Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 6)

Chapter Six

"Pasok."
"Flowers for you."
Inabot ni Delilah ang rosas na iniaabot ni Ramon. Nakakakilig sana ang taong m-in-agic ng orasan para mapadpad sa bahay nila. Guwapo, mayaman, mabait. Pero babaero?
Wala naman sigurong masama kung entertain-in niya ito. Hindi naman komo nagdala ito ng bulaklak sa kanila ay gusto na nitong manligaw. Posible din na gusto lang nitong makipagkaibigan. Puwede rin namang naghahanap lang ito ng seseryosohin sa buhay.
Hindi niya alam. Hahayaan na lang niya ang kapalaran na mag-decide. Napapagod na rin kasi siyang mangarap.
"Have a seat."
Hahayaan niya itong manligaw. Pero lilinawin muna niya rito ang lahat.
"What's these flowers for?"
"FOr you."
"Bakit nga? May sakit ba ako? Nanay mo ba ako? May okasyon ba ngayon? Birthday ko ba?"
Natawa ito. "Sabihin na lang nating gusto kitang makilala."
"Alam mo, masama sa isang lalaki ang babaero. I mean, 'yung pinagsasabay-sabay..."
Natawa ito "Ano'ng pinagsasabay-sabay? Lilinawn ko lang na wala ako ngayong nililigawan. Or dine-date. Meron ba?" Nag-isip ito. "Wala. As far as I know. I'm single. And you are?"
"Single. Pero I'm not available." Pakipot niya. Mahirap nang magpadaskul-daskol. Humiling siya sa orasan. At problema na ng orasan kung paano sila gagawing nag-iibigan sa kabila ng kaniyang magiging attitude dito.
"Single but not available? Parang malabo yata 'yun..."
"Coffee? Drinks?"
"Coffee na lang. Giniginaw kasi ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-uuulan eh, summer."
Nagtungo siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Sinamahan na rin niya iyon ng dalawang nilagang saging. Niluto niya iyon kaninang umaga.
"Sino'ng kasama mo dito?" tanong nito makabalik niya. Matapos niyang ipatong sa center table ang kape nito.
Naupo siya. "Kapatid ko. Ewan ko kung nasaan nga 'yung mokong na 'yun. Prelim na raw  nila tapos laru pa nang laro."
"Gan'an ata ang matatalino. Kapag oras na ng exam, naglalaro pa. Matalino ba siya?"
"Ahm... Oo. Consistent Dean's Lister--kain ka niyang saging. Nilaga ko 'yan kaninang umaga. Pasensiya na. Wala pa akong pambili ng masarap na merienda. Hindi pa suwelo."
"Walang problema. Matagal ko na ngang gustong kumain nito eh."
Binuksan at kinain nito ang isang saba.
"Ano naman ang sumagi sa isip mo at nagpunta ka dito?"
"Manliligaw nga. Totoo," anito dahil siguro sa hitsura niyang tila ayaw maniwala.
Nasa hitsura naman nito ang aakyat ng ligaw. Polo shirt, jeans. Naka-tuck in sa jeans nito ang polo. Rubber shoes. Nakita pa niya ang check niyon. Sa palagay niya ay mamahalin ang sapatos na iyon.
Naamoy din niya ang pabango nito. Parang ansarap singhutin niyon.
"Haynaku... Bakit hindi ka man lang nag-text?" Nakapaligo na siya. Pero kung alam niya iyon, sana ay nagpatalon siya. Sa ikli ng suot niya ay halos makita na ang kaniyang singit. Ang suot niyang t-shirt ay t-shirt ng tiyuhin niyang mataba. Hiningi niya iyon dahil gusto niya minsan ang nag-e-eksperimento sa damit. Gamit ang gunting ay nilakihan pa niya ang butas na sinusuutan ng ulo. Tuloy, ang butas niyon ay sapat para iluwa ang kalahati ng kaniyang boobs. May bra siya pero base sa napansin niyang tingin nito dito, parang halos mahubaran siya.
"Nahulog sa bathtub ang cellphone ko kaninang umaga."
"Gan'on?"
"Yeah. And I'd love to see how you look like kapag nasa bahay ka lang."
"HEto. Ganito. Gusto ko 'tog ganitong get up dahil presko."
"And sexy."
Malamig ang pagkakasabi nito huling tinuran nito.
"I mean, bagay sa 'yo."
"Dati, ganito ang damit ko kahit lumalabas. Pero ang tingin sa 'kin ng iba, nang-aakit lang ako kaya bumili ako ng jeans at simpleng blouse, t-shirt, polo..."
Lumagok ito ng kape, kumain ng saging. "Ikaw?"
"Sige. Busog ako."
"Ano'ng ginagawa mo bago ako dumating?"
"Nagwi-wish--este, nagpapahinga..."
"Nagpapahinga? Bakit? Marami  bang trabaho?"
"Hindi naman. Nakaupo nga lang ako sa school. Minsan, I just feel restless."
"I think, you need some rest. Sama ka sa 'min. Scuba diving tayo?"
"Hindi ko talaga type 'yang ganiyan. Ayoko.Boring para sa 'kin."
"Eh, ano ang hindi boring para sa 'yo?"
"Mas gusto ko pa ang mga board games. Chess, scrabble and the likes."
"Really? May chess board ka diyan? Maglalaro tayo?"
"Scrabble lang naandito."
"Mag-scrabble tayo."
"Mahabang laruin 'yon. Aabutin ka pa dito ng lunch. Wala talaga akong ipapakain sa 'yo, inaamin ko na."
Natawa ito. "Nakain ako ng Lucky Me. Or kahit sardinas."
"Mangungutang nga lang ako ng menudo diyan sa kanto. Lutong ulam."
"You mean, kabawasan ako sa ulam? Why don't we just go out later? My treat?"
"Mahihiya lang ako sa 'yo."
Nag-isip ito. "Kung gan'on... May gas kayo diyan?"
"Meron naman."
"May luto na lang tayo. Mamalengke tayo?"
"Ahm..."
"Let's go! Ako ang bahala sa 'yo."
"Sigurado ka?"
"Gusto kong magtigil dito ngayong maghapon. Kung okay lang sa 'yo? So, 'yun na lang ang sa palagay kong dapat kong gawain..."
Nag-isip siya. Naisip niyang wala siyang dapat itago dito. Kung may gusto ito sa kaniya at may balak itong manligaw, mabuti nang makilala siya nito nang mas maaga.
Karaniwan, kahit ulam ay problema nila. Ang pera kasi nila ay napupunta sa kapatid niya.

"MAGKANO po 'tong talong?"
"Sampu one-fourth?"
"Ang mahal naman. Hindi ba otso na lang?"
Napangiti si Ramon sa ginagawang pakikipagtawaran ni Delilah. Napakanatural lang nito sa pakikitungo nito sa sarili nito.
Mahaba ang t-shirt na suot nito pero ginupit nito ang damit na magmumukha itong seductive. Maikli lang din ang shorts nito. Napakaikli. Habang nakapo nga ito kanina ay natanaw niya ang  singit nito.Pero balewala lang naman iyon dito.
Parang comportable ito sa pagkatao nito.
"O sige. Kumuha ka na nga diyan."
Nginitian niya ito nang tingnan niya ito.
Hindi niya naiwasang tingnan ang puwitan nito habang namimili ito ng mga talong na  nakalatag sa sako. Sa semento lang iyon nakalapag.
Bilugan at malaman ang pang-upo nito. Hindi katulad ng kay Barbie ang legs nito pero makinis iyon. Maputi. Maputi din ang balat nito.
He shook her head upon looking at her breast. Malulusog iyon. Naalala niya si Marimar,
isang Mexican drama na sumikat noon. Tulad ng kay Marimar ang sex appeal nito.
"Ano pa ba ang gusto mo?" tanong sa kaniya nito.
"Favorite ko 'yung bangus na may sibuyas, kamatis at kung anu-ano pa. Ano ba'ng tawag d'on? 'Yung tinatahi 'yung bangus tapos niluluto sa toyo?"
"Ewan ko din," anito. "Basta 'yon. Gusto mo n'on?"
Tumango siya. "At saka pangat na tulingan."
"Alam mo, mukhang magkakasundo tayo sa trip mong 'yan. Gusto ko sa pangat na tulingan eh 'yung may talong at maraming sile."
"Same. Type ko rin 'yon." Nagkangitian sila.Pareho pala sila nito ng gusto pagdating sa pagkain.


"SO, walo kayong magkakapatid? Hindi naman ba nahirapan ang nanay at tatay n'yo sa inyo?" aniya habang ginagayat ang sibuyas. Ito naman ay nagprisintang pipigain ang gata.
Pinahiram na lang niya ito ng tsinelas at shorts dahil hindi daw ito komportable sa suot.
"Nahirapan din. Bilib lang talaga ako sa dalawa dahil marunong talaga sila sa buhay."
"Paano? Parang hindi ko ma-imagine." In her case, dadalawa lang sila pero parang hirap na hirap na ang nanay niya sa kanila. Pero naiintindihan din niya dahil nasa ibang bansa ang nanay niya. Hindi niya alam kung paano nito ginagastos ang pera. Siguro, dala na rin ng kahirapan ay nagsusugal ang nanay niya doon. Iyon din kasi nabalitaan niya sa mga kamag-anak niyang nakapunta na rin sa HongKong. Marahil nakita ng mga iyon ang nanay niya.
"Ang tatay ko, nagsasaka. Tapos kami, tulung-tulong. Kapag walang pasok, sa bukid lahat. Tapos, 'yung Kuya kong panganay at pangalawa, sinuportahan ang pag-aaral. 'Yung ibang magka-College din, pinahinto muna. And then, n'ung nakatapos 'yung dalawa, 'yung iba naman ang sinuportahan ng mga Kuya kong nakatapos na. Hanggang sa lahat kami, nakatapos."
"Nakakatuwa naman kayo."
"Paano kayo napadpad sa pagtatayo ng kumpaniya?"
"Mahabang istorya pero nagsimula 'yon sa nanay ko. Kasi dati, kapag may kalakal, ang nanay ko ang nagtitinda sa Maynila. Magaling siyang mag-sales talk. Hanggang sa isang araw, manakawan siya. Humingi siya ng tulong sa isang kaibigan. Imbis na pera ang pinahiram, inilapit sa Wyett. Sabi ng Wyett, kung gusto daw ni Nanay na maglako ng gatas."
"Ibinenta ni tatay 'yung lupa namin dahil sunud-sunod na nga ring bagyo. Bumili kami ng truck. Tapos, ayun, nagdire-diretso na. Pero, laway ng nanay ko ang nagpalago sa negosyo."
"Ang cute naman ng istorya n'yo?" kinusut-kusot niya ang mga mata niya. Pinilit niyang tumulo ang luha.
"Eh bakit ka naiyak?"
"Hindi ako naiyak.Naiiyak ako dahil dito." Itinuro niya ang china-chop-chop na sibuya.
"Gusto mong palit tayo?"
"Huwag na. Tapos na ko." Kinuha niya ang bangus. Hiwa na ang gitna niyon. Inilagay niya sa loob noon ang mga spices at tinahi iyon.
"Ikaw? Nasaan na nanay at tatay mo?"
"Si Tatay, an'dun..." Itinuro niya ang langit. "Si nanay, nasa HongKong."
"So, ikaw ang nagpalaki sa kapatid mo?"
"No. Five years ago nang lumipat kami dito pero sa tita ko nagpalaki sa 'min."
"Matanong ko lang. Mahirap ba'ng walang..."
"Walang...?"
"Okay lang magtanong?"
Hindi na niya ito hinintay. Alam na niya ang gusto nitong itanong. "Kung mahirap bang walang nanay o tatay?"
"Siyempre. Una, mahirap makibahay. pangalawa, lagi kaming kawawa sa mga hatian. Kahit saang hatian. Pangatlo,siyempre. Nakakaiyak kaya minsan na parang pakiramdam mo ay wala sa 'yong magtatanggol."


PANGAT na tulingan, rellenong bangus at ginisang ampalayang may itlog ang nakahain sa mesa.
"Ito ang hindi dapat mawala kapag ganitong kasarap ang kainan," ani Ramon habang binubuksan ang softdrinks. "Hindi na ba talaga darating ang kapatid mo?"
"Hindi na siguro," aniya."Tinext ko na. 'Di naman sumasagot. kilala ko na 'yon. Kapag ganitong hindi 'yon nagte-text, kasama n'on ang girlfriend niya. Hindi na naman nagpaalam."
"Here for you." Nilagyan nito ang kanin ang plato niya. "These are also your favorite so.." Nilagyan nito ng tulingan, konting amplaya ang plato niya. "Ikaw nang bahalang kumuha ng bangus."
HIndi siya nagsalita dahil iniisip niya kung ano ba ang motibo nito. Sinabi nitong gusto daw siya nitong ligawan. Pero...
"Puwede ka bang matanong?"
"Bakit naman hindi?"
"Ano ba'ng nakita mo sa 'kin at bigla na lang eh, naisipan mong manligaw?"
"Alam mo, may mga bagay na hindi maipaliwanag. So, hindi ko alam. Basta 'paggising ko na lang isang araw, may humihila sa king puntahan ka. So, ano ang magagawa ko?"
Naalala niya nang papunta siya sa kumpaniya ng mga ito. At nakita siya nito. Inalok siya nitong maggala-gala. Sumama naman siya. Aaminin niyang naging masaya siya. Ganoon naman siyang kababaw. May makasama lang ay masaya na. Sabihin nang ibang level ng kasiyahan ang naramdaman niya sa piling nito. Pero this time, parang gusto na niyang maniguro.
Parang hindi na niya kayang makaramdam ng sakit mula dito. Ayaw niyang masaktan nito.
Hindi niya alam kung ano ang gumagana sa utak nito habang kumakain. Pero siya, nabibilisan sa mga galaw nito.
"Ramon..."
"Why?"
"Alam ko, mayaman ka. Alam ko, kaya mong makuha ang gusto mo. Ginagawa mo ba 'to dahil alam mong makukuha mo ang gusto mo?"
"No. Hindi ko iniisip 'yan. Bakit mo naman naitanong?"
"I've been to many relationships. Ganito akong magtiwala. Dumating ka ngayon, pinatuloy kita. But I'm afraid."
Nakunot ang noo nito. "Afraid of...?"
"Sabi mo, gusto mong manligaw. Pero sa totoo lang, pagod na ako sa mga manliligaw."
"What do you mean?"
"I've been to so many pains."
Nakita niyang tapos na ito. Pinagpatong nila ang mga pinagkanan nila. Siya sana ang magdadala niyon sa lababo pero kinuha nito iyon mula sa kaniya. Tinakpan na lang niya ang ulam. Kumuha siya ng basahang basa.  Pinunasan niya ang mesa.
"You mean, nag-aalala ka na baka saktan lang kita?"
Hindi siya sumagot. She pressumed he understood her silence meant yes.
"Wait. Punta lang ako sa bathroom."
Umihi at nagsipilyo siya. Paglabas niya ay nasa harapan ito ng TV. Nanonood ng Wowowee.
"Gusto mong magpunta tayo diyan sa Wowowee?" Naintindihan niya ang pagpapalit nito ng topic. Ayaw nito ng masyadong seryoso. Na tipong ayaw na nitong magsalita. Papatunayan nalang nito.
Iyon ang interpretasyon niya sa kilos nito. Kaya lang naman niya binuksan iyon dito ay  para magsilbing babala dito.
"Ikaw. Kung gusto mo ba eh..."
"Gusto ko. Ikaw?"
"I like. Kailan mo gustong magpunta?"
"Ahm... Bukas?"
"Masyado ka namang excited. ASAP bukas, walang Wowowee."
Napatawa siya sa pagkawala ng kaniyang memorya. "Oo nga pala. Monday. Kung okay lang sa
yo?"
"Sige."

"HEP, HEP, Hooray!"
Dahil imbis na sa itaas ang kamay at pumalakpak ang katabi ni Ramon, sa baba. Kaya na- out ito. Napili ni Pokwang si Ramon na maging contestant ng portion na iyon.Siya ay nanonood sa  audience area.
"Naku, manong. Out kayo," ani Marielle.
Umalis ang lalaki.
"Let's continue," ani Pokwang. "Ito ang gusto ko,  guwapo..." Pakandirit na lumapit si Pokwang. Gitara ang kabuuan ng suot ng komedyante. "Uhm... Ang bango ni Papa. Iuwi mo na ako!" Humalambitin pa si Pokwang. Tinawanan lang ni Ramon ang komedyante. Si Pokwang naman ay tiningnan ito nang matalim. Nang-aakit. Pumailanlang sa studio ang kantang Puppy Love.
Sumayaw si Pokwang na animo GRO sa club. Gusto niyang matawa dahil ngingiti-ngiti lang  si Ramon. Kumuha pa ito ng panyo para pahirin ang pawis nito.
"Naku, si Papa. Nag-init!" Dahil sa nakakatawang pagkakasabi ni Pokwang niyon ay nagtawanan ang mga manonood. "Heka. Matanong ko lang. Baka may magalit sa 'kin sa ginagawa ko. May girlfriend ka na ba?"
"Ahm... Wala pa."
Nagtatalon si Pokwang. "You mean, may pag-asa ako?" Nakapuyod ang buhok ni Pokwang pero may imaginary buhok itong ikinuwit sa likod ng tainga nito.
"No. I'm courting somebody. Ayun siya."
"Ano? Nasaan 'yan?" naging parang galit ang hitsura ni Pokwang. Siya naman ay napangiti lang nang feeling niya ay nakatngin ang buong mundo sa kaniya.
"Siya? Siya ang ipagpapalit mo sa 'kin? Wala 'yang pera. Kaya kitang bilhan ng Forsche. Sumama ka lang sa 'kin..." Naghalumbitin si Pokwang kay Ramon dahilan para matawa ang mga tao.
Pumasok sa stage si Willie Revillame.
"Wait lang. Kanina pa ako nakikinig at akala ko, makakahanap na ng maloloko 'tong si Pokwang." Tumawa si Willie. "So, wala na palang pag-asa si Pokwang?" Inilapit ni Willie ang mike
sa bibig ni Ramon.
"sabi ko nga po, may nililigawan ako."
"Nasaan ba siya?"
"'Yun. 'Yung nakasuot na white blouse na may bulaklak."
"Eh, mahal mo ba siya? Baka naman pinapaasa mo lang?"
"Hindi. Mahal namahal ko siya Papi!"
Parang gusto niyang ma-corny-han dito nang tawagin nitong 'Papi' si Willie na animo avid follower ito ng naturang show.
"Sige nga. Kung halimbawa magpo-propose ka sa kaniya on national t.v. Paano mo gagawain iyon?"
Sumabat si Marielle. "Heka lang. Linawin mo muna Papi kung okay lang ba kay Ate dahil baka naman mapilitan lang sila sa isang relasyon."
"Sige. Miss, halika. Baba ka," ani Willie.
Nakaramdam siya ng matinding kaba lalo pa't ang lahat ay nagtinginan sa kanila.
Ang puwersa ng mga matang nakatingin sa kaniya ang dahilan kaya bumaba siya.
"Miss, ano ba'ng name mo?"
"Delilah."
"Wow! Parang why... why... Delilah," awit pa ng pamosong host. "Sabi kasi niya, mahal ka  niya. Mahal mo rin ba siya?"
"Kasisimula pa lang po niyang manligaw two days ago."
Dahil sa sinabi niya ay humagalpak ng tawa si Willie. "Two days?"
Tumawa ulit si Willie. Hinila nito si Ramon sa harapan niya.
Muli siyang hinarap ni Willie. "Hindi ka ba natutuwa na three days pa lang siyang nanliligaw tapos, dito ka niya sa Wowowee dinala."
"Natutuwa din naman po."
"Heto nga. Dahil sabi nga namin na ang show na 'to ay show nating lahat. Ng show ng mga nagmamahalan. Ano ang gusto n'yong sabihin sa isa't isa?" Ibinigay ni Willie kay Ramon ang mike.
"Gusto ko lang sabihin sa 'yong mahal na mahal kita. Una pa lang kitang nakita, na-in love na ako sa 'yo..." Naghiyawan ang mga tao. Pumailanlang ang kantang Only You. "Alam kong marami na sa 'yong nanligaw. Nasatan ka. Sana, paniwalaan mo 'ko na hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita."
Naghiyawan ang mga tao sa kilig.
"Ang ganda mo Miss! Ano naman ang masasabi mo sa kaniya?" tanong ni Marielle sa kaniya.
Si Pokwang naman ay naggugulong sa sahig na animo nasawi sa pag-ibig.
"S-Sige. A-A-aminin ko na. M-Mahal din kita..." Nagsigawan siguro ang mga tao dahil nahirapan siyang sabihin ang gustong sabihin. Napansin marahil ng mga ito ang garalgal niyang boses. "Pero sana, huwag mo 'kong sasaktan. Marami nang nanligaw sa 'kin pero binubuksan ko ulit ang puso ko sa 'yo dahil gusto kong magmahal ng tulad mo."
Nagsigawan ulit ang tao.
"Ang sarap naman n'on," ani Willie.
"Kiss! KIss!" tudyo ng mga manonood.
Nagkingitian sila nito.
"Kiss na. Uunahan kita!" banta ni Willie.
Napilitang lumapit si Ramon sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Napikit  siya.She expected his kiss to land on her lips. Pero sa noo niya iyon naramdaman.
Niyapos siya nito nang mahigpit kaya napayapos siya nito.
Napatawa si Willie. "Sa noo? Parang lolo!"
Umalis na siya dahil hindi naman alam ni Willie ang namamagitan sa kanila ni Ramon. Maybe, it was his way of telling her that he would respect her.

No comments:

Post a Comment