Monday, January 31, 2011

HILING NG SAWI SA ORASANG TANGI(Chapter 7)

Chapter Seven

"MAHAL mo ba talaga ako?" tanong ni Delilah kay Ramon. Nakasakay sila sa kotse. Pauwi na sila  nito sa Laguna.
"Oo naman. Isasama ba kita sa Wowowee kung hindi?"
"Wowowee ba ang sukatan ng pagmamahal?"
"Believe it or not, I prayed that moment that happened to us in Wowowee."
"Huh?"
"Totoo 'yon. I want to tell the world I love you. Para malaman nilang akin ka."
Hindi siya nakaimik. Isa kaya ito sa mga lalaking masyadong mabulaklak ang mga labi?
Naalala niya ang sinabi sa kaniya ng kaibigan niyang si Maribel. Na malalaman kung bastos ang isang lalaki kapag nag-drawing ng ahas na nakadila.
Hindi na masyadong mahalaga kung bastos ito o hindi. Ang mahalaga, malaman niya kung ano ang posibleng kalagayan ng utak nito.
Nagda-drive ito. Paano ito makakapag-drawing?
"Ramon..."
"What?"
"Matanong ko lang. Halimbawa, may nagpa-drawing sa 'yo ng ahas. Ano ang hitsura ng ahas?"
"Ahm..." Nag-isip ito. "Bakit mo naman natanong?"
"Wala. Masama ba?"
"O sige. Although it seems like a Psychology test, never mind. At least, malaman mo kung sino talaga ako kung iyon ang gusto mo. Sabihin mo sa 'kin mamaya ang ibig sabihin."
"So, paano ka magdo-drawing ng ahas?"
"Mahaba. Kulay asul na may green-green. May stripe na black. Sa dulo, maitim."
"Payat o mataba?"
"Mataba."
"Nakadila o hindi?"
"Ahm... Nakadila? No. Hindi nakadila."
"Talaga?"
"Bakit? Ano ba ang ibig sabihin ng nakadila?"
"Kung nakadila daw, ibig sabihin, bastos."
"Ah... Gan'on ba?"
Nag-isip siya. Gusto pa niya itong makilala.
"Eh, bakit n'ung nagpunta tayo sa Picnic Grove. bakit naramdamam kong matigas 'yan?" Inginuso niya ang ibaba nito.
"Matanong ko lang. Bakit naging gan'on si Anthony? I mean, mukhang magkaiba ang personlity n'yo?"
"Si Anthony? Maniwala ka't hindi, hindi siya gan'on sa bahay. Kaya nagtataka din kami kung bakit bigla siyang nagkagan'on. So, we sent him to America after nowing that."
"Pero ano sa palagay mong dahilan?"
"Ahm... siguro, dahil youngest child siya. Sunod ang luho n'on. 'Yung hindi namin natikman lahat noon, iinuhos namin sa kaniya. Kapag nagustuhan niyang umalis, pinapayagan. Spoiled. I must  admit."
Parang gusto pa niyang makilala ang pamilya nito.
"Nasa America na siya dahil napahiya din sina Nanay at Tatay sa inasal niya."
"Nanay at Tatay? Hindi Mommy at Daddy? Or Papa, Mama?"
"Tulad nga ng naikuwento ko na, hindi naman kami galing talaga sa mayamang pamilya. Nag- sumikap lang."
"Sa amin ka mag-dinner tonight...?"
"Huh?"
"Para naman makilala ka nila."
Napailing siya. "Hindi pa ako ready. Nakakahiya."
"Nakita ka na nila sa Wowowee. At makikita mo, mababait naman sila. Kaya wala kang dapat ipag-alala."
"Ewan ko. Nahihiya ako."
"Eh, paano 'yon?"
"Bukas na lang. Bibili muna ako ng bagong damit. Tapos, magpapa-spa muna ako."
"Gusto mong dumaan muna tayo sa SM?"
"For what?"
"Tutulungan kitang mamili."
"sagot mo?" biro niya.
"Oo."
"Biro lang."
"No. Really." Iniliko nito ang sasakyan papunta sa SM Manila. Alas sais pa lang naman kaya puwede pa silang mamili.
"Hindi na rin naman kita mapipigilan eh. Sige. Kumain na din tayo sa Tokyo-Tokyo."
Nagkangitian sila.

ANG NASA isip niya ay pormal na damit ang bibilhin. But he advised her to buy informal clothes.
"Heto? Ano sa palagay mo?" paglabas niya sa cubicle ay describe dresses.

"THANK you," wika niya kay Ramon nang iparada nito sa tapat ng bahay nila ang kotse. "I think, this day is very unforgettable."
"Welcome. My pleasure," anito. Pumurma na ito na tipong handa nang paandarin ang sasakyan, hiniintay lang siyang bumaba na.
"Ramon..." pagtawag niya dito.
"Why?"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. She smiled at him. Hinalikan niya ang mga labi nito nang may ngiti sa mga labi.
"Ow! Thank you."
"I love you."
"I love you, too."
Masasabi niyang malaki ang ginampanang papel ng araw na iyon sa kanilang blooming romance. Naging turning point din ang pagpunta nila sa Wowowee.
"See you tomorrow," anito.
"See you."
Bumaba na siya.
Kinawayan siya nito. Nag-flying kiss naman siya dito. Saka niya ito kinawayan.
Ibinaba nito ang salamin ng sasakyan at pinaandar ang kotse.
Pinagmasdan niya ang kotse hanggang mawala iyon sa paningin niya.
Kinapa niya ang puso niya. And she found happiness and love there.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ng kapatid niya sa kaniya nang gumising sa  kaniya. Naka-sando, t-shirt, tsinelas lang ito. Ibig sabihin ay hindi ito umalis.
"Geronimo..." Hinawakan niya ito sa pisngi. "I'm in love..." Nagtatakbo siya papunta sa loob ng bahay. Parang baliw na nahiga siya sa  sofa. "I think,he's my prince... My knight in shining armour!"
"Sino ba 'yon? 'Yung nasa Wowowee?"
Nginitian niya lang ito.
"HIndi kayo ate nakakakilig. Kinilabutan ako kanina nang mapanood ko kayo." Naupo ito sa sofa na katabi ng sofa na kinauupuan niya. "Sabi ng girlfriend ko, 'di ba ate mo 'yan? Talagang muntik na kitang itakwil. Hindi na lang ako nagsalita."
"You can say anything you want to say. Ang mahalaga, I'm in love."
"Bahala ka nga diyan! Para kang may tililing!" Pinaikut-ikot pa nito ang kanang hintuturo  sa isang tainga.
She ignored him.
"I think I'm in love. I think I'm in love..."

No comments:

Post a Comment