas-himas niya ang engagement ring na bigay ni Jeric. Ang paborito niyang pelikulang iyon
ang palabas sa bus na nasakyan niya. Papunta  siya sa Maynila para magpunta sa bahay ng tatay ni Jeric. Hindi niya alam ang bahay ng tatay ni Jeric pero alam niya ang kumpaniyang
pag-aari ng mga ito. Nadala na siya doon ni Jeric minsan.
Doon siya pupunta. Matapos ng tatlong oras na biyahe ay nakarating din siya. Mas mabuti nang sa bibig ni Jeric manggaling ang
lahat dahil alam niyang hindi iyon magagawa ni Jeric.
"Excuse me," aniya sa receptionist makapasok ng building.
"Ahm... Ano pong kailangan nila?"
"Puwede ko bang makausap si Jeric?"
"Ah..." Ngumiti itong parang nakilala siya. "Kayo po ba 'yung girlfriend ni Sir? Nasa third floor po siya, sa opisina po nung
lawyer. Makikita n'yo naman po sa pinto..." Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Ang ngiti nito ay hindi na niya pinagtuunan ng
panahon o kung paano nito nalaman ang tungkol sa relasyon nila. Posibleng naikuwento siya dito ni Jeric one time.
"Sige, thank you."
Nagmamadali siyang sumakay ng elevator. Pagpasok ay nakaramdam siya ng pagkainip. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din
siya sa nais puntahan.

"AAKALAIN ba nating magiging ganitong kadaling mapapasa atin ang pangarap natin?" anang Daddy ni Jeric.
Lumagok si Jeric ng isa. Lasing na siya. Kainuman niya ang Daddy niya at ang abogado ng kumpaniya.
"So, agad na pumayag ang Banco de Oro sa alok natin. Maisasalba na natin ang kumpaniya sa sunud-sunod na deficit dahil nangako
ang BDO na pauutangin tayo once na magkapirmahan na ng kontrata."
"Anak, dapat, humanga ka din sa 'kin dahil matatayo na ang matagal na nating pangarap. Magkakaroon na ng recreational center,
sports and shopping mall. Magiging beauty and wellness capital of Cavite na ang Sabutan.Salamat naman at napasa'tin ang mga papeles
na ito!"
"Napasa atin ang papeles ng mga Pasangaw." Nakipag-toss siya ng baso sa dalawang kainuman. Niluwangan niya ang ngiti.
May naramdaman siya sa may pintuan. Tiningnan niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Angela iyon.
Saglit sila nitong nagkatinginan. Nagmamadali itong nagtatakbo.
"Sino 'yon?" Hindi na niya pinansin ang tanong ng Daddy niya. Nagtatakbo siya. Bago pa niya ito mahabol ay nakasakay na ito ng
elevator. Dapat ay maipaliwanag niya dito nang maayos ang lahat. Kundi, talagang malaking problema.
Sinubukan niyang pindutin ang button para magbukas ulit ang elevator pero hindi. Nakita niya ang ilaw na nag-indicate na pababa
na ang elevator.
Nagmamadali siyang nagtatakbo sa may hagdanan. Dalangin niya ay mahabol pa niya ito.
Makababa sa ground floor ay hihingal hingal siya. Pero hindi na iyon mahalaga. Nagtatakbo siya palabas dahil tantiya niya ay
nakalabas na si Angela. Medyo malayo na ito nang matanaw niya. Nagmamadali siyang nagtatakbo para mahabol ito.
Agad niya itong hinawakan sa braso para mapigil ito sa patuloy na paglakad.
"Hayaan mo muna akong magpaliwanag." Hinila niya ito at hinawakan sa magkabilang braso para maiharap niya ito sa kaniya.
"A-Ano pa ba ang gusto mong ipaliwanag? Malinaw sa 'kin ang lahat! Hindi ako, hindi ako bobo para hindi 'yon maintindihan!"
Nagbabagsakan ang masaganang luha mula sa mga mata nito. Pulang-pula ang mga mata nito. Pinipilit nitong huwag mapaiyak pero hindi nito
iyon magawa. Gusto niyang na itong magpaliwanag dahil hindi lang nito naiintindihan ang mga nangyayari.
Pero mukhang may gusto itong sabihin. Marami. Tila marami itong sama ng loob."Oo, dati, ako ang naging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan natin! Nangako ako sa 'yong magiging magkaibigan tayo forever.
Ako pa nga ang nagbigay sa 'yo ng sulat. Sabi ko sa sulat, hindi sana masira ang pagkakaibigan natin. Ginawa ko lang namang makipagkaibigan kina
Michael dahil noon, unti-unti na akong nai-in love sa 'yo. Tapos, wala kang ibang binabanggit kundi si Carla. Oo, aaminin ko. Nagselos ako n'on... That
time, nag-isip ako ng mga plano kung paano siya ilalayo sa 'yo. Nakaibigan ko sina Michael. At pinagselos kita para malaman ko kung may
nararamdaman ka din sa 'kin." Nakaramdam siya ng matinding simpatiya. So, noong mga panahon palang akala niya
ay iniwan siya nito sa ere nang makakita lang ng mas guwapo sa kaniya, ay hindi pala 'yon totoo. "Alam kong nagalit ka n'on sa 'kin dahil parang binalewala ko ang pagkakaibigan natin. Pero ang totoo..." Bahagya pang napataas
ang boses nito sa huling sinabi. "Ang totoo, ayaw lang kitang mawala sa 'kin. Akala ko, maganda ang naisip kong plano. Dahil natakot akong kapag nakakilala
mo na si Carla, naging kaibigan mo na sina Michael, makalimutan mo na ako!"
"N-Nasisi ako kaya lumapit agad ako sa 'yo... matapos ng championship n'yo. Napahiya ako sa mommy mo kaya hindi kita nakausap nang ayos!
Hiyang-hiya ako sa mommy mo dahil naging napakabait niya sa 'kin! Kinausap kita dahil ayaw kong dumating sa puntong masira nang tuluyan ang pagkaka-
ibigan natin! Tapos, nabalitaan ko na lang na umalis ka! Alam mo ba kung gaano kasakit na umalis ang best friend mo na walang paa-
paalam? Pero tinanggap ko 'yon dahil alam kong may kasalanan pa 'ko sa 'yo!

HABANG nakatingin sa pagmumukha ni Jeric ay isang demonyo ang nakikita ni Cherry.
She thought he's the worst guy in the world. Kahit pa sabihing may nagawa siya pagkakamali dati,
napakakitid naman ng isip nito para gumanti sa kaniya nang gan'ong katindi.
Napakasakit pa lang magmahal ng lalaking hindi ka naman pala minahal. Mas masakit pa, naniwala siyang mahal siya nito.
Gayunpaman, idadaretso niya ang pagsaasbi dito ng nasa puso niya.
Kahit pa ganoon ang ginawa nito sa kaniya, kukunsensiyahin niya ito.
Sasabihin niya rito kung gaano niya ito minahal noon.
"Nung umalis ka, ikaw lang ang nasa isip ko! Hindi ka nawala sa isip ko. Nagsulat ako nang nagsulat ng mga kuwento. Pero sa bawat
eksena, sa bawat kuwento, ikaw ang naiisip ko. Tayong dalawa. Masaya, malungkot, basta tayo lang dalawa. N'ung dumating ka ulit sa buhay ko,
napakasaya ko. Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos. Dahil alam Niyang ikaw lagi'ng pinagdarasal ko sa Kaniya! N'ung maglapit ang mga mundo
natin, lalo akong sumaya, oo. Nung magtapat ka sa 'kin na mahal mo rin ako, hindi ako makapaniwala." Saglit siyang napahagulgol. "Tapos, heto
pala ang kapalit? Na lolokohin mo lang ako? Kung may isang kasalanan lang akong nagawa sa 'yo, 'yun ay minahal kita. I selfishly loved you. Oo.
Sorry dahil mali noon ang pananaw ko sa pagmamahal. Pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit makalipas ng mahigit sampung taon, parang
lumabas na napakasama ko pa ring tao para hindi mo ako mapatawad.
"At sana,hindi mo'ko pinaniwalang kaya mo 'kong mahalin para hindi ako naniwalang kaya kitang
mahalin. Nabuhay ako sa loob ng mahigit sampung taon nang wala ka. Kahit malungkot, kinaya ko. Pero hindi mo dapat ako ginago nang
ganito. Minahal kita nang buung-buo kahit na sa isip ko lang. 'Yon lang ang gusto kong
mong maalala mo, kung mawala na ako sa paningin mo!" Dalangin niya, sana ay ma-konsensiya ito sa sinabi niya.
"Puwede bang makinig ka muna?"
Naalala niya ang singsing na bigay nito. Hinugot niya iyon mula sa palasinsingan. Ibinato niya iyon dito.
"Kung ginawa mo 'to para maghiganti,para saktan ako dahil nasaktan kita dati nang iwan kita, nang makipagkaibigan ako sa iba, nang
papagselosin kita, I congratulate you. Ang galing mo. Nasaktan mo talaga ako."
"Hayaan--"
"Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan mo!"
Nagtatakbo siya sa pinarang taxi. Agad niyang isinara ang pinto n'on. Kita niyang kinalampag-kalampag pa ni Jeric ang bintana ng
sasakyan pero hindi niya ito pinansin.
"M-Ma... Sa Quezon po..."
"Eh, malaki pong babayara--"
"Kahit magkano basta ilayo mo lang ako dito. Patakbuhin n'yo na po. Bilis!"
sa gilid ng mga mata niya ay kita niyang panay ang pagkalampag nito sa bintana kahit pa gumagalaw na ang sasakyan.
Ano pa ba ang gusto nitong ipaliwanag? Sapat na ang nakita't narinig niya. At ang natuklasan niya.
Isa lang ang napatunayan niya.
Na tanga siya.

No comments:

Post a Comment