Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 8)

Chapter Eight

GABI pa ang usapan nina Ramon at Delilah. Nagtaka siya nang sabihin ng kapatid niyang naandoon  daw ito.
She gargled. Wash her face. Nakasuot pa siya ng pantulog na may mga drawing na bear nang daluhan niya ito.
"Excited ka naman ata."
"Oo nga eh. Naadik akong makita ka." Pabulong lang ang sinabi nitong huli.
"Adik ka riyan! Adik ka talaga. Nag-breakfast ka na ba? Wala pa kaming luto." Alas nuwebe na pero napasarap yata ang tulog niya kaya tinanghali siya ng gising.
"No. Here. Nagdala akong pandesal."
Saka lang niya napansin ang nakabalot sa supot na pandesal. May tatak pa ang supot ng pangalan  ng sikat na panadirya.
"Ewan ko sa 'yo."
"Ano naman ang palamang dala mo?" Dinala niya sa kusina ang pandesal. Ipinatong niya iyon sa mesa. Sinundan siya nito.
"Naandiyan sa loob." Binuksan nito ang supot at inilabas ang dairy cream.
"Gusto ko 'yan kapag nilagyan ng asukal," aniya.
"Gan'on din ang trip ko."
Naupo ito at kumuha ng isa. Kinain nito iyon.
"Ano ba gusto mo? Kape o gatas? Pero wala ka nang choice. Wala kaming gatas." Nilagyan niya ng kape ang dalawang tasa. Nang kunin niya ang lalagyan ng kape ay nasa gilid-gilid na lang ang asukal.
"May problema pa. Wala na rin kaming asukal."
"Sige, okay lang. Sanay ako sa black coffee. At saka, sapat na ang matamis mong ngiti." Ngumiti ito na ibig sabihin sa kaniya ay corny man ito, lihim namang nagpakilig iyon sa kaniya.
"Corny mo. Ganiyan ka bang ma-in love?"
"Hindi naman."
Inilapag niya sa mesa ang dalawang tasa ng kapeng wala sigurong lasa kundi mapait.
HIndi niya maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman niya. Gan'on pa lang ma-in love nang totoo. Totoo?
Totoo na ba ang nararamdaman niya?
Naisipan niya itong pag-trip-an. Ginaya niya ang pagkakaupo nito. Kasuwal lang ang pagkakaupo nito. May hawak itong pandesal. Hinahati-hati niyon iyon at isinasawsaw sa kape. Ginaya niya rin iyon.
Napangiti ito. "What's this?"
"What's this?" paggaya niya.
"Huh! YOu're funny..."
"Huh... You're funny..." Isinubo nito ang kalahati ng isang pandesal. Giawa din niya iyon.
Ginaya niya maging ang pagkain nito nang namumualaw.
Nang malunok ang nasa bibig, sinabi nito: "Pinagti-trp-an mo 'ko?"
"Pinagti-trip-an mo 'ko?"
"Anlakas pala ng tama mo kapag masaya ka."
"Anlakas pala ng tama mo kapag masaya ka."
Naisip siguro nitong hindi niya ito titigilan kaya nanahimik na lang ito. Habang kumakain ay nagpalinga-linga na lang ito sa buong bahay. Siyempre, ginaya niya rin iyon.
Natatawang, naiirita siya nitong tiningnan. "Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil..."
"Hahalikan kita kapag hindi ka tumigil!"
"Hahalikan mo 'ko? Sige. Gawa," he challenged her.
"Hahalikan mo 'ko? Sige. Gawa." Hindi niya naranasang makakita at makakilala ng ganitong ka-sweet na lalaki. Kaya parang feeling niya, dapat ay samantalahin na niya ang magpakalunod sa kasiyahang dulot nito.
Lumipat ito sa tabi niya.
Bahagya siyang natakot dahil sa banta nito. Hahalikan daw siya nito. Kagigising pa lang niya kaya amoy-kama pa siya.
Lumipat siya sa inuupuan nito kanina.
"Ang ganda mo sana kaso, gaya-gaya ka."
"Of course. Maganda talaga ako." Gusto na niyang itigil ang ginagawang paggaya dito.

MASASABI niyang napuno na naman ng kaligayahan ang puso ni Ramon. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng kayang pangitiin ang puso niya. Ang kaibuturan ng puso niya.
Nang purihin niya ang kagandahan nito, lalo pa itong nagpa-cute. Na bagay naman dito. Pinangalumbabaan siya nito. Nakangiti.
Kagabi, stressed na stressed siya dahil sa order ng DOH na i-pull out ang mga gatas sa merkado dahil sa melamin scare. Apektado ang negosyo niya. Kung walang bibili ng mga gatas na pinapabenta sa kanilang kumpaniya, malaki ang epekto niyon sa kanila dahil pawang mga gatas ang produktong dini-distribute nila sa mga supermarkets, groceries and sari-sari stores.
Break niya dahil linggo naman. Kaya nagpunta siya dito.
Hindi niya alam kung bakit makita niya lang ito ay nawawala na ang stress niya.
"How do you handle stress?" tanong niya rito. Base sa aura nito, masasabi niyang maganda ang pananaw nito sa buhay. Hindi niya alam kung totoo iyon pero base sa ngiti nito, mukhang hindi nito iniinda ang mga problema.
"Ignore. Palagay ko, lalo kang mag-focus sa problema, lalong lumalaki. But when you  ignore, solutions just come. Parang magic. Maybe, that's the result of faith. I mean, kapag  nagtiwala sa Kaniya, ibibigay niya kung ano ang gustuhin mo. I just cling to the fact that He'll carry me through. I think, you're aware of the Footprints in the Sand."
Alam niya iyon. Gusto niya lang marinig ang kuwento nito.
"You're a good story teller. Could you please retell it to me. Just to remind me."
Nag-Indian sit pa ito sa upuan para ipakitang comportable ito sa gagawaing pagkukuwento. He liked the way she moved. Ganito ang gusto niyang babae. Someone who knew how to carry herself.
"A man was very happy knowing that God was there beside everytime. Especially when he's happy. Nang maging malungkot na ang buhay niya, napansin niyang naging isa na lang ang set ng footprints na nakikita niya sa buhangin. Dati, n'ung masaya siya, dalawa. So he asked God. Tanong niya, Lord, bakit n'ung masaya ako, lagi kang nasa tabi ko? Bakit ngayong malungkot na ako, nawala ka na?"
Na-inspire siya sa kuwento nito kahit pa pamilyar sa kaniya ang kuwentong iyon. Parang na- refresh ang kaniyang paniniwala sa Nasa Itaas.
Tumikhim siya. Gusto niyang siya ang tumapos sa kuwento. "Then, God said, it's not that I left or abandoned you. N'ung mga panahong malungkot ka, I carried you."
Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Pero siya, naisip niyang ito na ang babaeng hinahanap niya. Naandito ang lahat ng mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.
Isang babaeng kaya siyang pasayahin. Babaeng nakabase ang nararamdaman sa kaniya. Mahaaga para sa kaniya iyon dahil ibig sabihin, lagi siya nitong hahanap-hanapin. Handa naman siyang ibigay ang oras niya dito para maging masaya ito. Isa pang nagustuhan niya dito, independent ito. Hindi man ito magkuwento ng tungkol sa buhay nito, napapagtagpu-tagpo ng isip niya base sa  obserbasyon niya sa buhay nito na ito ang sumusuporta sa pamilya nito. Kung nagpapadala ang nanay nitong nasa HongKong, siguro naman ay hindi masasaid kahit man lang lalagyan ng asukal ng mga  ito. Ang isa pang nagustuhan niya rito ay totoo ito sa sarili. Hindi ito nahiyang sabihin sa kaniya ang totoong estado ng buhay ng mga ito.
He liked her total self.


"ANO'NG tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ni Delilah sa lalaki.
Nakatingin kasi ito sa kaniya nang malagkit. Parang pinag-aaralan ang pagkatao niya.
"Bato-bato pick kung sino ang magliligpit," aniya rito. "Baka komo bisita ka ay  makakaligtas ka sa mga obligasyon mo."
Natawa ito sa kaniya.
"Okay?" Inihanda niya ang kanang kamay. Ito naman ay ang kaliwa. "Kaliwete ka pala," puna niya.
"Yes," he answered. "Bato-bato pick!"
Papel ito. Itinaas niya ang nakabukang palad. C-in-lose-open pa niya iyon na animo bata.
"Ano 'yan?"
"Ulan. So, talo ka. Ikaw ang magligpit."
"Andaya mo naman eh..."
"Sige na't maliligo pa ako."
Napakamot ito sa ulo.

"WHAT that? Clock?" tanong sa kaniya ni Ramon nang mapansin ang lumang relo sa tabi ng kama niya. Kaliligo niya lang kaya nakaharap siya sa vanit mirror. Nagsusuklay.
"Yes. Wishing clck. Kaya kahit hindi gumagana eh, naka-display."
"Akala ko ba h, nadurog na 'yan?"
"Iba 'yan. Pero parehong gurang na."
Natawa ito.
Nahiga ito sa kama.
"Ang init dito sa kuwarto mo. Hindi mo ba binubuksan ang bintana."
"Ah, sira. Nagpatawag na ako ng gagawa pero hindi pa naman dumadating."
Mula sa salamin ay kita niya ang repleksiyon nito. Napansin niyang pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang katawan. Naka-roba pa siya dahil nagpapatuyo pa siya ng buhok. Para ma-destruct ito ay nagtungo siya sa kinaroroonan ng electric fan. Binuksan niya iyon at itinapat doon ang basang  buhok.
"Bakit parang lahat ng mga gamit n'yo eh, antique na."
Kinabahan siya nang lmapit ito sa kaniya. Hinawakan nito ang electric fan para siguro masiguro kung tama ito na antigo na iyon. Yari iyon sa bakal at medyo kinakalawang na.
Naupo ulit ito sa kama. Nahiga. Sa interpretasyon niya, siguro ay naisipan nitong akitin siya pero dahil naisip na hindi tama ang gagawain kaya nahiga na lang sa kama.
Inunan nito ang palad nito.
"Bulok na din ang kisame n'yo..."
"Worst pa nga ito nang mabili ko. Nag-loan ako sa Pag-ibig dahil mura lang kasi 'to.  Hanggang ngayon nga, binabayaran ko pa 'to."
"Alam mo, dapat palitan mo na 'yan. Baka inaanay na 'yan sa loob."
Naupo siya sa tabi nito para pangaralan ito.
"Alam mo, andami mong nakikita..."
"Oo nga. Pati ikaw, nakita ko..."
Corny iyon na joe pero nang mga sandaling iyon ay seryoso ito. Naging malagkit pa ang tingin nito sa mga mata niya.
"You're so beautiful..." Napalunok ito. "Look..." Bumangon ito at hinawakan ang kaniyang baba. Hinalikan siya nito.
Dahil doon ay nakaramdam siya ng panghihina. His kiss went even deeper. She desperately responded to every tangle of his tongue in her mouth. Tinanggal niya ang pagkakatali ng kaniyang roba.
He romoved his t-shirt. She unbuttoned her pants.
He lie down. She felt stiff that she coudn't help herself but follow what his body was asking him to do. She found herself on top of her.
Why couldn't she resist his kisses? Why did she allow him this way?
His lips went down her neck. Down to her breast. he sucked that pink nipples. His tongue circled on the nipples that make her feel like she's on ecstacy. His kisses went down. Her body  felt the tingling all over as his lips reached her innermost. His tongue played with that pinkish flesh. That erotic sensation caught all her miseries and sanity.

HAPON na nang umuwi ito. Kukumustahin daw nito ang bahay para sa pagbisita niya.Sumabay siya dito at bumaba sa isang skat na salon.
Nagpa-footspa at nagpa-rebond siya ng buhok. Ang mahaba niyang buhok at pinutol hanggang  sa kaniyang balikat. Napansin niyang mas naging demure ang kaniyang dating. Ang make-up niya ay makapal pero hindi naman pangit. Noong una ay ayaw niya pero sabi n baklang beautician na ganoon daw talaga kapag gabi.Kailangan, medyo makapal ang make para mas lumutang pa ang ganda niya.
Add: description of dress.
"Naku, ineng! Bongga ka! Mamahalin ka ng familya ng fafa mo. For sure!" wika sa kaniya ng bakla. Ayon sa usap-usapan sa barangay nila ay may magical powers daw ang kamay nito dahil mahusay itong maggupit at mag-make up.
Ang hindi lang nito ma-magic ay ang hitsura nito. "Dausdos" ang nguso nito. Pango, malaki ang mata. Maliit ang mukha at maraming "hukay" sa mukha. Malaki ang katawan nito dahil mataba.
"Thank you Madir."
"Don't forgit duh dahtung. At 'yung tip," bulong nito sa kaniya.
"Magkano po ba?"
"Three thousand three hundred lang."
Alam niya iyon bago pa siya pumunta doon pero nasaktan ang bulsa niya nang hugutin niya mula sa pitaka ang pera.
Twenty pesos lang ang dinagdag niya sa sinabi nito. Ang kalabisan ang kaniyang tip dito.
"Kuripot ka ineng, 'no?"
"Yes. But I have to go. Thank you."
"Thank you Ining." Nakipagbeso-beso pa ito.
Palabas na siya ng salon nang tumunog ang cellphone niya.
Message mula kay Ramon iyon. Excited niyang binasa ang message.
I hav emrgncy. I think, I have to cancel this. I mean, I can't come home 2nyt.
Wat?
Ba2yaran kung anuman ang nagas2s mo. Emrgncy lng tlg.
Nakaramdam siya ng inis kaya hindi na niya ito sinagot.


NAKATINGIN sa kaniya lahat ng nasa jeep. Mukha kasing sasagala ang make up niya.
Nahihiya siya pero pinanindigan niya. Sa labas ng jeep na lang siya tumingin.
Nanghihinayang siya sa ayos niya. Pero sinabi naman nito ay babayaran nito ang lahat ng gastos. Ang ikinaiinis lang niya ay bakit hindi nito sinabi bago pa siya magpunta ng salon.
Well, sabi nito ay dail sa emergency.
Iniisip niya kung paano siya magsasalita at kikilos sa harapan ng pamilya ni Ramon nang makuha ang atensiyon niya ni... Ramon. Tama. Si Ramon iyon. Nasa Jollibee ito at may kasamang  babae.
"Mama, para!" aniya sa driver. "Dito na lang."
Since nakabayad na naman siya ay bumaba siya.
Nakaramdam siya ng inis dito nang makitang sweet ang mga ito. Kung matatandaan niya ay ito rin ang babaeng nakita niyang kasama nito sa Mall of Asia.
Naalala niyang sabi nito, b-in-reak na nito ang mga babae sa buhay nito.
Lalong nanlaki ang mga mata niya nang hawakan ng babae ang pisngi nito. Bagaman tinakpan ng  babae ang labi ng mga ito, marahil dahil nahihiya dahil sa dami ng taong naandoon, alam niyang nag-e-enjoy ito dahil sa sayang nakatapal sa mukha nito.
Kung magmumukmok lang siya ay baka dumami pa ang mga mabiktima nito. Mas mainam nang makatikim ito ng leksiyon.
Inis na inis na pumasok siya sa naturang restaurant.
"Manloloko ka!" Ihimapas niya sa ulo nito ang salang handbag. Siguro ay nasaktan ito dahil naalala niyang naisuksok pa niya doon ang cellphone niya. Napatayo ito. Nakita niya ang softdrinks sa ibabaw ng mesa. Isinaboy niya iyon dito.
"Bastos!" aniya dito. Tiningnan niya ang babaeng ka-table nito. "Maging masaya ka sana!"
She walked out.
"Lilah!"
She ran away. Mabilis. Ayaw niyang masundan siya nito.

No comments:

Post a Comment