Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 3)

Chapter Three

"ATE, para kang tanga."
    Delilah shook her head. "Ano?" tanong niya sa kapatid niya.
    "Tanga? Ano ba ang problema sa panonood ng TV?" Nanonood siya ng Tayong Dalawa nina Kim Chu at Gerald Anderso.
    "Ano ka ba? Nag-iiyakan 'yang nasa TV tapos ngingiti-ngiti ka?"
    Nyack! Oo nga. Bakit nga ba?
    "In love ka ba?"
    "Hindi. Kasi, naalala mo 'yung bigay ni Lola na orasan?"
    "'Yung bulok? O ano ang meron sa orasan? Na-in love sa orasan. Hindi naman kailangan na kitang i-bartolina? O dalhin sa mental?"
    "Batuhin kaya kita nito sa nguso?" Ang antigong ashtray ng lolo niya ang hinawakan niya. Yari ang hugis-kamay na ashtray sa narra.
    "Joke lang naman ate. Ano ba ang nangyari?"
    "Kasi, itatapon ko na sana sa may tulay 'yung orasan..."
    Umiling-iling ito. Siguro ay iniisip na nasisiraan na nga siya ng bait.
    "Paano ka napadpad pa sa may tulay para lang sa pagtatapon ng orasan."
    "Alam mo, andami mong interruptions. Napadpad ako doon dahil humiling ako sa orasan na bigyan ako ng boyfriend. Malay ko ba kung habang naghahanap ako eh, biglang may mahulog na nagpa-parachute mula sa kalangitan."
    Umiling ulit ito. Naisip marahil na Ms. Impossible ang takbo ng isip niya.
    "Ano? Puwede na ba akong  magpatuloy?"
    "Sige." Mukhang ang hitsura nito ay handa siyang pakinggan dahil parang katawa-tawa para dito ang mga sinasabi niya.
    "Huwag na. Huwag na lang akong magkuwento."
    "Ate. Kapag hindi ka nagkuwento, paano ko malalaman ang nginingiti-ngiti mo? Iisipin kong nababaliw na ang ate ko."
    "To makeit shorter, nahulog si orasan, may nakasagasa sa orasan, durog."
    "Tapos?"
    "May bumaba mula sa truck na guwapo. He's really very handsome...!!!" patili niyang sabi. "Tapos, siyempre, sa talino ko, sinabi ko sa kaniya na bayaran niya 'yung orasan dahil antique 'yon."
    "Magkano mo siningil?"
    "Sabi ko, bayaran niya na lang ang tuition fee mo."
    "Ginawa mo 'yon ate? Hindi ka nahiya?"
    "Nahiya ako pero kasi, nakapagsinungaling n ako kaya pinangatawanan ko lang. At saka, naisip ko, malay ko ba... SIya na pala ang hinahanap kong boyfriend."
    "Alam mo ate? Tulad nung orasan, maluwag na yata ang turnilyo sa utak mo!"
    "Ano? Baka gusto mong huwag kitang bigyan ng baon?"
    "Ay ate naman..." Lumapit pa ito sa kaniya. Tumabi at hinamas-himas ang buhok niya. "Ate, bakit ka kaya hindi mag-atista? Or, model? Naku, walang tatanggi sa 'yo. Sa ganda mong 'yan!"
    Binatukan niya ito. "Sige pa! Utuin mo pa ako!"
    "Ikaw naman ate. Hindi na mabiro!"
   
BUMUNTUNG-HININGA si Delilah. Kung hindi niya lang gustong panindigan ang ginawa, isasauli niya ang isanlibong ibinigay ni Ramon.
    Ayun pa ang isa pang gusto niyang ikahiya. Ang papunta sa kumpaniya ng mga ito para humingi ng pan-tuition ng kapatid niya.
    Nasa kalye siya at mula sa labas ay tanaw niyang bukas ang gate ng kumpaniya. Isang sikat na brand ng gatas ang isinasakay sa truck na kung matatandaan niya ay siyang ginamit ni Ramon. Ang truck na ito din ang dumurog sa orasan.
    "Huwag na lang," aniya sa sarili nang ma-guilty. Sabihin nang nasagasaan nito ang orasan. Pero maliit na bagay lang naman iyon. Nanindigan siya sa kasinungalingan niya kaya nakarating siya sa harap ng kumpaniya nito. Pero gusto din niyang manindigang mali ang manghuthot.
    She turned back. Tumawid siya sa kabilang kalye para doon maghintay ng jeep. Naglakad-lakad pa siya para naman hindi siya nito makita kung sakaling lumabas ito sa kumpaniya.
    Isang pulang Innova ang tumigil sa harapan niya.
    Noong una ay hindi niya iyon pinansin dahil mas focus ng isip niya ay makasakay ng jeep. Nang bumaba ang bintana at makilalang si Ramon ang sakay noon ay saka siya nag-umpisang makaramdam ng kilig--at hiya.
    "Sa'n punta mo?"
    "Ah... Pasakay na. Pauwi."   
    "Bakit ka uuwi?'Di ba may usapan pa tayo. Or nakausap mo na 'yung secretary ko? Sabi ko, iabot na ang sa 'yo 'yung cheke if ever pumunta ka't wala ako."
    "Ah... Kasi... Nahiya na ako..."
    "No. Bakit ka mahihiya? Sakay na."
    Tingin pa lang nito ay convinced na siya. Kaya siya napilitang sumakay sa sasakyan nito.
    "Saan mo gustong magpunta? Sa loob? Or somewhere?" Ang tinutukoy nito ay sa loob ng opisina.
    "Sa loob na lang. Maabala ko pa ang trabaho mo."
    "No. Just okay. Sa totoo lang, nagpunta ako dito para lang makausap ka. Naayos ko na kagabi ang mga dapat kong tapusin. Gusto ko rin kasing mag-relax."
    Sumakay na siya.
    Pinaandar nito ang sasakyan. "Isang buwan na din kasi akong nagpe-prepare para sa pagpasok ko sa kumpaniya. Ngayon lang ako nakaramdam ng stress. So, kung gusto mo, kumain tayo sa labas. Saan mo ba gusto?"
    "Ewan ko sa 'yo.I've told. Nahihiya na nga ako."
    "Bakit ka mahihiya? May nagawa ka bang masama?"
    "Oo." Naisip niyang mas mabuti nang ibalik dito ang kinuha niyang isanlibo. Kaysa magsinungaling.
    Kinuha niya ang pitaka at hinugot doon ang isanlibo.
    "Kunin mo."
    "Ano 'yan?"
    "'Yung one thousand mo."
    "Bakit mo binabalik?"
    "Eh, hindi naman kasi totoong isusubasta ko'yung orasan. Bulok na talaga 'yon."
    Napangiti itong sa interpretasyon niya ay alam na nito iyon bago pa niya sabihin. Or siguro, alam na nito iyon pero hindi lang ito nakipagtalo sa kaniya.
    "So, hindi mo kailangang bayaran 'yung tuition fee ng kapatid ko."
    "Gan'on ba? Pero kung kailangan  mo, I can help you."
    "Ano naman ang kapalit?"
    "Wala."
    "Hindi na uso ang tulong for free ngayong mga panahong 'yon. Ayokong singilin mo ko pagdating  ng araw."
    "Believe me. If I extend my help, that's purely help. No more, no less."
    "HIndi ako naniniwala. Let's be practical."
    "Eh 'di sige. Kung ayaw mong maniwala. Ganito na lang. Puwede bang m-makipagkaibigan?"
    Nahimigan niyang medyo nabawasan ang diretso nitong pagsasalita nang sabihin ang katagang 'kaibigan.
    "Okay lang. Pero linawin mo sa girlfriend mo dahil hindi lang talaga ako suplada. I mean, kahit sino puwede kong maging kaibigan. Friendly din kasi ako. Pero kapag sinugod ako ng girlfriend mo, hindi ako mangangali-mangaling gumanti sa kaniya."
    Nakita na lang niyang tumatawa ito.
    "Ano'ng nakakatawa?"
    "Ura-urada ka kasing  magsalita. Bakit hindi mo muna sa 'kin tinanong kung  may girlfriend na ba ako."
    "Ah yeah..." Ang ipinakita niya ditong facial expression ay animo sa napahiya. "Sorry. Matanong ko lang. May girlfriend ka na ba?"
    Umiling ito. "Wala."
    "Ah, gan'on ba? Sige. Ako na lang ang girlfriend mo." Naalala niya ang pangako niya sa sariling hindi na magpapaka-cheap. Na parang easy to get. "Girlfriend as in kaibigang babae. Baka kung ano ang isipin mo."
    Natawa ulit ito. "Bakit? Bakit parang allaergic kang makipag-relasyon?"
    "Bakit? May problema ba d'on?"
    "Wala naman pero sa attitude mo, parang meron."
    "Ano?"
    "Parangang allergic ka sa boys."
    "Haynaku! Huwag ka na ngang magtanung nang magtanong ng tungkol sa personal kong buhay. Hindi naman ako si Ernie Baron."
    Napatawa ito. "Komedyante ka pala."
    "Komedyante?Nagpapatawa ako? So far, wala pa akong natatandaang nag-joke ako. May nakakatawa na?"
    "Paano napadpad si Ernie Baron sa usapan? Patay na 'yung tao..."
    "Hindi ko na problema kung mababaw ang kaligayahan mo."
    Katahimikan. Napansin niya lang na parang at ease siyang kasama ito.
    "Gala tayo."
    "Gala eh ni hindi pa nga kita kilala. Paano kung itanan mo na lang ako.May pinapag-aral pa 'ko dude."
    Natawa ulit ito. "Cool ka din eh, 'no? Simple pero rock."
    Siguro nga ay hindi niya lang napapansin na weird ang mga sinasabi niya rito. Matagal na niyang kasa-kasama ang sarili niya kaya hindi na siya naninibago sa kaniyang sarili, sa kaniyang pagkatao.
    "Ano? Ayaw mong lumabas kasama ko?"
    "Kasi nga, hindi pa tayo magkakilala."
    "Kaya nga tayo lalabas. Para magkakilala muna. Tama ba ako?"
    "Ano naman ang sasabihin mo?" Parang ayaw na niya itong makakilala? Paano kung bigla na lang mahulog ang loob niya rito. Malakas ang charm nito. Paano kung lokohin lang din siya nito?
    "Malalaan mo kung sasama ka sa 'kin. Ano ba ang trip mo? Restaurant? Movie house? What?"
    "Naku. Kahit doon mo lang ako dalhin, okay na ko." Ang tinutukoy niya ang ang halera ng mga tindero't tindera. Street foodcourt ang tawag niya doon.
    Halera iyon ng magpi-fishball, magki-kwek-kwek, mag-iinihaw, etc.
    "Talaga?"
    "'Yan nga lang ang trip ko--ano ang nginingiti-ngiti mo diyan?"
    "Wala. Naisip ko lang na siguro, kuripot ka?"
    "Paano mo nalaman?" Totoo, kuripot siya.
    "Kasi, ang mga kuripot, gustong makatipid. So, they end up going to these kinds of eatables."
    "Okay, may punto ka. Isa pa, masarap ang pagkaing ganiyan." Ipinarada nito sa tapat ng foodcourt ang kotse nito. Bumaba siya. Bumaba din ito.
   
"TALAGA? Haynaku! Mahilig din ako sa Funny Komiks. Idol ko nga si Eknok."
    "Eh horror komiks, gusto mo?" tanong pa nito sa kaniya. Kagagala nila ay nakarating na sila sa Picnic Grove, Tagaytay. Naglalakad sila papuntang view deck.
    "Hindi. Hindi sa natatakot kundi hindi ako natatakot sa mga horror komiks. Sabi kasi ng tatay ko, gawa-gawaan lang daw 'yon kahit pa nga kuwento lang 'yon. So, kapag nakakahawak ako ng horror komiks, iyon ang naiisip ko. Ikaw?"
    "Gustung-gusto ko. Dati n'ung bata pa ako, paniwalang-paniwala ako sa mga horror komiks. Natatandaan ko pang lagi kong itinataas sa sofa ang paa ko dahil naiisip kong baka may halimaw na bigla na lang humila sa 'kin."
    "Napaka-active pala ng imagination mo," she commented. "Aside from reading, ano pa ang gusto mo?"
    "Eating. Sleeping. Minsan, nag-i-scuba diving ako."
    "Scuba diving? Pareho kayo ng friend ko. Siguro, dapat magsama kayo."
    "Pangarap ko ring makapag-scuba diving kasama ang babaeng pinapangaap kong mapangasawa."
    "Palagay ko, na-meet mo na siya. Maribel Agustin. Pamilyar ba sa 'yo ang name niya?"
    Umiling ito. "Maraming grupo ng mga scuba divers sa Pilipinas."
    "Sabagay."
    "Sama ka minsan."
    "Matagal na 'kong isinasama ng kaibigan ko pero ayoko. Wala akong interes sa mga gan'on. Mahina kasi ang katawan ko. I mean, sa biyahe pa lang, madali na akong mapagod."
    "Bakit? Ano ba ang mga interes mo?"
    "Reading. Writing. Drawing."
    "Ano'ng sinusulat mo?"   
    "Mga tula. Essay. At saka, Diary. Minsan, naggagawa din ako ng mga kuwentong pambata."
    "Sige nga. Kuwentuhan mo nga ako. Kuwentuhan mo nga ako ng tungkol sa mga gawa mo."
    "Meron akong nagawang talagang gusto ko. Baka nga lang mapagod ka sa haba, kahit pa nga short story lang 'yon."
    "May short story bang mahaba?"
    "Meron, 'yung gawa ko."
    Napatawa ito. "Kakaiba ka talaga."
    "Mahaba as in isang oras mong ikukuwento?"
    "Alam mo, huwag na. Pambata lang 'yung kuwento kong 'yon."
    "Sige. Makikinig ako."
    Tumaas sila sa view deck. "Mamaya na. I-enjoy muna natin ang tanawin--ang ganda dito."
    Mainit pero malamig pagmasdan ang Taal Volcano.
    "Upo tayo. Gusto ko talagang pakinggan ang kuwento mo."
    "Bata ka ba?"
    "Alam mo, bilib lang ako sa mga gumagawa ng kuwento. So, titingnan ko kung maganda ang kuwento mo. Kapag nagustuhan ko, ipa-publish ako. Malay mo, pa-compile ko sa 'yo ang mga gawa mo, tapos, i-publish ko."
    "Publisher ka ba?"
    "Magiging publisher ako dahil sa 'yo."
    "Okay. Summary lang dahil mahaba."
    "Kahit mahaba, papakinggan ko."
    Naupo siya sa upuang yari sa bato. Hindi iyon actually upuan. Semento iyon na pa-square na anggitna ay may lupa para maitayo ang haligi ng kahoy na hindi niya alam kung para saan. Design siguro sa view deck na iyon. Or tinangka sigurong magtanim ng halaman doon pero ang problema
ay hindi nabuhay ang itinanim. Gapangan siguro iyon sana ng halaman.
    "Tungkol kay Kawayan ang kuwento ko."
    "Kawayan?" Naramdaman niyang idinikit nito ang katawan. Ang porma ng upo nito ay upo ng isang lalaking nagbabaak mang-akbay.
    "Isipin mo na lang na may mga anaconda na mukhang kawayan. Sila ang bida sa istorya ko."
    "What happened?"
    "May isang bata. His name was Daniel. Habang nagtatagu-taguan sila ng kaibigan niyang si James ay nakakita napaupo siya sa nakatumbang kawayan. But to his surprise, he just saw the bamboo turned into snake. A cute and friendly looking snake."
    Naramdaman niyang umakbay ito sa kaniya. Mayamaya pa, kapag naramdaman niyang 'sitting pretty' na ang kamay nito ay bibigkasan niya ito.
    "Then?"
    "He ran away. Natakot siya. Pero bago pa siya makalayo, hinarangan na siya ng snake. Na parang gustong sabihin sa kaniya, huwag siyang matakot."
    "Tapos?"
    "Hinimatay ang bata sa takot. When he woke up, lalo siyang natakot nang makakita ng mas marami pang anaconda. Na mukhang mga kawayan. Nagulat pa siya dahil akala niya ay kakainin na siya ng isa pero hinalikan lang pala siya niyon. Nagtaka siya kung bakit siya nito binigyan ng pulang batong kumikinang."
    Ramdam niyang mas humigpit pa ang akbay nito.
    "Sinabi niya kay James ang lahat. N'ung una, hindi siya naniwala. Tapos, nagpakita din si Kawayan kay James. Dahil gipit ang pamilya niJames ay ikinuwento ni James sa tatay ang tungkol sa mga ahas. Then, nakarating sa national TV ang mga pangayayari. Si James ang nagturo sa bahay ng mga ahas na nasa gitna ng kawayanan. Dumating ang mga scientist na siyang humuli sa ahas. Dinala si Kawayan sa zoo. Yumaman sina James. Pero nagkaroon ng malubhang karamdaman ang tatay ni James. Then Daniel said, baka ang tatay ni James kasi ang nagsabi ng tungkol sa mga ahas sa media. James' father was dying. Humingi ng tulong si Daniel. Naalala ni Daniel ang pulang batong ibinigay ni Kawayan sa kaniya. Sinubukan niyang ipangpagaling iyon sa tatay niya. Luckily, nagamot."
    "Ano'ng nangyari kay Kawayan?"
    "That night, pinagtulungan nina Daniel na sirain ang kulungan nina Kawayan. Hindi nila mabuksan. Sa pagkagulat ni Daniel sa sumigaw na guward ay naitapat niya sa guard ang bato. Natuklasan ni Daniel na kaya palang ipangbaril ang bato. So, iyon ang ginamit niyang panira sa kulungan nina Kawayan. Kaya nakatakas ang mababait na mga ahas."
    "Bravo, I really love story tellers!" anito habang akbay-akbay siya. Hinigpitan pa nito ang pag-akbay to the point na halos yapus-yapos na siya nito.
    Isang siko ang ibinigay niya rito.
    "Aray! Pinupuri ko lang naman ang istorya mo ah!"
    "You're taking advantage of me!"
    "No. I must admit natuwa ako sa 'yo. Pero hindi ibig sabihin n'on chinachansingan na kita."
    "I felt something hard there!" Itinuro  niya ang ibaba nito.
    "Naiihi lang ako."
    Feeling niya ay nagsisinungaling ito. Siguro, attracted ito sa kaniya. Sa sex appeal niya.
    At habang yapus-yapos siya nito ay iba na ang naglalaro sa isip nito!
    "Go! Go to bathroom!"
    Tumayo ito. Habang palayo ito, naisip niyang masaya itong kasama. May pagka-naughty ang personality nito. Nararamdaman niya. Pero naisip niyang ganoon yata ang tipo niya. Na ayaw niya sa sobrang maginoo dahil nakakabato. Ito, maginoong medyo bastos. Siguro.

No comments:

Post a Comment