Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 4)

Chapter Four

2009.
Ayon sa abogadong nakausap ng nanay niya, mas mainam daw na puntahan at okupahin na nila ang loteng binili sa kanila pero hindi naman nabayaran nang buo. May panlaban naman daw sila dahil nasa kanila ang kontrata ng bilihan ng lupa. Buti na lang at wais ang nanay niya dahil hindi nito
ibinigay ang titulo ng lote hangga't hindi pa fully paid iyon.
Iyon ang dahilan kaya bumalik sila sa Sabutan, Silang, Cavite.
Actually, maituturing niyang sideline lang ang pagpunta doon. Ang tunay niyang pakay ay para buhayin ang romantic side niya. Gagawa siya doon ng kabaliwan. Kung kinakailanganing pikutin si Jeric ay gagawain niya. Ang problema ay kung may girlfriend o asawa na ito. Well, wala naman sigurong masama
kung interview-hin niya lang ito if ever na may karelasyon na ito. Ang mahalaga ay maging civil man lang sila nito. Who said she wanted to forget all about him?
Sigurado siyang nakabalik na ito sa bansa. Ayon sa Friendster blog nito. Update siya dito kaya alam niyang October 22, 2007 nang bumalik ito sa Pilipinas.
Ang tanong, pumayag naman kaya itong ma-interview gayong hindi naman naging malinaw, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila?
Hindi ba makailang beses na niya itong pinadalhan ng Friendster message.
Makailang beses na ba niya itong sinulatan para ma-interview niya ito? Never mind. Nakakasama lang ng loob. May halo din kasing mystery ang pagkainis niya kay Jeric. Parang galit pa ito sa kaniya na hindi na.
Galit pa ito dahil hindi sinasagot ang kaniyang Friendster messages. Hindi na ito galit dahil tinanggap nito ang invitation niyang maging Friendster friend. Hindi niya alam. Parang pagod na siya na hindi pa sa mga bagay na may kinalaman kay Jeric.
Hindi malinaw para sa kaniya. Sa isip kasi niya,aaminin niya, umaasa pa rin siyang tulad ng mga nobela niya ay happy ending ang love story nila.
Maging realistic ka nga!
"Ano ba't iniuumpog mo 'yang ulo mo diyan?" tanong ng Nanay niya sa kaniya. Nasa loob sila ng tricycle. Hindi niya namalayang iniuumpog na pala niya sa galvanized roof na siyang dingding ng tricycle ang kaniyang ulo.
"Ah, makati ho. Kinukuto ho yata ako," palusot niya.
Papunta sila sa bahay ng kaniyang Tito. Ayon sa nanay niya, doon daw muna sila maninirahan, pansamantala.Nasa ibang bansa na kasi ang mga pinsan niya. Malaki ang bahay ng mga iyon dahil mayaman ang  mga iyon.
"Mama," pagtawag ng nanay niya sa tricycle driver. "Pakitabi nga diyan sa bakod na bulok na 'yan."
Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba nang tumigil ang tricycle.Ang bahay nina Jeric ang unang sinilip ng mata niya sa halip na ang lupain nila. Lumaki na iyon. 2-storey. Maganda na dati ang bahay ng mga ito pero bungalow lang. Ngayon ay hindi mapapahiya ang bahay na iyon kapag itinirik iyon sa Forbes' Park.
"Baba muna. Tingnan muna natin ang lote natin. Pagpapatayuan natin 'yan ng malaking apartment," pagmamayabang ng nanay niya. Malaki na rin ang naipon nito dahil sa wais nito sa pera. Kaya masasabi niyang maginhawa na ang kanilang buhay.
Bungalow ang bahay nila sa Quezon, mukhang pangmayaman.
Bumaba siya dahil kulang na lang ay itulak siya ng nanay niya pababa.
Huminga siya nang malalim para ikalma ang sarili. Tumingin siya sa lote nila. Ang dati nilang bahay ay halos warak na. Narinig din kasi niyang dati, noong bagyong Milenyo ay nasira nang husto ang bahay na iyon. Since hindi na nila pag-aari ang loteng iyon noong mga panahong iyon ay wala silang pakialam.
Tulad nga ng nasabi na ng nanay niya, balak nitong magpatayo ng apartment sa lote. Ang ibang bahagi niyon ay ibebenta na ulit. Wala naman kasi silang alam na magagawa sa limang ektaryang lupain. Balak ng nanay niyang bumili ng mga lupain sa Quezon dahil mas mura talaga ang lupain sa naturang probinsiya kaysa sa Cavite na halos ginto ang katumbas ng mga lupain.
Malaki na ang pinagbago ng Sabutan, Silang, Cavite. Nagtaasan na ang mga bahay. Mga bato na rin ang mga kabahayan. Pinturado na rin karamihan sa mga bahay.
"Aba! Ang ganda na ng bahay ng bespren mo ah..."
"'Nay, please nga! Puwede bang huwag n'yo nang banggitin 'yang salitang best friend! Dugo na'ng tenga ko eh." Paano niya ito magiging best friend gayong sampung taon--o mahigit pa-- na silang walang komunikasyon.
Pumasok na siya sa tricycle dahil baka maisipan ng Nanay niyang maki-chika pa sa mga dating kapitbahay.
"'Nay, tara na."
Bigla siyang kinabahan nang makarinig ng langitngit ng bumubukas na gate. Awtomatikong napatingin siya sa gate ng bahay ng ex-best friend niya.
Oh my gosh!
Ito na ba ang dati niyang best friend?
Oh my gosh!
Mas tumangkad ito. Nakasando lang itong puti, short at tsinelas. Simple pa rin ito tulad ng dati. Dati ay semi-kalbo ito pero barber's cut na ang style ng buhok nito. Wavy ang buhok nito na nagdagdag sa appeal nito. Nakadagdag din sa appeal nito ang five o'clock shadows and sideburns nito. Medyo bilugan ang mukha nito kaya bagay iyon  dito. Hindi ito mukhang adik.Ang singkiting mata nito dati ay hindi na gan'ong kasingkit. Uhaw. Iyon ang description niya sa mata nito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip niya. Hindi matangos, hindi rin naman pango ang ilong nito. Sapat lang iyon para hindi ito mapabilang sa lahi ng mga
 pango. His lips were pouted. Tipong kung naging babae ito ay papasa itong endorser ng lipstick. Mapupula ang mga labi nito. Humahakab sa sando nito ang korte ng katawan nito. He's sexy in general.
At totoo ba ang ginagawa nito? Naglalakad ito papunta sa kanila.
"Tita!" Nakangiting bati nito sa Nanay niya. Maganda ang relasyon nito noon pa man sa Nanay niya. Kaya tita ang tawag nito sa Nanay niya. Nang minsan ngang nahulog sila sa palayan ni Jeric ay hindi nagalit ang Nanay niya dahil kasabwat niya ito sa krimeng iyon. Kung siya lang ay baka namaga nang husto ang puwitan niya.
Well, kung hindi naman dahil sa katangahan niya ay maganda pa rin sana ang relasyon nila nito.
"Kumusta Jhe..."
"Heto po. Mabuti naman."
"Guwapo ka pa rin ah... Anlaki-laki na ng bahay n'yo. Ano ba ang trabaho natin?"
Nagkamot ito ng bumbunan. "Architect po." Baka mapatulad ito sa Daddy nito. Panot. Kung architect lang rin pala ang kinabagsakan nito, hindi malayong mapanot nga ito pag-edad nito.
"But
Dahil doon ay nawala ang kaunting galit sa puso niya dito. May K siyang magalit dito dahil kahit naman siya ang may dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila, hindi naman sapat iyon para i-ignore nito ang lahat ng Friendster messages niya dito.
Anyway, past is past. Ang mahalaga ay nginitian siya nito. Meaning, hindi na ito galit sa kaniya.
"Balak kasi naming tayuan ng apartment 'tong dati naming lote."
"Ah..."
"'Yung nakabili kasi ng lupa namin dati eh, hindi nabayaran lahat ng dapat bayaran. Ayon sa kontratang pinirmahan namin, kapag hindi nila nabayaran nabayaran lahat, amin na 'to ulit."
"Gan'on po ba? Good for you." Kahit hindi nito makuhang tumingin sa kaniya, may naramdaman siyang kilig. Nahihiya ba ito sa kaniya? Baligtad yata. Siya ang dapat mahiya dito.
Baka matunaw ito katitingin dito kaya pinagdiskitahan nalang niyang nalughugin ang kaniyang handbag. Nagkunwari siyang may hinahanap doon.
"Oo nga pala! Ikaw na lang ang kunin naming architect!"
Ngumiti na naman ito. Lumabas ang pantay-pantay na mga ngipin nito. Kapag nagbuo ng grupong katulad ng F4 sa Pilipinas, puwede itong maging miyembro. Tiyak na pagkakaguluhan ito ng mga kabaro niya, mga kabadingan at mga matrona. Baka magpakababae na rin pati mga tomboy.
"Uy! Hindi mo lang ba kukumustahin 'tong best friend mo?"
Dahil sa sinabing iyon dito ng nanay ay parang gusto niyang kumaripas ng takbo. Kung may nabibilhan lang ng maliit na rocket ship ay baka nakabili na siya, makapagtago lang sa charm nito.
"Kumusta." Medyo yumuko pa ito para lang masilip siya sa loob ng tricycle. Ang isang kamay nito ay nasa bubong ng sinasakyan niya.
Ngumiti siya na magmumukha siyang napakagandang artista. "Mabuti."
"I heard your into romance novel writing..."
"Oo. Sumama ako dito para makapag-relax. And to have one book finished here--sa Tinubuang lupa." Sinabi niya ang huling sinabi para may marinig namang kakaiba ang tainga nito, at ma-dstruct ang isip nito. Nakakatunaw ang presensiya nito. At ang tingin nito sa kaniya.
"Cool. Sulat mo naman love story ko."
"Sure." Para na rin mapagkakitaan kitang iniyakan--at minahal ko na rin! Charing!
Sa wakas ay tumingin ito sa nanay niya. "Baka po gusto n'yong pumasok muna sa bahay para d'on tayo makapag-usap."
Tinapik ng Nanay niya sa braso ang lalaki. "Ay naku Jhe. Sa ibang araw na lang. Hinihintay na kami ng Tito nito." Siya ang tinutukoy ng Nanay niya. "Doon kami manunuluyan. Ito nga. Text nang text. Akala daw nila ay tanghali kami dadating. Eh, alos dos na raw."
Muli ay nginitian nito ang Nanay niya. At siya. Aba, galante sa ngiti ang mokong!
"S-Sige Jhe," lakas-loob niyang sabi. "Una na kami." She managed a sweet smile.
"Ay, excuse," anito sa kaniya. "Ano ngang cellphone number mo?"
"Zero nine oh nine three six, three six..."

No comments:

Post a Comment