Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(ENDING)

Chapter Ten

"AKALA ko, totoo ang pag-ibig. Lintik na pa-ibig 'yan!"
Dahil sa inis niya ay naputol niya ang ulo ng teddy bear na hawak niya. Maliit na bear iyon. Gawang China kaya
din madaling nahugot iyon nang dahil lang sa kaiiyak niya, sa inis niya sa Jeric na iyon.
Bakit gan'on? Bakit parang kahit na sabihing galit na galit siya kay Jeric, nasa kaibuturan
ng puso niya ay ang pagmamahal para rito.
Kung hindi ba niya ito mahal ay uubusin niya ba ang panahon niya sa kaiisip ng mga nobela? Para
lang manatili itong nasa puso't isip niya kahit sa isip lang. Kung hindi niya ito mahal, bakit naniwala
siya buong buhay niya na puwede pa sila nitong magkatuluyan?
Kung hindi niya ito mahal, hindi niya ito iiyakan nang gan'on matapos nitong lokohin at
warakin ang puso niya.
Napahagulgol siya habang inaalala ang mga araw na magkasama sila.
Naalala niya ang araw na binigyan niya ito ng sulat.

JERIC,
Marami na tayong tayong pinagdaanan. Marami na tayong pinagsamahan. Marami na ring mga masasayang
alaala, malulungkot din. Pero sana, kahit na anong mangyari ay hindi masira ang pagkakaibigan natin. Ikaw lang
ang best friend ko.
Naalala niya ang mga panahong magkasama sila nito, naglalako ng mga paninda, nagtatanim. At first
kiss nila. Naalala niya rin nang lumapit siya kina Michael. Ang paggamit niya sa lalaki para
papagselosin ito.
Napaiyak siya lalo.
Naalala niya nang mabalitaan niyang umalis na ito ng bansa gayong hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon.
Naalala niya nang mag-krus ulit ang mga buhay nila. Kung paano ito muling naging bahagi
ng buhay niya. Mawawala ba sa isip niya kung paano nito pinaniwalang mahal siya nito?
Inihagis niya ang bear na nagkalatuy-latoy na.

"PLEASE nga Angela! Puwede bang kalimutan mo na 'yung Jeric na 'yon?"
Nasa bahay nila siya sa Quezon. Hindi niya alam kung may naghahanap sa kaniya sa mundong ibabaw o wala. Ang mahalaga sa kaniya
ay makalimutan ang kasawian sa pag-ibig.
Sa pagbubungkal ng lupa na lang niya itinuon ang pag-iisip.
"Para hindi ka malungkot," aniya sa itinatanim na halamang everyday. Iyon ang favorite niyang itanim dahil madali iyong mabuhay. Ilang
araw na lanta pero mabubuhay din naman. Bukod sa maganda na ang bulaklak, hindi pa nawawalan ng bulaklak araw-araw.
"Kukuwentuhan kita ng love story. Gusto mo ba?" Ipinagpalagay niyang sumagot ito ng, "oo."
"May dalawang mag-best friend. Na-in love 'yung girl sa best friend niyang boy. Tapos, nagselos siya dahil gusto na ni boy ng
girlfriend, gusto pa ni boy ng bagong barkada. Eto namang si engot na girl, kinaibigan 'yung gustong maging kaibigan ni boy. Para maitaboy
niya si boy kung sakaling maging kaibigan nga niya ang grupo. Pero hindi gan'ong kasimple ang nangyari. Nasira ang friendship nila.
Nagkita ulit sila after ten years. Nanligaw si boy--na handsome man na paglaki. Engot naman si girl, na girl pa rin yata ang pag-iisip.
"Girl pa nga yata siya dahil isinara na niya ang tenga at isip niya. Ayaw niyang makinig."
Napakunot ang noo niya. Dahan-dahan niyang nilingon ang kaniyang likuran. Naandoon si Jeric. Napakaguwapo nito sa suot na
simpleng white t-shirt at bulaklaking short, tsinelas. Ganito itong magdamit noong binata pa ito.
"Si handsome man, ninakaw daw ang mga papeles nina girl. Pero hindi alam ni girl ang totoo na ginawa palang kabayaran ang papeles na mga iyon
sa utang ng tatay ni girl sa daddy ni handsome man. In short, hindi si handsome man ang nagnakaw ng papeles kundi ang tatay ni girl. So, si handsome man,
gumawa ng paraan para maibalik sa kanila ang mga papeles. Nakipag-inuman si handsome man sa daddy niya at sa abogado. Nilagyan niya ng pampatulog ang
inumin para makatulog ang mga kainuman niya at maitakas niya ang mga papeles."
Nakatayo si Angela pero feeling niya ay nanghina siya. Lalo pa nang makitang hawak nito ang mga dokumento nila. Ibinigay nito
iyon sa kaniya.
Napaiyak siya habang nakangiti ito sa kaniya.
Ipinatong niya sa mesa ang papeles at niyapos ito.
"I love you... Dati pa lang, mahal na kita. Sinabi ko lang ang tungkol noon kay Carla para malaman kung totoo ba ang sinabi mong ayaw mong
magka-boyfriend. Pero parang hindi naman totoo dahil nakita kitang nakikipag-flirt noon kay Michael. Kaya ako nagalit sa 'yo dahil ipinagpalit mo ako. Pero 'yun pala, may dahilan ka," anito.
Hinalikan niya ito para matigil na ito sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas.
Napaiyak siya. Akala niya, wala nang pag-ibig. Hindi totoo ang happy ending. Isa pa, all those times na magkasama sila noong
kabataan pa sila ay pareho pala ang nararamdaman at naisip nilang paraan para malaman ang nararamdaman nila. Magkagayunman, pareho pa ring
palpak.
"Sana, sa nakalipas nating buhay ay napatunayan kong mahal kita. Don't worry about the future. Hindi kita pababayaan. Hindi ko
pababayaan ang magiging pamilya natin. Kung paano ko inilagaan si Sam, higit pa d'on ang ibibigay ko sa mga anak natin. I love you very
much."
"I hate you!" aniya rito, binugbog pa niya sa dibdib nito ang kinuyom niyang kamay.
"Why do you hate me?"
"Dahil kahit marami akong sakit na naramdaman sa pagmamahal ko sa 'yo, mahal pa rin kita.
There was a time that I thought you're the worst person in my life. But you know what? The worst person in my life is the same man I love the most."
Napangiti ito."Sabi ko na eh..." Niyapos siya nito nang mas mahigpit. She felt his hot lips kissed her forehead.
"Will you marry me?" bulong nito sa kaniya habang nakayapos pa rin.
"No. I don't like."
"Don't tell me, si Michael ang gusto mong pakasalan?
"No, I mean, you marry me, instead."
"Sus. Sabi na't patay na patay ka sa 'kin eh."
"Ang yabang mo!"
Dinama niya ang yapos nito. Nakakatawang isipin.nakakakilig sa damdamin. Na ang lalaking ito ay magiging bahagi na ng
buhay niya.Forever.
Napaiyak lang siya. Nag-flash sa isip niya ang mga nobela niya. Feeling niya, sila'y mga letra lang na naging nakakakilig na istorya
mula sa romance novel.

No comments:

Post a Comment