Sunday, January 30, 2011

MY EX-BEST FRIEND(Chapter 8)

Chapter Eight

NAPATINGIN si Angela sa kamay ni Jeric nang akbayan siya nito. Naglalakad sila nito sa mall. Si Sam at ang yaya nito ay magkasama.
Nang tingnan niya ito ay binalewala lang nito ang tingin niya. Sa pagkakaintindi niya, iyon ay para pangatawanan nito ang kagustuhan nitong maging boyfriend niya. Isa
pa, para na rin iyon sa ikagaganda ng sinusulat niyang love story nila. Ayon kasi dito ay dapat niya daw isulat ang love story nila.
Masarap palang maging parang romance book ang buhay. Fulfilling.
Kung hindi rin lang dahil sa gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang pakiramdam ng mga may boyfriend na nakaakbay ay ipatatanggal na niya dito ang akbay nito.  Hindi kasi siya
komportableng pinagtitinginan ng mga nalalampasan niya. Ikaw na ang magkaroon ng boyfriend na mukhang hahabulin!
"Naaasiwa ka ba?"
"Ako? Naasiwa? Para kasing--let's sit down. Napapagod lang ako."
"D'on. Sa cafe na 'yon." Naupo sila sa coffee shop na nasa ilalim ng hagdanan.
"Puwede bang magtanong?"
"Andami-dami mo nang tanong, ha."
"Ayaw mo?"
"Um-order ka muna. Nakakahiyang maupo tayo dito tapos, hindi tayo bibili ng kape nila."f
Um-order nga ito. Pagbalik nito ay may dala itong kung anong kape. Basta parang may icing iyon sa loob. Siguro ay may kung ano pa iyon sa loob. Hindi naman
siya pamilyar sa mga katawagan sa mga kapeng mabibili sa coffee shop. Ang isa ay ibinigay nito sa kaniya ang isa para dito.
"Go back to your question."
"I have one important question."
"Basta dahan-dahanin mo lang. At saka, huwag 'yung question na pang-Who want to a Mill--"
"Okay. Question number one." Uminom muna ito ng kape. "Nagkaroon ka ba ng crush sa 'kin n'ung mag-best friend pa lang tayo? Kahit gatiting lang. Pinagdikit nito sa ere ang hinlalaki at hintuturo nito.
"Ahm.." Uminom muna rin siya, kunwari ay nag-isip. "Nagkaroon din naman. Magaling ka rin naman kasing mag-basketball noon. Pangalawa, mabait ka sa 'kin. remember? Lagi mo 'ko n'ong sinasamahang maglako ng aking mga paninda?"
Napangiti ito, tanda na naalala din ang mga sinabi niya.
"Oo nga pala. HIndi ko lang nasabi noon na sobra kong naa-appreciate ang mga tulong mo sa 'min ni Nanay."
"Iyon? I enjoyed those times with you."
"Ako...? Oo, masaya akong kasama ka. Pero'yung magtinda, hindi. Naawa ako n'on sa sarili ko. feeling ko, napakahirap kong tao. Feeling ko, wala akong ipinagkaiba sa mga manlilimos-- siguro dahil nasanay akong nakikita kang kapag
may kailangan ka, isang hingi mo lang sa Daddy-- o sa Mommy mo, magkakaroon ka na ng gusto mo..."
"But you know what? Marangya nga ang buhay namin pero hindi naman kami masaya. Look at my father, nasaan ba siya? Naandito sa Maynila. Ang Mommy ko, nasa America. Ang isa ko pang kapatid, successful sa trabaho niya-- malayo
din, sa America. 'Yung isa, nasa malayo din. Hindi kami magkakasama. Dahil hindi naman kami nabuo dati pa. Laging magkaaway sina Mommy. Mga kapatid ko, maarte. Kaya nga ikaw ang mas pinili kong kasa-kasama araw-araw.
kaysa mga kapatid ko."
"Pero alam mo, sa totoo lang, naiinggit ako sa inyo n'on. Maganda kasi ang bahay n'yo. Mapera kayo."
"Pero hindi d'on nasusukat ang kasiyahan ng isang pamilya-- ng isang tao. I learned that finding true love could lead to one's happiness. Kaya pasalamat akong nagkita ulit tayo."
"Sus! Alam mo, aminin mong ako lang ang nagpapaganda sa mundo mo at ako lang ang maganda sa mundong ito!" biro niya na ikinangiti mo.
"Yes. You're the most beatiful thing I know."
"Thing ako? Ano ka? Aba! So, hindi I love you ang sasabihin mo sa 'kin kapag--"
"I love it."
Nagkatawanan sila. Gan'ong kababaw minsan ang kaligayahan nila. Siguro, hindi maiintindihan ng iba tao ang ka-corny-han na silang dalawa lang ang nakaka-intindi. Magkagan'on man, masaya siya.
Masaya siyang unti-unting nade-develop ang kanilang nararamdaman, ang mga nangyayari sa kanilang dalawa.


NASA JOLLIBEE sina Angela at Jeric, kasama sina Sam at 'Mommy'.
"Dad, I wanna take photos," ani Sam. Tumayo ito. Dala ang digital camera ay lumayo ito.
"Meh toh." Tumayo si 'Mommy', sumama kay Sam. 'Me too' ang ibig sabihin ng ni 'Mommy'.
"Daddy, pose kayo ni Tita, together!"
"Uy, picture daw." ani Jeric. Hindi naman nagdalawang-isip ang lalaki na ilapit ang upuan nito sa tabi niya. Inakbayan pa siya nito, inilapit pa ang mukha sa tabi ng mukha niya.
Ngumiti na rin siya. Ginawa pa niyang letter V ang hintuturo at middle finger.
"Daddy, one more. One more tighter akbay." Ngumiti si Sam na nanunudyo.
Para mas matuwa ang bata ay pinagdikit nila ang mga pisngi. Parang gusto niyang matawa kay 'Mommy'. Kilig na kilig ito habang pinapanood sila.
"One more." Lumapit si Sam sa kanila. "I'll be your photographer."
Namaywang ang bata, ipinikit ang kaliwang mata para sipatin sila.
"Tita-- do like this." Nangalumbaba ito sa harapan nila. Pinagbigyan na lang niya ito sa trip nito. Kaysa maglupasay pa ulit ito. Kanina kasi, sabi nito ay gusto daw nito ng ice cream. Nang lumapit sila sa ice cream shop, nakita
nito ang kalahi ni KingKong. Nasa loob ng tsonggo ang ice cream machine. At iyon na daw ang gusto nitong bilihin. Matagal na amuan ang nangyari hanggang sa naging simple lang ang hiling nito. Na halikan na lang daw siya ng Daddy nito. Bata pa ito at parang
nakita niya sa mukha nito na may usapan ang bata at ang yaya. Sort of set up. Ewan niya. Parang iyon ay para papag-ayusin silang dalawa sa abot ng magagawa ng batang ito. At ni 'Mommy'.
"Daddy, you pout your lips and you pretend you're kissing Tita."
Parang gusto na niyang panawan ng ulirat nang gawain nga nito iyon. His warm breath touched her right cheek. Para tuloy gusto niyang ilapit pa sa labi nito ang pisngi niya. Naughty girl!
Pinigilan lang niya ang kaniyang sarili. At hindi niya iyon kayang gawin. Hiya na lang niya. Sa gilid ng isang mata niya ay marami nang nakatingin sa kanila. Siguro naman ay naiintindihan ng mga ito na ma-boyfriend-girlfriend sila.
Hindi niya alam kung an ang magiging interpretasyon ng ibang tao. Bahala na ang mga ito. Basta ang malinaw sa kaniyang sarili ay hindi pa niya ito sinasagot.
"Tita, last one, like this." Lumapit ito kay Jeric. Hinawakan ng bata ang lalaki at nakunwaring hahalikan ang lalaki. Tipong kuhol ang pagkakanguso na animo hayuk na hayok sa halik.
"Huh? Sam? I think that's too much."
"No Tita. This is just for fun."
"Pagbigyan mo na. Baka maglupasay pa ulit 'yang isang 'yan," anito, nangingiti, animo tinutudyo pa siya.
"Gusto mo lang eh!" singhal niya dito.
"Sige na. Gawin mo na lang."
Napatirik ang mga eyeballs niya. Paano ba 'yon? Parang hindi niya kayang gawain ang pinapagawa sa kaniya ng kanilang photographer?
"Okay."Sinabi niya iyon para magka-lakas-loob. Nang hawakan niya ang pisngi nito, para siyang nanghina.
Para hindi nito maramdamang medyo kinakabahan, nanginginig siya ay binilisan na niya ang
pinapagawa sa kanila ng kanilang photographer.
Nakaramdam siya ng inis dahil mag-iisang minuto na siyang nakagan'on pero hindi pa rin sila pini-picture-an ng bata.
Pinagtawanan sila ng bata.
"Sam, bilisan mo!" aniya rito.
"Okay. Say cheese!"
Hinalikan siya ni Jeric kasabay ng pag-flash ng camera.

No comments:

Post a Comment